Nakakapagod araw-araw. Bukod sa madami akong ginagawa about sa schoolworks ay nagp-part time job din ako. Buti nalang ay 18 nako, binibigyan naman ako ng pera ng magulang ko, sadyang nag-iipon ako para makapunta sa greece. Matagal ko nang gustong pumunta roon kahit si Bryan ay alam na gusto kong pumunta roon.
Si Bryan ang aking kaibigan at ang aking mahal. Pero wala syang kaalam alam na may nararamdaman ako sa kanya.Magaling siguro akong magtago ng feelings. Kaya ayun naunahan ako.
Isang Engineer si daddy at may company sya.
Mendoza Company. Si Mommy naman ay dating isang model, masaya akong sila ang magulang ko dahil napakasupportive nila sa akin. Pero kahit na ganun ay Hindi ako palaging umaasa sa kanila at sa perang pinaghihirapan nila kaya nagtratrabaho rin ako isang coffee shops, Bilang isang waitress.
Alam nilang nagp-part time job ako at okay lang sa kanila, natutuwa sila dahil mabuti at disiplinado akong anak.Pagkadating ko sa condo ay tinanggal ko ang aking sapatos at humiga agad sa aking higaan.Gusto ko na sana matulog ngunit nakaramdam ako ng gutom. Dahil sa sobrang pagod ay nakalimutan konang kumain.
Pagkabangon ko sa aking higaan biglang may kumatok kaya imbes na sa kusina ako didiretso ay sa pintuan ako tumungo para buksan ang pinto. Si Bryan nandito.
"Sakto ata ang dating ko dahil mukhang gutom ka" Sabi niya sabay ngisi. Nakita niya kasing nakahawak ako sa aking tiyan at mukha naman talaga akong gutom dahil sa aking mukha. "The best ka talaga Architect" Sabi ko naman habang nakasaludo ang aking kamay at tsaka sya pinapasok. Natawa pa sya sa sinabi ko. Architecture kasi ang kinuha niyang course habang ako naman ay accountanting. May dala rin syang mga plates,siguro ay dito niya gagawin tutal ay 7 pm palang baka 11 sya umalis. Ganun naman palagi ang alis niya kapag pumupunta sya rito.Minsan ay dito rin sya nags-stay.
"Pwedeng dito muna ako magstay?" Si bryan.
"Bakit? Nag-away nanaman ba kayo?" Sabi ko habang kumakain. Ewan ba tuwing pag uusapan sila ng nobya niya ay pinipiga ang aking puso. Dahil sa selos na sana ako ang nobya niya at hindi si Clare."Gusto niyang makipaghiwalay tev.." Sinabi niya iyon. Kitang kita ko ang kanyang mapait na ngiti. "Syempre hindi ako pumayag... mahal ko si clare" Biglang pumatak ang kanyang luha.Bakit ganun? Ang sakit. Lalo na nung sinabi niyang mahal niya si Clare, ansakit ring makitang nasasaktan siya. Niyakap ko sya saglit at tsaka humarap sa kaniya. "Ampangit mo!" Sarkastiko kong sabi. Bigla syang tumigil sa pagiyak. "Di bagay sayo ang umiiyak, at saka bat ka umiiyak dyan ha kung gusto niyang makipaghiwalay edi makipaghiwalay karin. Learn to let go and move on bry.. Kung gusto na niyang bumitaw hayaan mo sya, hindi pwedeng ikaw nalang ang lumalaban sa relasyon niyo." Saad ko.
"Mahirap Teven,,,mahirapp sa dalawang taon na magkasama kami andami naming pinagdaanan tapos makikipaghiwalay lang sya dahil sa hindi niya ako mahal? No way, nagsisinungaling sya. Alam kong mahal nya rin ako kitang kita ko ang mga kislap sa mga mata niya sa tuwing magkasama kaming dalawa." Tumigil na sya sa pagiyak pero kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya.Kung ako lang sana ang minahal mo ay dika masasaktan. Ngayon ako yung nasasaktan para sayo e.
"Kumain na tayo lumalamig na ang pagkain, wag kanang umiyak pumapangit ka eh." Biro ko. Kumain nalang kami. Ako unang natapos kumain dahil gutom na gutom ako. Sya naman ay napakabagal kumain, parang pagong lang."Huy bilisan mo kumain, gusto mo atang ako magsubo sayo niyan." Pagbabanta ko. Yun lang pala eh binilisan niya ang pag kain at pagkatapos nun ay hinugasan kona ang pinagkainan.
Natapos konang hugasan ang mga plato. At nakita ko si bryan na tulala at hindi pa kumikilos. Hay naku... 8 pm na dapat tapusin na niya ang mga plates niya tatlo pa naman.
"Hoy! Bryan aba! Kumilos ka na wala kang matatapos kung tutunganga kanalang dyan" Sigaw ko sa kanya."sorry gagawa nako" Alam ko namang nakikinig sya kapag ako nagsabi.