-Liberty Academy-
|| Chad's POV ||
Maaga ako pumasok dahil maaga din naman akong nagising.
Actually wala pa akong tulog, hindi ako nakatulog kagabi dahil pa din sa iniisip ko ang mga pde kong gawin sa project namin, idagdag mo pa yung mongoloid na Evo na yun.
Nandito na ako sa classroom namin and take note, ako pa lang ang tao dito.
Okay lang naman sa akin kasi alam ko naman maaga din pumasok ang mga friendship ko kaya wi-wait ko nalang sila.
Habang naghihintay, nag-update na lang muna ako sa FB.
Hanggang update lang muna ako now, wala akong ganang mag'status.
Wala naman akong sasabihin eh.
-After 5 minutes-
-Door Open-
Bumukas yung pinto at may pumasok.
"Yes, may kasama na ako !"
Pero teka, si Mokong to ah.
Nakita ko naman si Evo na papasok na.
Nakita nyang tinitignan ko siya at tumingin din siya sa akin.
After nun ay iniiwas na niya ang tingin sa akin at dumiretso na sa upuan niya.
Medyo malapit yung upuan niya sa akin, mga dalawang kembot lang at siya na.
Cute niya pala pag naka-uniform, nakasibilian kasi siya kahapon eh.
Maya-maya pa ay sinuot nito ang jacket na dala at take note may hood pa.
Siguro nalamigan si Tanga, 21C lang dapat kasi talaga yung temp nang aircon pero since ako yung nauna, I'll made it to 18C, eh kasi naman naiinitan pa nga ko eh.
Napansin ko naman na nilamig siya kaya binalik ko na sa 21C yung temp nang aircon.
Mga ilang sandali pa ay nakaisip na ako ng paraan para naman maging professional kami sa gagawin namin project.
Nilapitan ko siya, umupo ako sa upuan na may isa pang upuan bago siya.
Medyo awkward para sakin pag sa tabing upuan niya ako umupo eh kaya duon na lang.
Nag-sign of the Cross muna ako then lumunok nang konting Pride.
"Ahh ehh Uy Evo, alam ko hindi maganda yung unang meet natin. Pero sana hindi maapektuhan yung project and groupings dahil sa nangyari. I think you're professional enough naman eh for that."
After nun, wala akong nakitang reaksyon sa kanya.
Nakatingin lang siya sa board.Nagsalita ulit ako.
"Hanggang ngayon galit ka pa din ba ?? Hindi ko naman talaga sinasadya na banggain ka eh at hindi ko naman kasalanan yun noh, it was just an accident. Ikaw nga kung makasigaw ka sakin akala mo nanay kita eh."
Pero wala pa din effect !
Tulaley pa din si tanga.Ano kayang plano nito sa buhay?! Maging rebulto ?!
Pero hindi na ko nakatiis, hinampas ko siya sa braso nang mahina para maCapture ko yung atensyon nito sabay sigaw,
HOY ANO KABA ? NAKIKINIG KABA ? GUSTO KO LANG NAMANG MAGKALIWANAGAANNN TAYOO SA ,,
Hindi ko na natapos yung pagsisigaw ko sa kanya nang bigla syang lumingon sa akin.
Ibinaba nito yung hood nang kanyang Jacket, tinanggal yung earphone na nakalagay sa kanyang tenga at binigyan ako ng matalim na tingin.
BINABASA MO ANG
Crazy little thing called Pag-Ibig.
RomancePaano ba napunta sa ganito ? Paano bang lagi ko nalang siyang hinahanap ? Paano dumating sa point na kasama na siya sa mga binubuo kong pangarap ? Ang lalaking kinaiinisan ko nang sobra, ay siyang lalaki din babasag sa tahimik kong mundo at magpap...