Chapter 1
"Stelle! Omg magkaklase tayo!" Excited na sabi ni Tiniariz.
Niyakap niya pa ako. Grade 10 na kami this school year. Tiniariz Lacaste is my bestfriend since elementary. Pumunta na kami sa room namin at dumating na agad yung teacher. Nang natapos na ang klase ay nag lunch break na.
"Dun tayo Stelle dali! May gwapo dun!" Sabi niya sabay hila saakin.
"Talaga naman oh basta may gwapo, ang linaw linaw nang mata mo." Sabi ko.
"Aba! Syempre! Exchange student yun galing France kaya pogi yun!" Sabi niya at kinaladkad ako papunta dun sa upuan malapit dun sa mga nagkukumpulan na babae.
I rolled my eyes. Tsk! Para namang walang pogi silang nakikita dito! Madami naman dito sa school namin kaso nakakasawa na yung ka gwapuhan nila, araw araw mo ba namang makita di ka ba mauumay?
Tinapik ako ni Tin.
"Ano?" Tanong ko habang kumakagat sa Clubhouse sandwich ko.
"Ayun yung pogi oh!" Sabi niya sabay turo sa likod ko.
"Ano ka ba naman Tiniariz! Tinuro mo pa! Nakakahiya ka!" Sabi ko sabay yuko kahit nakatalikod naman ako sakanila. Ako kasi yung nahihiya para sakanya.
"Yung iba nga e hindi lang basta tinuro! Nag fa-flying kiss pa!" Sabi niya sabay irap.
"Tss, whatever." I rolled my eyes and then I sipped on my Probiotic drink.
"Omg! Estelle! Tinitingnan niya ako!" Sabi niya sabay tili. "May dumi ba ako sa mukha? Presentable na ba ako tingnan?" Tanong niya pa sakin habang sinusuklay yung kamay niya sa buhok niya.
Well, Maganda naman si Tiniariz. Bronze skin, Mahaba at kulay itim na buhok. Her lips are plump and her eyes was almond.
"Wala naman, sige na lumandi kana dun. Kumakain pa ako." Sabi ko sabay nguya uli nang sandwich ko.
Tumayo naman siya at nagulat ako. Wag mo sabihing pupunta siya dun?
"Huy! San ka pupunta?" Tanong ko.
"Maglalandi. Ano sama ka?" Tanong niya pa.
"No thanks. Di ako malandi no! Wag mo nga akong idamay jan Tiniariz."
"Bahala ka, basta ako 'live your landi life into the fullest!" Sabi niya sabay kindat saakin at umalis na.
Gaga talaga 'tong babaeng to! Bahala nga siya sa buhay niya. Ilang sandali pa ay nakahalukipkip siyang tumingin saakin at umiirap irap pa.
"Oh ano? Nakuha mo na ba number niya?" Tanong ko sabay tawa pa.
Mas lalo siyang sumimangot at hinila ako. Napatayo naman agad ako.
"Anong problema mo? Naiwan ko yung inumin ko dun!" Sabi ko sabay bawi sa kamay ko.
Pag harap niay saakin nakita ko siyang umiyak. Nagulat naman agad ako.
"Bakit ka umiiyak, Tiniariz?!" Nagpapanic kong tanong.
"That jerk! Sinabihan niya akong malandi!" Sabi niya.
Natawa naman ako.
"Eh, malandi kanaman talaga. Bakit para kung umasta ka e di ka aminado?" Natatawa kong tanong. Sinamaan niya naman ako nang tingin at inirapan.
"Kung sa ibang tao o sayo, okay lang na sabihan ako nang malandi. Pero hindi e! Di pa nga niya ako kilala sinabihan niya na agad ako nang ganun! Ang sabi niya pa, 'Sorry di ako pumapatol sa mga malandi' Oo gwapo siya pero ang gago niya! Bwisit nakakahiya! Nandun pa naman si Dane!" Sabi niya sabay padyak padyak. Si Dane kasi yung long time crush niya.
"I tell you, mga ganyang mukha ay wag ka talagang umasa na mabait yan!"
"May sinabi ka bang ganun?" Tanong niya.
"Wala ba? Edi..huwag kang pumatol sa mga kagaya niya kasi alam mo naman na galing yan Pransya." Sabi ko.
"Okay fine! I'll just stick to Dane instead." Sabi niya sabay tawa pa.
"Gaga ka talaga! Ang landi mo kasi e!" Sabi ko pa.
"Ano ka ba naman! Bestfriend ba kita o hindi?" Tanong niya habang nakapameywang.
"Syempre naman!" Sabi ko.
Nang uwian ay nauna na umuwi si Tin sinundo nang Daddy niya. Ako naman ngayon nandito sa labas nasa waiting shed. Naghihintay kay Manong. Habang naghihintay ako sa driver namin ay naglaro muna ako sa iPhone ko.
Ate Ingrid:
Go home na! Mag di-dinner tayo sa restaurant.
Estelle:
I'm just waiting for Manong to come.
Ate Ingrid:
Fine, whatever. Just go home alive.
Ang harsh naman nang Ate ko. Tatlo kaming makakapatid na babae. Si Ate Ingrid ang panganay. Pangalawa naman ni Ate Zyana at ako ang bunso.
Habang busy ako kakalaro dito sa iPhone ko ay di parin dumating si Manong. Ma text nga.
Habang nagti-text ako ay biglang may bolang tumama sa kamay ko kaya ang resulta, nahulog yung iPhone ko.
Tumingin ako sa paligid at nakita ko yung lalaki na mukhang bago. Ito ata yung taga Pransya ah! Tiningnan ko siya nang masama.
"I'm sorry." He said while smiling.
I raised my left eyebrow at namewang.
"Don't you sorry sorry me! You jerk! Don't even talk to me! Get lost!" Sigaw ko sakanya sabay pulot nang iPhone ko na basag na yung screen.
"Easy there, ang highblood mo naman.
I'll pay for the damage on your phone or I'll buy you a new one.""No thanks! I can buy a new one! All you have to do is get lost!"
"I can't believe you. All the girls are drooling on me pero ikaw sinusungitan mo lang ako." Sabi niya sabay iling iling.
"And so what? Wag mo akong igaya sa mga babae mo kasi hindi ako maglalaway sayo! Asa ka!" Sabi ko at tinalikuran siya at nag martsa palayo.
Hinigit niya ang pulsuhan ko at pinaharap sakanya. Inis kong binawi ang kamay ko sakanya at tiningnan siya nang masama.
"Ano bang problema mo?! Pwede ba, umalis kana!" Halos mapigtas na yung ugat ko sa leeg kakasigaw sakanya pero parang wala lang siyang pake. Ngumingiti pa siya! Damn those perfect white set of teeth!
I pursed my lips.
"What's your problem? Bakit ang init init nang ulo mo saakin?" Tanong niya habang tinititigan ako sa mata.
"Galit ako sa mga katulad mo.Playboy na bastos pa nang ugali. Hoy ikaw! Napakatabil nang dila mo bwisit ka!" Sigaw ko sakanya.
"I didn't do anything to you, Kinakausap ka naman nang maayos." Sabi niya.
"Wala kang ginawa saakin pero sa kaibigan ko meron! Pinahiya mo lang naman siya kanina!" Sigaw ko sakanya.
Napaisip naman siya at unti unting ngumiti. Napagtanto niya siguro yung kademonyohan niya kanina.
"Oh ano naalala mo na yung kagaguhan mo?!"
"I'm just being honest. I don't want her anyway." He casually said.
"You hurt her feelings! You insensitive jerk!" Sigaw ko sakanya at pinandilatan siya nang mata.
"You should thank me para mawala yung paghanga niya sakin kasi kahit kailan di ko masusuklian ang nararamdaman niya para saakin." Sabi niya.
Napakagat labi naman ako. Tama naman siya.
"Kasi yung puso ko para lang sa taong mahal ko." Sabi niya pa sabay tingin sa mga mata ko. Nakaka-akit ang mga mata niya! Umiwas agad ako nang tingin.
"I don't care! Wag kana nga magpakita sakin!" Sabi ko at nag martsa na palayo sakanya.
Tinext ko si Manong na dun ako sa kabilang waiting shed maghihintay.
Nakakainis ang lalaking 'yon!
BINABASA MO ANG
Chase me Renzo (Sacueza Girls Series 1) COMPLETED
RomanceEstelle Kaelani Sacueza is the girl who wants to achieve her dreams. She only want her parents to be happy. She will give all she can just to make them happy and proud. Till she met Chase Renzo Andrada. The boy who came from France. They became tog...