Pagkadating namin sa school ni Bryan ay nagsitunguhan na kami sa aming room. Napagalitan tuloy ako ng prof ko. Sila Agatha at Jorgina naman ay nagtatakang tumingin sakin. Nababasa ko ang nasa isip nila. At tama naman ang hula ko nang makalapit na ako sa kanila. Magkakatabi kasi kami. "Bat ka naman late aber?" Sabi ni Agatha. "Nag-away si Mom at dad" Maikling paliwanag ko. Di na muli sila nakapagsalita dahil nagsalita na ang prof,tumingin pa ito sa direksyon namin kaya tumahimik na kami.
Nakikinig lang kami sa prof namin. Recitation na namin. Di naman ako kinakabahan kasi nagrereview naman ako gabi gabi pag tapos ko gawin yung schoolworks ko. "Ms. Mendoza, stand up" Sabi ni Sir George.
Tumayo naman ako. "Can you tell me, What is Financial Management Course?" Tanong sakin ni sir. Agad naman akong sumagot. "Financial Management is a four-year college course recommended for people who plan to make a career in Banking and Finance Industry. The program aims to help students acquire analytical skills,perception and competencies necessary for sound financial decision making in the business world." Tumango naman si sir."Sitdown." Natapos rin ang recitation at ang mga sunod pa naming ginawa.
"Goodbye Class" Pagpaalam ni Sir. "Goodbye Sir" Pabalik naming bati nagsilabasan na ang iba naming kakase."Uyy, Arat gala tayo this weekend, kailangan din natin magrelax. O ano g ka Jorg?" Tanong ni Agatha."G!" Sagot ni Jorgina. "Ikaw?sumama kana wag kang kj, tanggalin mo yung stress sa utak mo. Mag bar din tayo baka may makilala akong Gwapong lalake" Sabi naman ni Agatha na parang may iniimagine. Hay naku, wala naman akong choice kung di sumama. "Sige G!" Sabi ko. "Uy sabi mo yan ha, walang bawian " Masaya niyang sambit.
Nandito nako ngayon sa trabaho ko. Unti lang ang mga costumers namin. May bagong pumasok na costumers at naupo na sa table.
Teka.. Sya yun. Lumapit ako para tanungin kung ano ang oorderin niya. "Good afternoon Sir, Ano pong order niyo?" Maligayang bati ko. Sya yung nakasabay ko sa Elevator. Napatigil rin sya, namukhaan niya din siguro ako. Ang gwapo pala nito kapag harapan at mukhang mabait pa. Naalala ko rin ang boses niya nun. Ang husky."One Dalgona Coffee" Nakita ko ang ngisi niya nang sabihin iyon. "Paborito mo rin yun Sir?" Nagulat ako sa tinanong ko. Naku. Naku."I'm sorry Sir" Paghingi ko ng paumanhin. Tumalikod na ako at pinalo ang aking bibig. Napatigil ako nang magsalita sya.
"Yep" Sinagot niya ang tanong ko. Nilingon ko sya at ngumiti. Pumunta na ako sa counter para sabihin ang order niya. Pero nabigla ako dahil nagsalita sya sa likod ko."2 Dalgona Coffee" Sabi niya sabay tingin sakin. Saka sya bumalik sa table niya. Ako na kumuha ng order niya. Nung lumapit ako tumayo sya at pumunta sa kabilang upuan.
"I'm sorry Sir pero may trabaho papo ako" Malungkot kong sabi sa kaniya. Nilapag kona ang Dalawang Coffee pero umalis sya para pumunta sa may Counter. Nakita kong kinausap niya ang Manager ko. Pagkabalik niya ay Pinaupo niya ako "No problem,sitdown" Nang pareho na kaming nakaupo niyaya niya akong inumin ang Coffee.
"So dito ka nagtratrabaho?" Tanong niya. "Ah Oo eh" Nahihiya kong sagot. "Btw, I'm Jonas Smith. Half-filipino" Pagpapakilala niya.Nagpakilala rin ako sakanya. Nagusap kami ng 10 minuto at nagpaalam syang aalis na siya. Humingi pa sya ng pasensya dahil sa oras ko. Nang kinuha ko ang bill niya, may kasama pa iyong tip. Nilinis ko na ang table na iyon.
Natapos ako sa trabaho at dumiretso sa Bahay dahil nangako akong dun ako maggagabi. Pinarada ko na ang aking Kotse at pumasok sa loob ng bahay.
"Nandyan kana pala, sakto kakain na tayo" Sabi ni Mama at niyakap ako. Pumunta naman ako kay papa para yumakap. "Okay napo kayo?"ngumiti silang dalawa. " Pasensya kana samin anak ha" Malambing na tugon ni papa.
Buti ay okay na sila.Masaya kaming kumain at nagkwentuhan nun. Si Karen naman ay puro kpop ang lumalabas sa bibig. Nang matapos kaming kumain, kaming dalawa nalang nasa sala ni Daddy, si Mommy ay sinamahan sa kwarto si Karen. Nagulat ako dahil binigyan ako ng 10k ni papa "Para saan po ito dad?" Suminghal sya bago nagsalita. "Kumakain kaba anak?baka napapabayaaan mo ang kalusugan mo. Pumapayat kana oh" Nagaalalang sabi nya.
"Okay lang po ako Dad, Dinaman po ako pumayat ah. Sainyo napo itong pera" Pagsasauli ko nung pera.