|| Saturday Morning. ||
//Phone Ringing//
That's what you get when you let you're heart win ! WoooOOohh !
That's what you get when you let you're heart win ! WoooOOohh !//Dawn's Calling//
Uhmm Hello ????
- Hoy Chad ! , asan ka na ba ? 09:30am na nang umaga, anong petsa na? Masyado kang kagandahan jan! Almost 30minutes na kaming nganga dito !!!!
Uhhmm Bakit ba sumisigaw tong babaeng to ?! Tanong ko habanG nakakunot ang aking noo. Iniangat ko aking ulo upang sulyapan ang orasan.
Tick-Tock-Tick-Tock
Ooh My ...
Napabaligwas ako sa aking kama nang mapansin ang orasan, 09:31am na pala. Nakuu patay na. Naalala ko bigla na may usapan kami ng mga kaklase/kaibigan ko na magkikita kami ngayon para umpisahan na yung binigay na project samin sa CISCO1. Naku naman, ako pa naman yung leader nila tapos ako pa yung male'late ? Aba'y congratulations sa mga bunganga nila mamaya.//A-N: Para po sa mga hindi nakakaalam, ang CISCO ay isang computer networking subject.//
-Ah ehm, Ano kasi eh, Dawn huwag ka magagalit ha pero kakagising ko lang eh. Niyaya kasi ako nang mga pinsan ko maginuman kagabi. Eh medyo nasarapan kaya napadami yung inom. Ok lang ba kahit 30mins prepare lang ako then anjan nako by 10:00am ? Paliwanag ko kay sa Dawn sa mababa at may paemote'emote pang feelings.
-Naku ikaw talaga, naturingan ka pa nmang leader namin tpos ganyan ang iaasta mo ?! Kaloka ka. Naku mauuna na kami sa bahay nila Rinah tpos sumunod ka na lang ha. Wait ka namin ! Bye !
Medyo mataas ang boses nya dun ha. Naku humanda ka sakin mamaya.
By the way, let me introduce myself pala.
Ako nga pala si Chad Jimenez, 19 na taong gulang at kasalukuyang nag-aaral sa Liberty Academy sa Cavite. Bunso sa apat na anak ng aking mga magulang, meron akong tatlong nakakatandang kapatid na puro magagandang dilag. Hindi ako katangkaran pero hindi din naman maliit, sakto lang yung taas ko. Hindi ko masabi in exact measure kasi hindi ko alam kung ano ang exact height ko basta ang alam ko, tama lang ito, hahaha. Sakto lang din yung katawan ko, masasabi ko nman na maganda kahit papaano yung hubog nang katawan ko, maputi ako at singkitin, matangos ang ilong at mapula ang labi. Lakas maka'hearthrob diba, pero unfortunately hindi po ako totoong lalaki. Bata palang alam ko nang kakaiba ako sa mga nakakasalimuha ko, kasi feeling ko meron akong pakpak na everytime kapag gusto kong lumipad eh ready na at gorabels para makipagkarerahan kay Darna. I can say na decent naman yung pagiging gay ko, hindi ako nagsusuot na pambabae or nagco'cross dress kasi I respect myself naman. Hindi din ako yung tipikal na bading na pag narinig ng madaming tao yung salitang bakla ang unang papasok sa kokote nila eh, Maingay, Puno nang kolorete yung mukha, magaling mag ayos ng buhok at mahilig sa lalaki.
OO maingay ako minsan pero hindi naman madalas, medyo ma'sense of humor lang kasi akong tao. Hindi ako marunong mag'make-up , ewan ko ba pero wala akong talent diyan..
At higit sa lahat hindi naman ako mahilig masyado sa lalaki, although nagkaka'crush ako pero hindi dumating sa point na halos magpakamatay ako makuha lang ang taong gusto ko.
''Kasi ako, I believe in destiny, I believe na lahat nang itinakda balang araw eh magkakahanapan din at magkakatuluyan. Kaya makikita ko pa din si Mr. Right kasi alam ko hindi naman ako hahayaan ni God na mamatay ng virgin no ! ''
I'm an IT 3rd year student, medyo hilig ko kasi talaga ang mga gadget kaya ito na din yung kinuwa kong course.//A-N: Tapusin na itong walang katapusang pagpapakilala, nakakahiya naman baka ang storya ay umikot na lang sa introduction. Hahaha//
Tapos na ko makaligo at heto nga at nagmamadali akong magbihis upang hindi na madagdagan pa ang imbiyerna sa akin ng mga merlat kong kaibigan. (A/N: Sa Gay Lingo,, Merlat refers to Babae.)
|Bloog-baggg-BlOoooog-BaaaagggGg |
Ano yun ?! Agad na napasigaw ang aking Ina nang makarinig nang bagsak mula sa hagdanan.
ArraAaayyy !, ang tanging nasambit ko habang tinitignan pa ang tatlong Flappy Bird na umiikot sa aking ulo. Medyo mataas yung hagdanan namin kaya bongga ang pasa ko sa may bandang hita. Bwisit kasi, pano ba naman sa sobrang pagmamadali ko, hindi ko na napansin ang hanger na nakalaglag sa dulo ng baitang kaya naman nadulas ang beauty ko.
--''haynako naman ikaw bata ka, ano ba naman yang mga pinaggagawa mo, ke'aga-aga lumalangoy ka diyan sa hagdan!'' Sambit nang Mama ko habang nagtitiklop ng damit sa sala.
''Opo nga Ma eh, medyo naexcite kasi talaga ako dun sa lakad namin ngayon kaya nadulas ako. '' Pagdadahilan ko kay Mama.
Nagpaalam na ako kay Mama para umalis at nang matapos ay dali-dali nang lumabas nang bahay upang tumungo sa bahay nila Rinah, hindi naman kalayuan ang bahay nila mula sa amin kaya kampante naman akong makakarating sa kanila sa napagkasunduan naming oras which is 10:00am.
------------------|||--------------------
//A-N: comment po kayo kung gusto nyo pang ituloy ko yung kwento. Haha
Maya ulit ako mag uupdate if ever na meron pang may gusto :) //
BINABASA MO ANG
Crazy little thing called Pag-Ibig.
Storie d'amorePaano ba napunta sa ganito ? Paano bang lagi ko nalang siyang hinahanap ? Paano dumating sa point na kasama na siya sa mga binubuo kong pangarap ? Ang lalaking kinaiinisan ko nang sobra, ay siyang lalaki din babasag sa tahimik kong mundo at magpap...