"Tao po?"
Nag-doorbell ako sa mansyon nila Dash pero wala namang sumasagot. Halos sampung minuto na akong nandito hanggang sa may lumapit ma sa akin na guard.
"Walang tao diyan" nagtaka ako.
"Po? Nasaan po sila?"
"Bumalik ng Maynila"
"Talaga po?!"
"Nagkasakit si Don Jacinto kaya dinala siya sa ospital sa Maynila"
"Babalik pa po ba sila?" umaasang tanong ko.
"Hindi ko alam eh"
"Ah ganoon po ba, sige salamat po, aalis na po ako" nginitian ko yung guard at nanlulumong naglakad palayo.
"Tokis" inis na bulong ko sa sarili. Kung kailan naman at pinagsisipa ang mga bato na nadadaan ko.
"Hoy!" napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat.
"Jusko naman Jed! Bigla-bigla ka nalang sumusulpot!" hinampas ko siya.
"Napaka sadista! Ano nga palang ginagawa mo diyan sa mansyon na yan at bakit mukha kang inagawan ng candy?" taas-kilay niyang tanong.
"Eh kasi ganto kasi 'yan" kinwento ko sa kanya ang lahat pati yung paggala namin ngayon ni Dash.
"Sus yun lang pala eh! Tara tayo nalang gumala" hinatak niya ako pero pinigilan ko siya agad.
"Uuwi nalang ako" nakasimangot kong sabi.
"Anong uuwi? Ganda ganda ng panahon oh! Swimming tayo!" niyugyog niya pa ako para mapilit ako.
"Sige na nga!" Inirapan ko siya.
"Yes! Tara na!" hinatak niya ako ulit pero agad ko siyang pinigilan.
"Uuwi muna ako!"
"Ha?! Bakit na naman?"
"Eh alangan namang ipang-swimming ko 'to?" sinenyas ko ang damit ko.
"Aish sige na nga! Daming arte" bulong niya sa huling dalawang salita kaya agad ko siyang binatukan.
"Narinig ko 'yon!" tumawa lang siya at hinatak na ako.
Pinagtripan pa namin ni Jed 'yong mga tao doon kaya sobrang sakit ng 'tyan ko kakatawa. Eh paano ba naman nagpanggap siyang bulag tapos binabangga niya yung mga tao tapos kinakapa kunyari ung mga paninda na parang nagpapiano. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bahay.
"AC? Oh ang aga mo naman ata?" tumingin siya sa kasama ko "Nandyan ka pala, Jed!" nagmano si Jed.
"Nako po, sa gwapo kong 'to, hindi niyo pa po ako napansin?!" hawak-hawak niya pa ung dibdib niya kaya natawa si mama.
"Kapal ng mukha mo" bulong ko.
"Akala ko kasi si Dash ang kasama ni AC ngayon"
"Wala na po si Dash, bumalik na agad sa Maynila" sagot ni Jed.
Nagulat si mama "Oh bakit naman daw?"
"May sakit daw po yung lolo niya eh, teka nga magpapalit na ako" sagot ko at umakyat na sa kwarto ko, hinayaan ko na silang dalawang mag-usap doon.
"Oh maliligo ka na naman sa dagat?" masungit na tanong ni kuya pagkalabas ko ng kwarto hawak ang surfboard ko.
"Obvious ba?"
"Akala ko ba kasama mo si Dash ngayon?"
"Wala na! nasa Maynila na! Si Jed kasama ko sa dagat ngayon, babye na!" bumaba na ako sa sala.
BINABASA MO ANG
Till Next Summer
RomanceWhen there's a sea, there is Artemis Claudia Montes probably surfing and dancing with her own rhythm with neither calm or wild waves. To others, it's just water but for her, it's where she regain her strength and happiness. She met a guy who taught...