Thirty-Eight 💜 JenxGio part 2

9 1 0
                                    

Jen's POV

"Yes, yes, I know, Kamz. Isa pa, di na kailangan mag-worry, nakalapag na ako sa airport." tinanggal ko ang suot kong shades saka huminga ng malalim. Ah, fresh air! Namiss ko 'to!

"Siguro ka ha? Pa-kamusta ako kay Lola, Jen. Wag mong kakalimutan." paalala ulit ni Kamala. Natawa ako kasi pang-ilang beses na niyang paalala sakin yan.

"Yes, girl. Pagdating na pagdating ko sa bahay, I'll be sure na i-he-hello kaagad kita sa kanya!" pagsisiguro ko sa kanya. She worries too much.

"Good. And keep me updated, okay?"  she added, yet again. Natawa na ako.

"Ano kita, jowa sissy?" joke ko sa kanya.

"Wala ka namang pag-update'an ng happenings mo dyan, edi sakin nalang, diba?" sabi niya. I could practically see her smirking through the phone. Ugh! Here we go again! Pagiging single ko na namang pinupuntirya niya.

"Rude! Magkakaroon din ako ng boyfriend! Maghahanap ako dito! Yung mas gwapo pa sa jowa mo." tawang tawa siya sa mga sinabi ko. Tsk.

"Sure, sure. Have fun, alright?" sabi niya.

"Yeah. Bye, Kamz." sagot ko sa kanya ng nakangiti na saka ibinaba ang call. Napailing nalang ako dahil sa kalokohan ng best friend ko. Sayang kasi di ko siya nakasama ngayon.

Tumingin ako sa katabi ko. "Oh, bakit ka nakatingin sakin ng ganyan?" tanong ko sa taong tahimik lang na nakatayo sa tabi ko.

"Nothing," he replied. Pssh.

Si Gio. Ang walanghiya, sumama sakin dito sa Visayas. He'd claimed he needed a break, a vacation kaya sumama siya. Wow! It was pretty annoying dahil ito na nga lang yung natatanging bakasyon ko na malayo sa syudad, malayo sa issues, malayo sa ingay, tapos may annoying person na sasama! Kainis ha?

Nothing?! Tapos kung makatingin! What an attitude but the fact that I can't even get mad at him because of his stupidly handsome face? That just makes it worse. Ugh.

Bakit ba kasi binanggit ko pa about 'tong trip ko e. Ugh! May asungot tuloy na kasama. Sigh. It's fine, Jen. Breathe in, breathe out... stay calm.

Pssh.

Pagdating namin sa bahay ng lola ko, kaagad akong binati ng mga kamag-anak ko. Ohhh! Ang daming tao, wah! Mga tito at tita ko pati mga pinsan ko, nandito and I think mga pamangkin narin dahil meron ding mga babies. Wow. Looks like we're having a massive family reunion!

"Jen!" yakap sakin ni Ashley. Close kong pinsan. Hinila ko kaagad siya sa isang tabi, sa bandang sala kung saan puro mga pinsan or pamangkin kong bata ang nandito.

"Ashley! Wah, namiss kita!" niyakap ko naman siya ng sobrang higpit. We're the same age at lumaki kami ng magkasama dito sa bahay ni Lola before bago ako nagcollege at lumipat sa Manila.

Pagkatapos ng yakap, kaagad nadivert yung atensyon niya sa likod ko. Uh. "Sino 'tong kasama mo, Jen?" tanong niya. Napangiwi ako.

Ito yung kanina ko pa pinoproblema e. Sabi ko sa kanya maghanap nalang muna siya ng hotel na malapit kasi kahit may kalakihan 'tong bahay ni Lola, I don't think magugustuhan niya yung interior kasi gawa sa wood. But no, he'd insisted on staying here, so now I couldn't exactly just shoo him away. Great.

Hello?! Kapag family reunion at halos lahat ng pamilya nandito tapos may kasama kang lalaki, ang unang i-a-assume nila boyfriend! Lalo na ng mga tita kong ususisera. Darn it.

Tinignan ko si Gio na nakatingin din sakin. Ugh. Gusto ko sanang sabihin na freeloader pero ayoko namang maging rude na tulad niya. Pssh.

"Friend ko. Sumama kasi gusto niya daw mabisita ang Visaya." sagot ko nalang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 14 hours ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Under The Same Sky (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon