PROLOGUE

649 21 0
                                    

"Wala kang kwenta! Salot ka sa bahay na ito! Pinag-aral at pinagtapos ka namin sa kolehiyo ng tatay mo pagkatapos hindi ka makahanap ng maayos na trabaho? Nagsayang ka lang ng pera sa paglalakad ng mga requirements para sa peste at walang kwentang trabaho mo! Wala ka talagang silbing babae ka!"

Hindi na napigilan ni Elliette ang mapahikbi dahil sa mga sinabing iyon ng kanyang inang si Norma. Idagdag pa na katatanggal lamang niya sa trabahong pinasukan noong nakaraang buwan.

She didn't expect that the company who hired her was in the state of bankruptsy. At sa kamalas-malasan ay isa siya sa may ilang daang empleyado nito na napiling tanggalin at alisin sa trabaho.

Wala naman siyang ibang magawa. Hindi rin naman niya magawang magreklamo dahil hindi naman siya pinilit ng kompanyang iyon na magtrabaho doon. Siya ang nagpursige na mag-apply at pumasok doon dahil sa ganda ng mga benefits na maaari sana niyang makuha sakaling magtagal siya roon.

Pero sadyang malas siya. Pinaglalaruan siya ng tadhana. Napakatindi ng galit sa kanya. Pang-limang trabaho na iyon na kanyang in-apply-an at pang-limang trabaho na rin iyon na natanggal siya wala pa man siyang isang buwan sa trabaho.

Wala naman siyang balat o birthmark sa puwitan pero ang malas niya sa lahat ng bagay.

Papasok na sana siya sa kanyang kwarto para doon magmukmok pero hindi na iyon natuloy nang makita niya ang kanyang ina na kalalabas lamang galing doon habang bitbit ang kanyang mga damit.

Nanlaki ang luhaan niyang mga mata nang itapon nito ang mga iyon sa kanyang harapan.

"'Nay!" Bulalas niya saka mabilis na umuklo para tipunin iyon at kuhanin.

"Wala kang silbi sa pamamahay na ito! Lumayas ka! At huwag na huwag kang babalik hangga't wala kang nahahanap na matinong trabaho! Kung bakit hindi ka gumaya sa mga ate at kuya mo! Kahit hindi nakapagtapos ng pag-aaral, may mga trabaho! Bwisit ka! Lumayas ka! Lumayas ka!" Gigil na sigaw sa kanya ng ina kasabay ng pagtulak nito sa kanya.

Hindi pa man siya tuluyang nakakatayo at hindi pa niya tuluyang nakukuha ang mga isinabog nitong damit sa kanyang harapan ay padarag siya nitong hinila at kinaladkad palabas ng kabahayan nila.

"'Nay, sorry na po. Maghahanap po ulit ako ng trabaho. Iyong maayos na at hindi ako mapapaalis agad. Huwag niyo naman po akong palayasin. Hindi ko po alam kung saan ako pupunta." Nagmamakaawa niyang iyak sa ina habang hinihila pa rin siya palabas naman ng gate at bakuran nila.

May mangilan-ngilan na ring chismosa ang nakikiusyo sa may malapit sa kanilang bahay. Tiyak na pag-uusapan na naman siya sa compound nilang iyon.

"Wala akong pakialam kahit sa kalsada ka pa tumira! Walang silbi!"

Isang beses pa siyang itinulak ng kanyang ina-inahan.

Hilam man sa luha ang kanyang mga mata ay pinilit pa rin niyang lapitan ang kinalakihang ina.

Batid niya na kaya ganito ang trato sa kanya ng ginang ay dahil sa hindi siya nito totoong anak. Anak siya ng kanyang ama sa naging babae nito.

Iniwan lamang siya ng kanyang totoong ina sa kanyang ama dahil sa hindi rin siya tanggap ng asawa nito.

"'Nay, parang awa niyo na po..." Humihikbi niyang turan sa ina saka ito hinawakan sa braso. Bahagya niya pang nahagip ang suot nitong daster kaya't nang makahawak siya sa may katabaan nitong braso ay humapit ang suot nitong daster, na siyang mas lalo nitong ikinagalit sa kanya.

"Hindi ka ba makaintinding bata ka? Sabi ko, lumayas ka at hindi kita tatanggapin sa pamamahay na ito hangga't hindi ka nakakahanap ng maayos na trabaho!" Hinaklit nito ang kanyang kamay saka siya muling itinulak na para bang nandidiri sa kanya.

Azrael's RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon