A spoken poetry about the present societal problems and issues of our country. This is my spoken poetry sa subject naming Humanities where I got scored 99! Hahahaha yey!
--
"Salamin"
Malabo ang aking mga mata.
Iyong tipong kapag nasa malayo ka, hindi kita kita.
At iyong tipong kapag nasa malayo ka, hindi kita kilala.
Hindi ko naaaninaw ang iyonh kabuuang postura.Ngunut kahit na malabo ang aking mga mata,
Malinaw para sa akin ang mga bagay na katulad ng mga malalaking bagay na kinakaharap ng ating bayan.Ang Pilipinas daw ay isang bansang papaunlad.
O baka naman.. "Pilipinas, gobyerno ang umuunlad?"Ibinubulsa ang kakarampot na halagang para sana sa pagpapaaral ng mga kapus-palad nating kabataan,
Pangtustos sana sa pangkalusugan ng ating mamamatan.
Kaya't hindi na rin ako magtataka kung bakit hindi malusog ang ating bayan.Malabo ang aking mga mata
Ngunit malinaw par sa aking ang gulo na nangyayari sa Marawi.
Mga hinanagpis ng bayan na tila hindi pa napapawi.
'Ang pangakong lupain' na ngayon ay nasa ilalim ng batas militar.At biglang sumagi sa isipan ko sina Mayor at Mayora.
Nasaan na nga ba sila?
Sa hinaba-haba ng inilatag nilang plataporma,
Bakit tila wala pa silang nagagawa kahit isa?Ibahin naman natin ang usapan,
Dumako tayo sa ating mga mamamatan.
Ikaw? Bilang isang kabataan,
Ano na nga ba ang nagawa mo para sa bayan?
Pag-asa ka ng bayan ngunit bakit tila,
Ikaw ang umaasa sa bayan?Nagawa mo manlang bang itapon nang tama ang iyong basura?
Malamang, hindi.
Hindi mo nga maisuot ng ayos ang iyong uniporme.
Hindi mo masunkd ang simpleng batas na ipinapatupad ng ating paaralan, paano pa kaya ang batas ng ating bayan?Malabo rin ba ang iyong mga mata?
O talagang nagbubulag-bulagan ka lang?
Updated ka ba sa mga isyu at problemang kinalaharap ng ating bansa?
Oo man o hindi ang sagot mo,
Alam ko na mas updated ka sa kung ano ang status ni crush sa facebook,
Kung ano ang pinagkakaguluhang scandal ngayon
At sa kung ano ang mga trending sa social media.Baka nga hindi mo kilala si Kian,
Napaisip ka tuloy.
Sino nga ba si Kian?Alam ko na ang tulang ito ay nakasulat sa papel
Na katulad ng ordinaryong papel
Na itatapon na lang kung saan
Sana manlang,
Bago ibasura itong papel ay naging makabuluhan para sa'yo
Sa'yo, sa'kin, sa'tin at sa bayan.Malabo man ang aking mga mata
Ngunit hindi ako nagpapabulag sa kasinungalingan
Ang aking diwa ay bukas sa katotohanan,
At sana ganoon ka rin.Isinulat at binigkas ko ang tulang ito
Na walang suot na salamin.
Sapagkat hindi ko kailangan ng salamin
Upang makatulong sa bayan natin.
BINABASA MO ANG
School Papers
DiversosHi! So this is the compilation of my school papers, from senior high school to college. You can read them, look for an idea, barrow some of it parts then enclose it in quotation marks but NEVER PLAGIARIZE them! Thank you! Follow me, share your thou...