Chapter 4: Same as yesterday

82 3 12
                                    

{Chapter 4}

"Never felt like, this before
Got the thrill and now I'm only one more
Scared to look down
But gravity, can't compete, with all the light you give in me"

- Illenium
[Free fall]

Natigilan naman ako nung tinignan ko siya pabalik. His eyes are full of emotions when he looked at me, but it became dull as he finally sat on his chair. Di ko talaga gets yung ugali niya. Nung una laging seryoso o galit, kanina naging maloko tapos naging malambot yung turing niya nung nakitang malungkot ako, pero biglang bumalik sa pagiging poker face. Putsa ang gulo naman niya, bipolar ata to e.

Nagpalakpakan at sumigaw naman yung mga babae na para bang sa kanila pinapatama yung sinabi ni Night. Baka naman sa akin kasi nakatingin siya sa gawi ko kanina pero wag mag assume, baka masaktan na naman. Aww ilag mga assumera diyan!

Natapos ang pagpapakilala ng buong klase at may iba pang mga prof ang pumasok sa room namin at nagbigay ng sari sariling rules per subject. Yung iba naman ay nagpapaliwanag na ng magiging lesson namin sa susunod na mga araw.

Pagtapos nung legendary motto niya, hindi na kami nakapag usap pa. Either nagpapanggap siyang tulog o nakatingin sa ibang direksyon. Basta naiinis ako sakanya. Lunaiah Selene Lyrid na nga ang kumausap, aayaw pa siya?

The bell rang as a sign of lunch time. Kinuha ko ang bag ko at sinukbit ito sa balikat ko. Agad na lumabas yung katabi kong bwisit na hindi man lang ako tinitignan. Attitude hmp. Hindi niya pinansin yung mga kaklase kong babae na lumalapit sakanya, huh buti nga sainyo. Naalala ko naman yung mga babae kaninang mga frenny ko raw, sabi nila sabay kaming magla lunch. Sila siguro yung tinutukoy ni Mama H na mga friends ko.

Bago pa ako makalabas ay nakipag usap pa sa akin ang mga kaklase ko. Especially the boys, told you my charm would work. I'm a party girl before but I'm not a rebel. Bored lang ako that's why I do things like that. Besides, I'm strong and fierce so I can always handle myself. Lagi rin naman akong mag isa kaya't sanay na ako. Kaso hindi ko alam kung totoo ba yung mga natatandaan kong iyon.

Nasa pintuan pa lang ako ay hinila na ako ng tatlong babae palabas ng room. Yes, they are the girls earlier. Bakit ba hatak sila ng hatak? Masakit na ah. Sabagay medyo nalilito pa ako kung saan yung cafeteria, nasa bag ko kasi yung school map ko eh.

"Hoi Ngets ang tagal naman ng klase niyo amp. Kanina pa free time ko oh. You're pakening wasting my time brah" reklamo ni... ano ulit pangalan nito? Sabi ko sainyo mahina ako sa pangalan eh.

"Jusko gutom na ako cyst tara na nga. Hoi Claudine wag ka sabing nagmumura diba? Pinagsabihan na kita." hinila na ulit nila ako. Oo nga pala, Claud name niya.

"Sabi ko packing tape. Hmp Lola ka lang eh" hinawi niya yung buhok niya at natamaan ang mukha ni Kulot buhok. Napairap siya kay Ateng curly hair at hinatak niya naman ang buhok ni Claud.

"Wait, ano ulit pangalan niyo?" tanong ko sa kanila.

"Claud ganda"

"Lola Rein"

"Rommelle, Mel na lang"

Tinandaan ko na ng todo ang pangalan nila at nilagay sa long term memory ko para di makalimutan.

Nagtaka ako kasi hindi masyadong nagsasalita si Morena girl, I mean Mel. Naglalakad siya kasama namin at napansin kong medyo mataray yung itsura niya. Kinalabit ko siya at agad niya akong tinignan. Siya ang pinakamatangkad sa amin kaya yumuko pa siya para lang tignan ako. Hayst pota natutulog ata ako nung nagpaulan ang langit ng katangkaran. Nakataas pa ang kilay niya na nagtatanong kung bakit.

11:11 A Minute to rememberWhere stories live. Discover now