Lumapit ako sa dagat at inilusong ang paa ko 'doon, hindi ganoon kalamig ang tubig kaya mukhang masarap maligo. Mula sa gilid ko ay may lumapit sa aking lalaki na hindi ko kilala.
"Hey" nilingon ko siya na may nagtatakang tingin.
"Are you from here?" umiling ako.
"Oh is that so? I'm Marquis by the way" naglahad siya ng kamay at tinanggap ko naman ito.
"Artemis, AC nalang" awkward akong ngumiti
Nagulat ako nang biglang sumulpot sa kung saan si Dash. Parang kuryente ang dinulot ng pagtitig niya sa akin pero agad rin siyang bumaling kay Marquis.
"Oh Dash! I didn't know you're here" nakangising sabi ni Marquis.
"What are you doing here in Siargao?" pag-iiba ng usapan ni Dash.
"Umm may kukunin lang ako sa kotse" pag-singit ko kaya napalingon silang dalawa sa akin. Nagpaalam na akong umalis at naglakad palayo.
"What are you doing?"
"Wala" inirapan ko siya at uminom ulit ng tubig.
"Nasaan na pala yung kausap mo?" diretsong tanong ko at umupo sa buhangin habang tinatanaw ang dagat.
"He's on his way to our house" sumunod siya sa akin at umupo sa tabi ko.
"Ah"
"Let's eat" sabi niya at walang alinlangang hinatak ako.
"Hoy ano ba! Pwede mo naman akong ayaing maigi! " parang wala siyang narinig.
"Aray ko! Hoy!" malakas na sigaw ko sa kanya dahil hinahatak niya parin ako.
"Dash!!"
"Shut up or I'll kiss you!" nagbabantang sigaw niya.
"Shut up or I'l--Hoy anong kiss! Susumbong kita kay kuy--"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang marahan niyang inangat ang baba ko at bigla ko nalang naramdaman ang kung anong malambot sa labi ko. Parang huminto ang oras at tanging tibok lang ng puso ko ang naririnig ko.
Nang makabalik na ako sa huwisyo ay agad ko siyang tinulak. Ramdam ko parin kung gaano kalambot ang labi niya pero lamang ang inis ko.
"Ano bang ginagawa mo!" inis kong sigaw sa kanya na sarado ang kamao.
Dinilaan niya ang pang-ibabang labi niya atsaka ngumisi. Nailang naman ako at nag-iwas ng tingin.
"A better way to shut you up, I guess"
Inis ko siyang nilingon at 'yun na naman ang ngisi niya. Hindi na ako nakapagtiis at mabilis na sinuntok siya sa mukha. Hinimas niya naman ito at humarap sa akin na nakaawang ang bibig. Ngumisi siya.
"Susumbong talaga kita!"
"Alright, para hindi ka na palabasin ng bahay niyo "
Napatigil ako dahil may point nga siya. Iisipin 'non ni kuya na mas mabuting nasa bahay nalang ako para walang mangyari at payapa ako doon. Wala na akong nagawa at inirapan ko nalang siya atsaka padabog na naglakad.
Tumawa siya "Wait up!" hinabol niya ako.
Mukhang namumula na naman ang mukha ko dahil ramdam ko ang sobrang pag-init nito. Hinayaan ko lang siyang habulin ako hanggang makarating kami sa isang seafood restaurant. Tinawag na niya ang waiter at umorder na siya.
"Tatahimik ka lang ba diyan?"
"Anong gusto mong gawin ko? Sumigaw sigaw dito?" pamimilosopo ko.
BINABASA MO ANG
Till Next Summer
RomanceWhen there's a sea, there is Artemis Claudia Montes probably surfing and dancing with her own rhythm with neither calm or wild waves. To others, it's just water but for her, it's where she regain her strength and happiness. She met a guy who taught...