CHAPTER 2

178 14 2
                                    

Chapter 2

"Seryoso ka ba dyan sa sinasabi mo ha, Elliette? Baka naman nag-iimagine ka lang? O baka naman nagkamali ka lang nang pagkakarinig? Baka assuming ka lang na yayayain ka niyang magpakasal? Hello? Hindi pa naman kayo ganon magkakilala. At saka ang swerte mo naman masyado kung papakasalan ka nga ng nag-iisang 'The Oh-So-Freaking-Hottie-and-Yummy' Azrael Marcus Villega!" Mahabang litanya sa kanya ng kaibigan at kumareng si Mython na binigyang diin pa ang naunang sinabi bago ang pangalan ng lalaki, nang umuwi siya ng araw ring iyon matapos ang dapat sana ay failed interview niya.

Hindi niya pa rin maiwasang hindi matulala at mapaisip sa mga narinig mula sa may-ari ng Villega Shipping Lines, ang kompanyang kanyang dapat sana ay papasukan.

Akala niya tutulungan siya nitong makaahon mula sa kamalasan pero mali nga siya dahil parang mas inilugmok pa siya nito.

Inirapan niya ang kaibigan saka siya nahahapong yumukyok sa mesa ng hapag-kainan.

Pansamantala siyang nakikituloy ngayon sa bahay nito habang naghahanap siya ng trabaho at nagsisimulang iayos ang malas niyang buhay. Nakakahiya man na nakikisiksik siya sa bahay ng kaibigan pero wala rin naman siyang ibang pagpipilian dahil walang-wala na siyang malapitan pa. Mython was her last resort. Mabuti nga at pumayag ito.

Kapwa sila nasa parehong edad na bente-tres pero dahil sa mga maling desisyon at maling taong nakasalamuha ng kanyang kaibigan ay mayroon na itong anak na dalawang taon na ang gulang, na siyang inaanak naman niya.

She sighed. "Sana nga nagbibiro lang ako o kaya ay nagkamali lang talaga ng pagkakarinig kaso hindi. Totoong sinabi niya iyon. That arrogant 'Oh-So-Freaking-Hottie-and-Yummy' Mr. Azrael Marcus Villega you are talking about, has just blackmailed me, Mython!" Pumalatak siya kapagkuwan. "Nabubwisit ako sa kanya! Sana hindi na lang niya ako tinulungan. Sana hinayaan na lang niya akong tumalon sa tulay na 'yon! Para hindi na ako namomroblema ng ganito ngayon. Bwisit siya!"

Sobrang nagngingitngit ang kanyang kalooban dahil doon. Parang napakalaki talaga ng galit sa kanya ng tadhana para hayaang mangyari sa kanya ang mga nangyayari ngayon.

Napa-igik siya sa sakit nang maramdaman ang pagtama ng palad ni Mython sa kanyang braso. "Gaga ka talaga, Elliette! Sa lahat nang naisip mo na gawin para takasan ang mga problema, pagpapakamatay talaga naisip mo?" Sinamaan siya nito ng tingin. "Kung ako na lang kaya ang pumatay sayo, as in now na? Nakakainis ka! Ang tapang-tapang mo pagdating sa pagtatanggol sa ibang tao pero kapag sarili mo na ang ipagtatanggol at ipaglalaban mo, duwag ka." Nanggigigil nitong saad sa kanya.

Napalabi siya sa sinabi nitong iyon. Umayos rin siya ng pagkakaupo saka ito malungkot na tiningnan.

Sa lahat ng tao, si Mython lamang ang nakitaan niya ng pagpapahalaga at pag-aalala sa kanya. Kung sino iyong hindi niya kadugo ay siya pang may malasakit sa kanya.

"I'm sorry, Myth." Yumuko siya kasabay ng isa na namang buntong-hininga. "Alam mo naman kung gaano ko kagustong matanggap sa pamilyang mayroon ako, 'di ba? Kaya naghalo-halo na talaga sa akin. Hindi na ako nakapag-isip ng matino nang gabing iyon. Ang tanging gusto ko na lang talagang mangyari ay maglaho at mawala lahat ng sakit na nararamdaman ko noong mga oras na iyon."

She heard her sighed too before sitting on the chair next to her. "I know. Pero sana sa susunod, huwag kang magpadalos-dalos ng desisyon. Nakakaloka ka! Paano na lang kung hindi napadaan doon sa tulay na 'yon si Azrael? Eh 'di wala ka na ngayon? Iiwan mo na lang kami ng inaanak mo ng hindi man lang kita natutulungan?" Humawak ito sa kanyang kamay. "Nandito lang ako kapag kailangan mo ng matatakbuhan. I will help you. Alam mo naman 'yan, Elliette. Ikaw na lang at ang baby ko ang mayroon ako."

She felt emotional because of that.

Hindi siya nagkamali ng taong pagkakatiwalaan at gawing kaibigan.

Azrael's RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon