"ATEEEEEEEE!" kinatok pa niya ng sobrang lakas ang pintuan ng Ate nya.Martes ngayon at ayaw niyang maulit kung ano ang nangyare kahapon.
"Jem ano ba ang aga aga ehh" sabi nito sa inaantok pang boses.
"Ate mag asikaso ka na ayokong ng ma-late" hinila nya ang laylayan ng damit nito at nag puppy eyes sa Ate nya "pleaseeeeee ate mag asikaso ka na"
Her sister signed "Jem 4:30 a.m palang 7:30 ang pasok mo"
Nag papadyak siya sa harapan nito "kahit na mas maaga mas maganda ayokong madagdagan ang warning ko"
Walang nagawa ang Ate nya kundi ang sumunod sa kanya habang nag luluto ito sya naman ay naligo at nag bihis na ng makababa sya ay bihis na bihis na sya.Nangmatapos silang kumain at nakapag ayos ang Ate nya ay lumabas na sila ng bahay para pumasok.
Habang nag da drive ang Ate nya ay panay ang buntong hininga nito."Seriously Jem 6 a.m palang anong gagawin mo sa school ng ganito kaaga"
"Ate alam mo naman yung nangyare kahapon nung na late ako diba"
"Hayss here maaga pa sa inaasahan mo" pinarada ng ate nya ang sasakyan sa tapat ng school.
"Thanks Ate" sabi nya rito at ng akmang baba na sya ay tumikhim ang Ate nya.
"You forget something" napaiisip naman sya sa sinabi nito tinignan nya ang bag nya kung may nakalimutan ba sya pati na rin ang sarili nya sa salamin at ng masigurong wala nga syang nakalimutan ng lingunin nya ang Ate nya naka-nguso ito habang nakatingin sa harap.Tinitigan nya lamang ito ng maalala nya kung ano ang nakalimutan niya.
Hinalikan nya ang Ate nya sa pisngi "Yan okay na?"
Tinawanan naman sya nito"Okay na sige na pumasok ka na"
Bumaba na nga sya ng sasakyan at payapang pumasok sa gate ng school nila pero ang kapayapaang iyon ay hanggang gate lang.
"Ang Aga mo namang pumasok" tanong sa kanya ng impakta.
"Eh ano ngayon?" Mataray na tanong nya.May iniabot ito sa kanyang isang peraso ng papel.
"Sabi ni Brei ikaw ang mag aasikaso ng mga mag o-audition para sa singing club.Yan ang mga listahan ng mga sasali at paki—"
"Teka sandali bakit ako?"
"Kasi hindi ako kaya kung pwede ayusin mo na ang singing club room maaga pa naman kaya may oras ka pa para mag linis" litiral na panganga sya sa nangyayare ngayon.Iniwan sya ng babaeng walang ibang ginawa kundi sirain ang araw nya at dahil tama naman ito maaga pa at may oras pa syang mag ayos dumiresto na sya sa grade 10 building habang nag lalakad ay paulit ulit niyang tinu-torture si Brei sa utak niya.
Nang makarating siya sa Singing club room sumalubong sa kanya ang babaeng naglilinis ng piano.Tumikhim siya upang makuha ang atensyon nito.
Humarap ito sa kanya at nginitian sya"Hi"
Ngumti rin sya rito "Hi.Ako nga pala si Jemimah" pagpapakilala nya rito at inilahad ang kanang kamay niya,tinanggap naman nito ang pakikipag kamay nya.
"Ericka.Ericka Sibug you can call me Ecka for short"
"Ahm member ka ng singing club?"
"Ahh hindi mag o-audition palang ako tumulong na ako mag linis dito kasi maaga pa naman eh ikaw?"
"Ahm ano ahh ako daw mag asikaso dito."
"Ahh anong Grade ka na?"
"Grade 11 HUMSs student"
"Wow nice ABM ako same grade"
Napangiti siya dahil masaya itong kausap nag tulungan silang dalawa na linisin ang singing club room at ng matapos sila pumasok na sila sa kanya kanyang classroom nag hiwalay silang dalawa pag dating sa Basketball court dahil sa ibang building ito pumapasok.Habang nag lalakad nakita niya si Sela at Abby nag nag aaway sa tapat ng classroom nila.

BINABASA MO ANG
That should be me
AcakDana Leanne Brual isang rude na babaeng may trust issue tanging mga kaibigan nya lamang ang kanyang pinagkakatiwalaan,marami syang ayaw at isa na doon si Jemimah Caldejon isang transfery na sumisira ng araw nya at nag papainit ng ulo nya.Ayaw nya di...