Jen's POV
"Thank you po, Sir," I said, handing over the flash drive containing the CCTV footage I managed to get from one of the stores near where we almost got hit. I explained everything to the police, recounting the entire incident in detail. Tumingin ako kay Kamala na naghihintay sa waiting area ng Police Station, her face showing subtle traces of worry. Bumuga ako ng mahinang hangin.
Pagkatapos kong kausapin ang mga pulis, nilapitan ko si Kamala.
"Kamz." tawag ko sa kanya. Lumingon siya sakin saka tumayo.
"Tapos ka na?" tanong niya.
Tumango ako sa kanya. "Tatawag nalang daw sila kapag merong balita at kapag napatunayan na meron ngang malice sa nangyari." hinawakan ko ang kamay ni Kamala. "Tara na? Shopping tayo?" nakangiting tanong ko kay Kamala. Ngumiti siya.
"Okay." sagot niya.
I tried to push away the lingering unease, silently hoping it was all just an accident—a coincidence with no ill intentions behind it. Pero yong possibility na meron talagang taong sinadyang gawin yun samin, ugh. Ewan ko. If this were intentional, it would leave a permanent scar of fear on both of us. Ayoko ng isipin pa, but at the same time, I knew we had to stay cautious.
But the real question kept nagging me—who would do something like this? Meron ba akong nakaaway? O baka naman isa sa mga customer na hindi naging maganda ang experience sa restaurant? But would someone really go this far over something like that?? Ugh! Sumasakit ang ulo ko kakaisip kung sino ang pwedeng gumawa nun.
As for Kamala, alam ko meron din siyang haters, tingin ko—mostly because of her connection with Hachiro—but even so, doing something like this seemed too extreme.
Tumingin ako kay Kamala na busy sa pagtingin ng shirt. Sinabi na niya kaya kay Hachiro yung nangyari? He really needs to know.
Lumapit ako kay Kamala saka tumabi. "Hey, sissy. What do you think of this one?" I asked, pointing to a shirt with 'I slay' printed on it. Tinignan niya saglit saka tumango tango with 'hm'. Pfft. Obviosly, hindi siya interesado sa mga ganyang damit. Ayaw niya yung merong mga ganyang print sa damit.
Napansin kong ibinalik niya yung shirt sa rack tapos hinawakan kamay ko. "Wala akong type, Jen. Tara kain nalang tayo. Nagugutom na ako." tapos hinila ako palabas ng store. Napashrugged nalang ako saka naglakad kasabay siya.
"Ang old fashioned mo, girl. Lahat ng mga damit dun trendy tapos wala kang type? Paano ka nagustuhan ni Hachiro?" natatawang sabi ko. Sinide-eye ako ni bakla kaya natawa ako. "Fine, you're gorgeous." kunwari ay sumusukong sabi ko tapos inikot ang eyeball.
"I just don't like today's fashion trends, okay?" she responded dismissively.
Ang sungit ni ate girl today. May monthly period ba siya? Pfft. Still, she seemed to be in a good mood—hindi siya nakasimangot at mukhang stressed ngayong araw. Maybe something good happened, or... baka nagkita na sila ni Hachiro?
"Oh, by the way, I'll be gone for a few days. Meron akong importanteng event na pupuntahan." tumingin sakin si Kamala.
"Important? How important?" she asked, sounding curious.
Pumasok kami sa isang coffee shop. "Birthday ni Lola Gracia. I have to fly to the Visayas to visit her." natigilan si Kamala tapos napatingin sakin.
"Ah, oo nga pala! Sa 17 na ang birthday ni Lola! Aww! Sayang naman di ako makakapunta." nalungkot yung boses niya kaya natawa ako.
"Pwede ka naman sumama kung gusto mo? Iced coffee, Mocha, please." order ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/227480637-288-k507969.jpg)
BINABASA MO ANG
Under The Same Sky (ON-GOING)
Romance--- In two different worlds, they walk separate paths, each carrying the weight of their own heartbreak. Two souls, once whole, now shattered, longing for something they've lost but can't quite name. In their solitude, they gaze at the same sky, a s...