Sa mga nakaraang araw ay ganoon lang rin ang ginawa namin. Magsurf, gumala, kumain, maligo sa dagat o tumambay kung saan-saan. Aaminin kong gumanda ang pakikisama sa amin ni Dash, medyo nag-improve sa pagsasalita at ewan ko ba kung bakit napapalapit ako sa kanya, may iba lang.
"Gusto kong magpagabi ngayon" ngumuso ako at umupo sa buhanginan.
"I'm sure AJ won't allow you" ngumisi si Dash at bahagyang tumawa.
Kaming dalawa lang ni Dash ang magkasama ngayon dahil umalis si Jed kasama si Aling Celia. Pumunta ata sila sa lola niya."Kaya nga eh! Ang epal talaga ni kuya" uminom ako ng softdrinks.
"If I was your brother, I would have done the same" ngumisi ulit siya.
"Ang korny niyo"
"But by the way.." lumingon ako sa kanya.
"Hmm?" lumingon ako sa kanya.
"I asked your brother if I could take you to Pacifico Beach for the whole day and.." nanlaki ang mata ko.
"And ano?!"
Excited kong tanong pero tumingin siya sa akin na may malungkot na ekspresyon kaya tumingin nalang ulit sa dagat na nanlulumo.
"Sabi na eh" ngumuso ako.
"He said yes" bigla akong lumingon sa kanya na nanlalaki ang mata.
Napatayo ako bigla "Weh?!" halos nagtatatalon kong tanong.
Tumawa siya at tumayo "Oo, basta daw ibalik kita nang maayos" napatakip ako ng bunganga sa excitement.
"Thank you!!!" mahigpit ko siyang niyakap at tumalon-talon sa tuwa pero agad kong narealize ang ginawa ko kaya bigla akong humiwalay.
"A-Ah um thank you" awkward kong sabi at umiwas ng tingin.
"Hmm" tumango siya habang nakangisi.
Nag-init ang pisngi ko. Nahiya ako bigla at hindi ko na siya matignan sa mata dahil sa sobrang kahihiyan. Tinatawanan niya lang ako kaya nililibang ko nalang ang sarili ko sa pagdrawing sa buhangin.
Tumayo siya at pinagpagan ng sarili "I guess I should take you home now, AJ would be furious" bahagya siyang tumawa.
"Pero gusto ko pang tumambay" ngumuso ako.
"It's already 6 pm, AC, tara na" nanlulumo akong sumunod sa kanya.
"Seryoso ka ba talaga sa sinabi mo kanina?" hindi parin makapaniwalang tanong ko habang naglalakad kami sa buhanginan.
"Yes, ayaw mo ba?" bahagya siyang tumawa.
"Bakit?" tanong ko.
"Huh?"
"Bakit mo ako inaaya?" pansin ko mula sa peripheral vision ko ang pagtingin niya sa akin pero agad niya itong binawi.
"Well because you know, next week I'll be g-going back to Manila" mahina niyang sabi at napahinto ako sa paglalakad at ganoon rin siya.
"Babalik ka naman diba?" umaasang ngumiti ako sa kanya.
"Of course" nginitian niya ako pabalik at ginulo ang buhok ko kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
"Ikaw nahahawa ka na kay Jed ah!" natawa siya
Mahaba pa ang naging kwentuhan namin pero nakabalik naman na kami sa bahay. Wala si mama sa bahay kaya eto ako ngayon, nakikinig sa sermon ng dragon.
"Bakit ngayon ka lang?! Anong oras na ah!"
"Eh kuya naman, ngayon lang eh" ngumuso ako.
"Ewan ko sayo! Susumbong kita kay mama!"
BINABASA MO ANG
Till Next Summer
RomanceWhen there's a sea, there is Artemis Claudia Montes probably surfing and dancing with her own rhythm with neither calm or wild waves. To others, it's just water but for her, it's where she regain her strength and happiness. She met a guy who taught...