DISCOVERY
BRYSON'S POV
Isa na namang bahagi ng ating bansa ang nasira dahil sa mga-
Mapatay na nga lang 'tong T.V. puro balita na naman tungkol sa mga halimaw na 'yon mapapanood ko.
"Chad, kamusta ka na dyan? buhay ka pa ba?"
"Shhh, nagfo-focus ako" sagot nya sa'kin.
"Okay sabi mo eh" Sagot ko sa kanya.
Natanaw ko ang pagpasok ni Vangeline mula sa pinto. Naks, bagong ligo sya.
"Ganda ng tingin natin dyan, babe ah"
Sh*t linaw ng mata. Kung sabagay sya din taga kuha ng impormasyon kaya halos agila na mata ng flat na yon.
"Bry! sodium dali"
Pinagmamadali pa ako ng Chad na 'to.
"Anong sodium na naman sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya.
"Babe, asin ata tinutukoy ni Chad" sagot naman sa'kin ni Vangeline.
Di ko alam paano kami nagkasundo nito ni Chad kahit na sobrang komplikado nyang kausap.
Tumayo ako at kinuha sa mesa ang container ng asin at inihagis ko sa kanya.
"Saluhin mo nalang, Chad"
Tok
Di ko alam kung matatawa ako na ewan dahil kitang-kita ko kung paano tumama sa mukha nya yung container at biglang-
Pop
"Bry?" Nadidinig ko na gigil sa tono nya.
Hindi pala nakasara yung container dahilan para kumalat sa niluluto nyang itlog yung asin.
"Ahm... eh? Bakit?" Tanong ko sa kanya na parang wala akong kasalanan.
"You ruined it! Sobrang alaga ko sa experiment kong ito tapos sisirain mo lang?"
Nagluluto lang sya ng itlog ah. Bakit seryosong-seryoso sya? Tsaka anong experiment?
"Experiment?" Tanong ko sa kanya
Bigla kong naalala na sa tatlong taon namin na magkakasama halos si Vangeline nagluluto para sa amin at first time lang ni Chad ngayon.
"Natatawa na lang talaga ako sa inyong dalawa" Sabi sa amin ni Vangeline habang nagsusuklay ng buhok.
"Ako na magluluto dyan. Maupo ka na sa mesa at mabilis lang ito." Dagdag pa nito.
"Okay" Sagot ni Chad.
Halatang nanghihinayang pa din sya sa nangyari. Nakokonsensya tuloy ako.
Ganun talaga si Chadron simula nung una ko palang nakilala. Seryoso at suplado kausap pero di lang talaga sya maintindihan ng iba dahil pang out of this world din utak kaso mahina nga lang sa physical activities.
"Bakit nakapatay T.V.?" Tanong ni Vangeline.
"Boring puro balita na naman tungkol sa-"
"Buksan mo" Utos niya sa akin.
Oo nga pala. Nakalimutan kong nakabukas pala T.V. para sa impormasyon na kinukuha ni Vangeline. Iba talaga pag journalist eh.
Ang mga pangyayaring ito ay hindi pa din maipaliwanag ng mga eksperto sapagkat...
Ang boring ng balita pero 'di ko maikakaila na kailangan kong pagtuunan ng pansin din nangyayari sa mundo ngayon.
"Okay na lahat, guys." Sabi ni Vangeline habang dala-dala ang mga iniluto nya.
BINABASA MO ANG
The Time Travellers: The World's Piece
AdventureIn year 2016 when the bloody war of the world occur and ended up 1 year later, due to the appearance of the eerie portals in the middle of battles. Thousands of soldiers were annihilated on every country by the creatures coming out on portals that l...