Chapter 5

113 2 0
                                    

- MONDAY MORNING -

|| Chad's POV ||

$$ Phone Alarm $$

Pinatay ko kaagad ang ingay na nanggagaling sa aking phone.

Teka anong oras naba ?! Ang tanging nabigkas ko habang nakapikit pa ang isa kong mata.

Sinulyapan ko naman ang orasan na nakasabit sa dingding ng kwarto ko.

6:30am ..

Ah okay.
Buti sakto lang para makapag-ayos ako. Usually kasi lagi akong nagmamadali dahil sa tanghali na ako magising.

Agad na akong naligo at nag-ayos na nang gamit.

Bag ? Checked !

Laptop ? Checked !

Baon ? Checked !

Pagkatapos makapag-ayos ay bumaba na ako sa hagdan para makapag-almusal na.

Habang bumababa ay nakita ko na ang Mother and my Three pretty sisters.

Sabay sabay kaming nag-aalmusal kasi parehas morning shift ang mga trabaho nila.

Si Ate Celine ay isang nurse sa St. Dominic Hospital.

Si Ate Cassy naman ay production staff sa isang prestihiyosong TV network.

Si Ate Coleen naman ay pokpok sa Bar.
Charoot lang :) Siya ay isang call center agent.

Oh diba ? Ang bobongga nang mga sisters ko.

Pakanta kong bati.

Goodmorning sa Inyo ! (Nescafe tune)
Ang sumpa niyo sa akin ! ( MMK theme tune )

At nagtawanan naman sila.

Yan ka na naman sa mga mash-up mong kanta Chad ! Tara na dito at kumain at baka mahuli ka na naman sa klase mo. Yakag sakin ni Ate Celine.

Mukhang maaga ka ngayon ha ?
Hindi kana nagmamadali tulad nang dati ? Tanong ni Inang maganda.

Ahh opo Ma, bago yung nabili kong battery nang alarm clock ko eh.
Pagdadahilan ko kay Mama.

Pero echos lang yun, hindi naman dahil sa alarm clock ko kaya ako nagising kundi dahil sa cellphone ko.

Hindi ko pa din kasi nabibilhan nang battery yung alarm clock ko eh.
Nagastos ko kasi yung pera ba binigay ni Mama.
Nakakaloka ^_^

Nang matapos kaming kumain, nagpaalam na kaming lahat kay Mama.

Ohh ingat kayo ha ! Umuwi nang maaga.

Oh diba ?! Medyo strikta si Mader. Kelangan umuwi nang maaga kasi alam nya ang schedule namin.

Ako naman ay umalis na din para pumasok na sa school.

------------------------------------------

- Liberty Academy -

|| Chad's POV ||

Andito na ako ngayon school na pinapasukan ko. Malaki ito at malawak. Maraming magandang facility including laboratory, swimming pool and many kind ng court | basketball, volleyball, tennis at soccer | meron din kaming maluwag na gymnasium.

Syempre dapat lang para sulit yung binabayad namin sa school na ito noh.

Hmm andito ako ngayon sa IT Building at papasok na sana sa section namin.

Uyy meron daw tayong new transferee ha. Naku gwapo daw, matalino at mayaman !

Talaga ?? So excited naman to meet him.

Ohw em Jii, balita ko nga champion yun sa swimming competition sa school nila ha. sana mabait naman siya no..

Ano daw ?? Tama ba yung narinig ko ? Meron daw kaming kaklase ? OO nga yata, yun nga ang narinig ko.

Panoo ba namang hindi ko maririnig eh ang lalakas nang usapan nitong mga virgin na to.

Tama kayo, sila ang mga kaklase kong babae, mga anim sila sa grupo nila at tropang Virgin ang bansag namin sa kanila. Ahaha

- CISCO LAB -

Pagkapasok ko sa loob, nakita ko na si Rinah at Hannah.

Goodmorning Girls..

Goodmorning Chad ! Bati nila sa akin.

Uy, totoo ba ?! Meron daw tayong bagong transferee ha.

Ah uo nga daw. Balita ba iyon kanina pa eh. Sagot ni Rinah.

Paano mo nalaman Chad ? Tanong naman ni Hannah.

Naku narinig ko lang naman sa tropang virgin habang papasok ako dito sa loob.

Mukhang gwapo daw at mayaman kaya naman excited na sila.

Ikaw ba excited ka din ?!

Naku syempre hindi no, kahit pa sing gwapo ni Daniel Padilla yan eh.
Sagot ko naman kay Rinah.

Pero ang totoo, nacurious ako dun sa lalaki na yun ha. Sino kaya yun ? Sana mabait siya at madali naming maging kaibigan.

//// A-N: Sino kaya yung lalaking iyon ??? Abangan later ////

Uy Chad, ano nga pala talaga yung nangyari sayo sa mall kahapon ? Mukhang lagi kayong pinagtatagpo nung lalaki na yun ha.

Naku ewan ko sayo Rinah, ang sabihin mo lagi nyang binubwisit yung araw ko.

Pagkamalan ba naman akong manyakis ?! Sino kaya ang matutuwa doon ?? Hinding hindi ako magkakagusto sa lalaking ganun.

Hoy baka kainin mo yang sinabi mo ha.
Well, baka naman binobosohan mo talaga siya ?!

Eh kung itumba kita diyan Dawn ?!

Nagtawanan na ang buong tropa.

Kahit kelan intrimitida talaga itong si Dawn

Maya maya pa ay dumating na si Kevin at Brian.

Nakakaloka kaya yung lalaki na yun. Siguro nung naghagis ang Diyos nang kayabangan, nakaabang yung lalaki nayun at sinalo agad.

Goodmorning Guys !

--

Goodmorning Ma'am !

--

Napatigil na kami sa kwentuhan nang dumating na si Prof. Evelyn.

Pero wait may kasama si Ma'am, isang lalaki na nasa labas nang pintuan.

Hindi ko makita yung mukha nya pero for sure lalaki yun.

Siya kaya yung bago namin kaklase?!

-----------------------------------------

Crazy little thing called Pag-Ibig.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon