Kamala's POV
It had been a week since I decided to cut ties with Jay and Monique. Moving into a condo unit was a small but significant step. The kitchen, though modest, became my sanctuary, a place where I could immerse myself in cooking and momentarily forget the chaos.
Jen's visits were a double-edged sword. On one hand, her concern was touching; on the other, it was a reminder of my perceived vulnerability. "You're not alone," she'd say, her eyes full of empathy.
Sigh.
But loneliness was not my enemy. I'd long since become acquainted with it, especially during the turbulent years of my parents' separation. Being cheated by the people I cherish means nothing... really.
...
Ugh! Fine, fine! Seeing Jay and Monique again would reopen those wounds. Every accidental glimpse of them brought a flood of painful images: their intertwined limbs, the sounds of their betrayal. It wasn't just the act itself but the trust they shattered, the belief that I was loved and respected.
Para akong nanood ng live p*rn. Ugh! Ang sakit sa brain.
Sunday ngayon. Kakagaling ko lang sa church and here I am, trying to rest but I can't. Surely enough, hindi padin talaga ako masanay sanay na mag-isa sa bahay. Wala akong makausap at nakakabalisa yun.
Tawagan ko nalang kaya si Jen? Kaso pahinga niya din ngayon. Err.
Ah. That reminds me... kailangan ko na palang maggrocery. Wala na akong stock ng pagkain. Para lang mawala ang boredom ko.
Tumayo ako saka nagpalit ng damit saka lumabas. Sumakay ako ng elevator saka pinindot ko ang ground floor.
"Oh, how surprising." I glance at the mirror in front of me. Dalawa lang kami at alam kong sinabi niya sakin yun because I don't think he's talking over the phone dahil nung pumasok ako wala siyang hawak na phone.
Tumaas ang kilay ko sa nakita ko dahil nakatingin siya sa repleksyon ko sa salamin ng elevator door.
Hm? He seems familiar.
"What did you come here for, Miss Tingson?" tanong niya. Napalingon na ako dahil sa itinanong niya.
As I thought, nagkita na kami before.
"I just recently moved here. Where did we meet before?" tanong ko sa kanya.
*TING*
"I see." ngumiti siya sakin. "Mauna na ako." saka siya naglakad palabas ng elevator. Ha? Di manlang sinagot ang tanong ko while I was kind enough to answer his question.
Whatever. Isa siguro sa mga naging customer ko na nakausap ko before. Ano naman? We won't probably see each other often. And I find him rude just now. Pssh.
Naglakad nalang ako papunta sa kotse ko. Pagdating ko sa supermarket, bumili ako ng mga supplies enough lang para malagyan ang ref ko. Since mag-isa nalang ako, kailangan limitahan ko ang pagbili ng mga groceries.
"Ito ate, kuha ka neto!" napatingin ako sa boses batang babae na medyo sumisigaw na.
"Hindi! Wag kang makulit, Ady! Bawal nga sayo ang mga sitsirya, diba?" suway ng isa pang babaeng mas nakatatanda sa kanya. They look really alike so magkapatid, apparently.
"Minsan lang naman ate e." naka-pout na litanya ng mas bata. Tinignan siya ng masama ng mas nakatatandang kapatid.
"Minsan ka ng minsan e yang minsan mo nagiging madalas. Hays." napabuga nalang ng hangin ang nakatatandang kapatid saka umiling iling pero... kinuha niya padin kung ano yung itinurong pagkain ng kapatid niya pero palihim.
BINABASA MO ANG
Under The Same Sky (ON-GOING)
Romantizm--- In two different worlds, they walk separate paths, each carrying the weight of their own heartbreak. Two souls, once whole, now shattered, longing for something they've lost but can't quite name. In their solitude, they gaze at the same sky, a s...