Hi again! I'm back and decided to share to you my school papers during my 1st year in college. So, just to remind you again.. ang mga naka-publish dito ay sariling words ko. I published it here to help you in your school assignments, projects or activities. But, that doesn't mean that you're allowed to plagiarize it! Okeh?
Magpaalam po sa akin. Send me a personal message and kindly ask if you can borrow or use my ideas. BUT YOU CANNOT COPY PASTE IT!
DON'T FORGET TO FOLLOW ME AND SHARE YOUR THOUGHTS! :)
Enjoooooy!
Si Binibining Pathupats
- Juan Crisostomo Sotto
Si binibining Yeyeng ay isang dalagang ipinanganak sa Pampanga, siya ay purong Kapampangan. Pagtitinda ang kanilang ikinabubuhay. Noong nagbukas ang pamahalaang militar ng Amerika, may ilang kawal na nagtuturo rito na siyang naging suki ni binibining Yeyeng. Ingles ang wika ng mga amerikano kaya napilitan siyang mag-aral. Pagdaan ng ilang araw ay ingles na ang wika ni binibining Yeyeng at nakapagturo siya sa ibang bayan. Lumipas pa ang panahon, hindi na nagsasalita ng Kapampangan si bb. Yeyeng, kaniya na raw itong nalimutan at nahihirapan daw itong magsalita ng Kapampangan. Pinag-usapan siya ng mga kakilala at binansagan siyang "Binibining Pathupats" inihango sa malapad nitong balakang at tuluyan nang nalimutan ang kaniyang malambing na palayaw na "Binibining Yeyeng". Sa isang pista sa bayan kung saan naanyayahan siyang maging panauhin ay nahirapan sa pagbigkas at pagbasa ng kapampangan ang binibini dahilan upang pagtawanan siya ng mga manonood. Napahiya ang binibini at ito'y napaluha, pagpahid niya ng kaniyang luha at nabura ang makapal na pulbos nito sa pisngi dahilan upang lumitaw ang tunay na kulay nito na lalong ikinatawa ng mga tao. Pinagtulong-tulungan ang binibini at ito'y nagkakandarapang lumabas sa sobrang pagkapahiya.
BINABASA MO ANG
School Papers
LosoweHi! So this is the compilation of my school papers, from senior high school to college. You can read them, look for an idea, barrow some of it parts then enclose it in quotation marks but NEVER PLAGIARIZE them! Thank you! Follow me, share your thou...