Prologue

24 0 0
                                    

NAGBIHIS ako ng simpleng pang-swimming at kumuha ako ng pangcover kung umahon man ako, muling tumingin sa salamin at pagkatapos 'non ay pumunta na ako kay mama para magpaalam.

"Ma! Punta lang po ako sa dagat!" masigla kong pinakita ang surfboard ko.

"Etong batang 'to! simula noong igala kita doon, hindi na nagsawa!" tumatawang sumbat niya sa akin.

"Eh mama naman! Ang sarap kaya maligo sa dagat!"

"Oo nga eh kaya iyan nalang alam mong gawin" pinisil ni mama ang pisngi ko.

"Aray ko ma!" tumawa lang siya at tinigilan na ang pisngi ko.

"Osige na, pumunta ka na tutal ay malapit lang naman, huwag kang magpapagabi ah? Mag-ingat ka!"

"Opo!"

'Yon nalang ang nasabi ko at patakbo akong pumunta sa dagat. Sa Siargao kami nakatira, ang surfing capital ng Pilipinas kaya hindi nakakapagtaka na madaming surfers ang pumupunta dito, kahit ang mga banyaga ay binibisita ang lugar namin.

May board walk pa malapit sa dagat kung saan tinawag itong Cloud 9 Surfing Tower, kaya naman patok na patok talaga ito sa surfers. Pangarap ko rin magkaroon ng surfboard kaso nahihiya ako kay kuya at mama na magpabili.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at lumangoy agad sa dagat hanggang sa hindi na abot ng paa ko ang buhangin.

Mula sa gilid ay may nakita akong tatlong tao, isang pamilya sila. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Si mama nalang ang meron ako at ang kuya ko.

Hindi ko alam ang pakiramdam na magkaroon ng ama pero masaya naman ako. Alam kong may dahilan naman siya kaya niya kami iniwan.

Umahon na ako at tumambay sa ilalim ng puno. Nakakita ako ng magandang bulaklak mula sa halaman sa gilid ko kaya pinitas ko 'yon at inipit sa tenga ko.

Naglakad lakad ako sa may buhangin at binati ang ilang taga-doon. Halos makilala ko na silang lahat dahil nga madalas ako doon.

"Ganda natin ngayon ah?" lumingon ako sa pinanggilan ng boses na 'yon at nakita si Jed.

"Alam ko!" tumawa kaming dalawa.

"Hindi ka ba nagsasawang maligo sa dagat?"

"Bakit naman ako magsasawa tignan mo naman ang sarap sa mata ng view!" tinuro ko ang dagat.

"Sabagay" tumango siya.

"Ikaw, anong ginagawa mo dito? Hindi ka ba kailangan ni Aling Celia?"

"Hindi na daw kasi may magdedeliver naman daw ng mga prutas kaya ako gumala muna"

"Tara punta tayo 'doon sa batuhan!" pag-aaya ko dahil hindi pa ako nakakapunta doon dahil malayo, sumang-ayon naman siya at naglakad na kami.

"Hoy teka lang!" sigaw niya nang bigla akong tumakbo.

Tumatawa akong pumunta sa batuhan at tinanaw ang paligid. Ngayon ko lang napansin ang isang malaking mansyon dito.

"May nakatira ba diyan, Jed?" nakaturo kong tanong.

"Oo" hinihingal niyang sagot.

"Ang swerte naman nila, ang ganda ng bahay nila" ngumuso ako.

"Hindi rin, matanda na yung nakatira diyan tapos tuwing ngayong bakasyon lang siya binibisita ng mga anak o apo niya ata kaya hindi man ganoon kagarbo ang bahay natin, lagi naman nating kasama ang pamilya natin" nagkibit-balikat siya.

"Sabagay" tumango-tango ako.

"May tao oh, ang ganda ng sapatos! Iba talaga mga mayayaman eh" bulong ni Jed.

Till Next SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon