CHAPTER 9

3 0 0
                                    

“Hey…” Agad na bungad niya kay Azrael nang tuluyan na siyang makababa ng hagdanan. She also gave him a sweet smile. 

Nagpapasalamat siya na mayroon siyang background sa pag-acting dahil sa aktibo niyang pagsali sa mga musical at theatrical plays noong nag-aaral pa siya sa high school at college, kaya hindi mahirap sa kanya na umakto nang nararapat sa mga taong nakapaligid sa kanila ng lalaki.

“Saan tayo pupunta?”

She wanted to laugh when she noticed how Azrael’s face turned to a confused one before it went back to stoic and grim once again.

He cleared his throat. “Mall. We’re gonna shop all your needs and other necessities.”

Sabay na napataas ang kilay niya dahil sa narinig. Mabilis rin niyang hinila palayo ang lalaki sa mga nakapaligid sa kanila.

“Sir, alam mo naman na wala pa akong pera. Wala akong pang-shopping.” She informed him with a whisper.

The man chuckled and smirked at her. “Baby, you’re forgetting about something. Who am I?”

Napanguso siya sa tanong nitong iyon.

Ano naman kayang connect nang wala siyang pera sa kung sino ito?

Ito yata ang may nakalimutan. Hindi siya. Pati ba naman kung sino ito ay sa kanya pa itatanong?

Napaisip tuloy siya.

Sayang naman ang kagwapuhan nitong taglay kung mabilis naman itong makalimot. Such a turn off for her.

Hinarap siya ng lalaki saka ito nagpamulsa. “Let me just remind you that I am Azrael Villega, the CEO and owner of one of the biggest shipping lines here in the country and also, your husband.” Anito na binigyang-diin pa ang huling kataga. “Money should be the last thing in your concerns from now on.”

Napalabi naman siya roon.

Ano namang malay niya?

Hindi naman kasi nito nililinaw na ipagsa-shopping siya. Akala niya ay siya mismo ang gagastos.

Mahirap na nilalang lamang siya. Hindi niya afford ang mag-shopping ng para lamang sa mga luho niya. Ayos lang naman sa kanya ang mga gamit at damit na mayroon siya ngayon.

At saka isa pa, nakakahiya rito na kailangan siya nitong pagkagastusan. Wala naman iyon sa usapan nila.

Nang magsimula na itong maglakad palabas ng mansyon ay automatic siyang humabol dito para masabayan ito sa paglalakad.

“Pero—“

She was about to argue more when he cut her off by pulling her waist and letting her walk side-by-side with him.

“We’re gonna buy you some decent clothes to wear and some more of your personal stuffs.” Imporma pa nito.

Napa-huh siya roon kasabay nang mabilis na pagbaba ng tingin sa damit na suot nang mga oras na iyon.

Hindi ba mukhang disente ang suot niyang kulay itim na spaghetti sando na naka-tucked in sa maong fitted jeans?

Sa tingin nga niya ay akma lamang iyon dahil sa mall naman pala ang tungo nila.

Mukhang napansin ni Azrael ang ginawa niyang pagsipat sa suot kaya agad nitong sinegundahan ang naunang sinabi. “Don’t get me wrong, okay? You look nice in that but it’ll be more nice if you’ll wear  dresses and casual wears from now on even when you will just stay inside the mansion.”

Tumigil sila sa harapan ng isang kulay abong BMW na pandalawahang tao lamang ang maaaring sumakay.

Iba ito sa dala nitong sasakyan kanina ng sunduin siya sa bahay ng kanyang kaibigan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Azrael's RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon