Kamala's POV
Kinuha ko ang invitation na ibinigay ni Hachiro sa drawer ng vanity table ko. Bukas na ang party at hindi parin ako makapag-decide kung pupunta ba ako o hindi. I'm pretty sure madaming kilalang tao ang pupunta dun.
Should I go? I don't think I'm really suited for a party like this. Err. Napaka-negative ko talaga. Ano nga ba kasing ikinakatakot ko? Party lang naman yun. If I want, I can just stand there and watch people.
Alright, fine. I'll go. I'll go. Whatever happens, happens. Nandun naman si Jen. Sigurado akong hindi papaiwan si Jen dahil na-invite din siya. Tsk tsk.
"Kamz!!" speaking of her, here she is.
"Oh." itinago ko ang invitation sa vanity table ko saka tinignan si Jen mula sa salamin.
"Bili tayo ng dress!" excited na excited ang tono ng boses niya.
"Para saan naman?" tanong kong kunwari nagtataka. Syempre para saan pa? Edi para sa party! Of course, I knew the answer. She's a party girl through and through. Pfft.
"Girl, duh? Bukas na ang party ni Hachiro. Aren't we going to buy new dresses?" tanong niyang hindi mawala wala ang excitement sa katawan.
"Kailangan ba bagong dress talaga ang gamitin para sa party? Ang dami ko na kayang dresses diyan. Pwede na kahit anong meron ako dyan, Jen." hindi naman sa balewala sakin yung party, ayoko lang magmukhang pinaghandaan ang party.
Baka kung ano pang isipin ni Hachiro, nakakahiya naman.
"Of course, of course, my dear Kamala. This is one of the important parties with many very important people attending. Kaya tara na, girl. Ayokong makita ng iba na pipitsugin tayo. Lalo na, madami ring aattend na babae dun. I don't want us to be seen as outsiders." hinila niya ako patayo. "Isa pa, Kamz, you need to look stunning. Ikaw kaya ang future lady ng CEO ng Jimenez's Corporation." she smirks.
Napangiwi ako sa huli niyang sinabi.
"Impossible." That's all I could say. Imposible naman talaga, di ba? Sabi nga niya, gustong makipagkaibigan, ka-i-bi-gan. As in friend. Pssh.
"Pfft. Tara na kasi, Kamz." wala na din akong nagawa dahil nahila na talaga ako ni Jen.
So stubborn.
---
Pagdating namin sa isang dress shop, tingin ng tingin si Jen at pati ako nakitingin na din. Ang theme ng party ay masquerade so bukod sa dress, kailangan din namin ng maskara.Anong meron bakit kailangang masquerade party pa? Well, why am I questioning the theme of the party, yun ang gusto ng host ng party e. Hay naku, Kamala.
"Look who's here." tumingin ako dahil sa gilid ko lang yung nagsalita.
I flinched when I saw them.
...what?
"Angela..." I couldn't quite place the expression on Jay's face. There was a mix of emotions in his eyes—confusion, sadness, and maybe a hint of regret. It was as if he was struggling with something inside him.
Darn it. Sa laki ng mundo, bakit dito pa naisipan ng dalawang 'to pumunta? Tsk. Dami dami ng dress shop sa earth.
Tinalikuran ko lang sila pero nahabol kaagad ang braso ko. Umikot ang eyeball ko saka sinubukan kong tanggalin ang pagkakahawak niya.
"Jay, why are you trying to stop her? Obviously, she's not into you anymore so let her go!" naramdaman ko ang pagbitaw sa braso ko. Medyo madiin yung pagkakahawak na parang may galit lang. Duh? Tsk.
BINABASA MO ANG
Under The Same Sky (ON-GOING)
Romance--- In two different worlds, they walk separate paths, each carrying the weight of their own heartbreak. Two souls, once whole, now shattered, longing for something they've lost but can't quite name. In their solitude, they gaze at the same sky, a s...