"Ma! Alis na po ako!" pagpapaalam ko kay mama dala ang surfboard ko.
"Sabi ko na nga ba eh" tumawa siya.
"Tatry ko na po 'to! Bye Ma!" lumabas na ako ng bahay.
"Mag-ingat ah!" pahabol niya.
Masaya akong naglakad dala ang surfboard kong papunta sa dagat. Inilapag ko ito at tinignan muna ang dagat. Napakaganda talaga. Umihip ako ng hangin at malakas na ibinuga ito. Kinuha ko na ang surfboard ko at lumusong na sa sobrang linaw na malaberdeng dagat at sa dulo naman nito ay asul.
"Paano ba 'to?" tanong ko sa sarili ko.
Unang beses ko palang gagawin 'to sa tanang buhay ko kaya hindi ko alam ang gagawin. Sumampa ako dito at nahulog lang muli sa tubig. Mga tatlong beses akong nahulog sa tubig at sa huli ay nakasakay na ako.
Sinuot ko ang leash na nilalagay sa ankle atsaka nag-sagwan ako gamit ang kamay papunta sa mas malalim para makakuha ng alon. Naghintay ako hanggang sa may makita akong hindi ganoong kalakihan na alon pero pwede na.
Sinubukan kong tumayo pero tumatagilid ako. Huminga ako ng malalim,umahon at tumayo ulit, ngayon ay hindi na ako nalaglag kaya napangiti ako atsaka binalanse ang sarili.
Nang nasa mababaw na ako ay may narinig ako na palakpak na galing sa kung saan kaya nilibot ko ang paningin ko.
"Galing naman 'non!"
"Jed!" nakipag-apir ako sa kanya.
"Kailan ka pa natutong mag-surf?"
"Ngayon lang" nagmamalaki kong sabi.
"Yabang!" Tumawa kaming dalawa.
"Ano nga palang ginagawa mo dito?"
"May inutos si mama eh, huminto lang ako 'nong nakita ka" pinakita niya sa akin ang listahan ng mga bibilhin niya.
"Sige na! Bilhin mo na 'yan! Magpapractice muna ako dito" ngumiti ako sa kanya.
"Galingan mo ah!" pahabol niya at tumalikod na para pumunta sa palengke.
Ako naman ay diretso sa dagat kung saan ay lagi akong nahuhulog sa tubig pero determinado parin akong ituloy 'yon. Ilang sandali palang ay may nakita akong malaking alon kaya hinabol ko iyon, tumayo ako pero nawalan na naman ako ng balanse.
Humampas ang alon sa katawan ko at hinahatak ako ng surboard ko pababa. Sinubukan kong tanggalin ang nakatali sa paa ko pero may humampas na naman na alon sa akin. Umubo ako ng tubig at unti-unting nawawalan na ng pag-asa.
Sa pagkakataong iyon ay biglang may humatak sa kamay ko para makaahon ako, sumisid siya para maayos ang surfboard ko. Inaninag ko ang mukha niya at nanlaki ang mata ko nang mapagtanto na siya ang supladong lalaki doon sa mansyon.
"Did you know how huge that wave was?! Tapos hindi ka pa marunong!" galit niyang sabi habang ginagabayan ako papunta sa pampang.
Ngumuso ako "Hindi ko naman alam na ganon yung magyayari eh" tumingin ako sa baba.
"You shouldn't have tried it" mas mahinahon na ngayon ang boses niya.
"Pero walang mangyayari kapag hindi ko susubukan"
Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Mala-green na may kaunting brown ang mata niya kaya namangha ako sa mga ito. Sakto lang ang pagkaputi niya tulad ko kahit halos araw-araw akong nasa dagat. Maganda rin ang katawan niya, parang mature na mature na siya dahil kita na ang mga muscles niya.
"But that doesn't mean na ipapahamak mo ang sarili mo" masungit niyang sabi.
"Ikaw kahapon ka pa ah! Napaka nega mo!" ngumuso ako at pinulot .
BINABASA MO ANG
Till Next Summer
RomanceWhen there's a sea, there is Artemis Claudia Montes probably surfing and dancing with her own rhythm with neither calm or wild waves. To others, it's just water but for her, it's where she regain her strength and happiness. She met a guy who taught...