CHAPTER 4

10 3 2
                                    

Pagkagising ko kinaumagahan ay nakita ko na sa dining table si Bryan at nagaayos na ng kakainin. Nag order lang sya. Siguro tinatamad din sya magluto. Hindi kona uli natikman ang luto nya. Ang huling luto niya ay nuong nagkasakit ako, sya ang nagalaga sakin dito sa Condo. "Goodmorning" Bati ko. "Dika nagluto? May mga pagkain naman dyan na pwedeng lutuin." Sabi ko " Goodmorning, aalis nadin kasi ako pagtapos kumain. Wala nakong time eh may pupuntahan" Sambit niya. "Ah okay" Napansin kongang nakabihis na sya. Naka Black longsleeves at nakapantalon na white. May suot rin syang silver na relo. "Maaga kabang gumising?" Tanong ko. "Yea"
Sagot niya. Habang kumakain ay nagusal kami.

"Okay kalang?" Tanong niya sakin. Kumunot ang noo ko. "Oo naman, bakit?" Nagtatakang tanong ko. "Yung nangyare kagabi?"sahot niya. Ay oo nga pala shit. Nakalimutan ko agad. Malasin sana yung magnanakaw nayun. " Ah oo okay lang ako" Yun lng sinagot ko at saka kumain na muli. Bigla namang may tumawag sa kanya. Napatingin pa sya sakin bago iyon sagutin. "Clare.." Napatingin ako sa kanya at nanlaki ang mga mata. "Okay" Sagot uli ni Bryan. Bago binaba. "I have to go" Sabi niya at aaktong aalis na ng hawakan ko ang isa niyang kamay." Si Clare.. Si Clare ba ang pupuntahan mo?" Di makapaniwalang tanong ko. Oo naka move on sya pero alam ko namang mahal niya parin si Clare.
"Oo e, alis nako" Inalis niya ang pagkakahawak ng kamay ko sa kanya.

Si Clare parin pala. Ako yung nandito pero mas pinili niya pa yung taong walang ginawa kundi saktan sya.
Bat koba kinukwestyon iyon. Ang alam naman kasi niya na hindi kona sya gusto. Ansakit. Titigil naba talaga ako? Pero sya lang talaga. Antagal na nitong nararadaman ko at ngayon kolang gusto alisin to. Dapat pala noon pa. Dapat noon palang para hindi ako nahihirapan ngayon.

Hindi ko mapakawalan ang sariling damdamin sa sarili ko. Nasa school na ako. Pumasok na ulit si Agatha at okay na sya.

Paulit ulit lang naman ang nangyayare ng sumunod na ilang araw. Hindi ko na uli nakita si Bryan. Hindi na sya Pumupunta rito. Ang huling punta niya ay yung makikipagkita sya kay Clare. Namimiss ko na sya. Pagtapos ko sa trabaho ay balak kong puntahan ang Condo ni Bryan. May dala rin akong pagkain at beer.

Nang ipark ko ang sasakyan ko ay nagkasalubong kami ni Jonas. "What's up?" Sagot nya. "Oy ikaw pala" Sabay na kaming pumasok sa Elevator.
"Pwede ba akong bumisita uli?" Tanong niya. Napatingin naman ako sakanya. "Halah sorry kasi di naman ako didiretso sa condo ko. Pwedeng next time nalang?" Nahihiyang sagot ko. "Ah okay sure"
Yun lang at naging tahimik na kami. Nagtataka ako kasi sa 7th floor din sya." 7th floor ka?" Tanong ko. "Yup, sa pinakadulo." Sagot naman niya. "Ah" Yun lang sinagot ko at sabay na kaming lumabas.

Biglang nabitawan ko ang mga hawak ko sa nakita ko. Si Bryan at Si Clare. Nasa tapat ng pintuan ng condo niya silang dalawa. At Naghahalikan. Ewan ko pero biglang bumagsak ang mga luha sa mga mata ko. Parang pinipiga ang puso ko dahil sa sobrang sakit.

Luminaw ang paningin ko ng makita ko si Jonas at pinunasan ang mga luha ko. Pagkatapos ay kinuha niya ang mga dala kong nabitawan ko at inalalay niya akong sumakay uli sa Elevator.

Bumaba kami sa condo ko. Pinunasan kona ang luha ko at binuksan ang pintuan. Tahimik lang akong pumasok, alam ko namang sumunod si Jonas.
Nang ilapag niya ang mga dala ko agad kong kinuha ang dalawang beer binigay ko sa kanya ang isa at para sakin naman ang isa.

Nilagok ko agad iyon pagkabukas. "May gusto ka sa kaniya" Alam kong hindi iyon tanong pero tumango ako. Naubos ko agad ang isang beer kukuha pa sana ako kaso naalala kong dalawa lang ang binili ko.
Umiyak nalang ako Nun. Nabigla ako sa pagyakap sakin ni jonas pero di ako tumigil sa pagiyak.

"Bakit hindi nalang ako?"namamaos kong sambit. "Bakit?" Pag uulit ko. Kumalas sa pagkakayakap sa akin si Jonas at pinunasan ang mga luha ko. "Kasi hindi ka niya Deserve" Sagot niya na nagpatigil sakin sa pagiyak. Tumayo sya at kumuha ng tubig para sakin. "Uminom ka" Utos niya. Ininom ko naman iyon. "Pag magkaibigan lang kasi kayo, magkaibigan lang kayo. Kasi kung ganyan.. You'll lose both" Sabi niya. Ewan pero ang sakit nung sinabi niya at natakot. Anong magagawa ko pero si Bryan ang sinisigaw ng Puso ko. Simula pa noon. Siya lang.

CAN'T YOU SEE MEWhere stories live. Discover now