Chapter 2: Début

26 2 0
                                    

"D-début?"

-
Kanina pa ako tulala dito sa kwarto habang pinagmamasdan yung susi na hawak ko. Napatingin naman ako sa orasan, 8am? masyado pang maaga.

Hindi kasi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil dito sa susi na 'to.

Ang daming tanong sa isip ko. Masyadong nakaka-curious.

Sino ba may-ari nito?

Saan ba 'to galing?

o kung anong ibig sabihin nung début?

Argh, sasabog na ata utak ko kakaisip.
Sino ba naman kasing di makakatulog nang dahil sa isang susi lang?

Agad kong tinurn-on yung laptop at nagsimulang itype yung début, bukod sa ito na yung last choice ko, dito ko rin malalaman kung ano ba meaning nun kaso puro- birthday lumalabas? naman oh.

Nag-browse pa ako nang nagbrowse hanggang sa

"Début is a french word that means beginning?," basa ko sa isang article.

Beginning, huh?

Anong simula? Simula ng susi? patawa ba 'to?

Binuksan ko nalang yung phone ko para icheck kung anong oras na nang may makita akong pop-up notifications galing sa Fb account ko, inopen ko agad yon.

Eunice Prima's birthday was yesterday, send her your birthday wishes!

Ah, kaya pala nagtatampo.

-
Since Saturday naman ngayon, napagdesisyunan ko nalang na pumunta sa mall at bumili ng regalo para makabawi man lang.

Masyadong naging pre-occupied utak ko lately dahil sa susi na to, baka tapon ko na lang 'to mamaya.

Humanap nalang ako ng magandang regalo para kay Eunice, pero mukhang magfa-fail pumunta na ko sa iba't ibang store wala pa rin akong mapili.

Ano ba kasing pwede iregalo dun?

Nabuhayan naman ako nang pag-asa nang makita kung anong store yung nasa tapat ko. Bookstore.

Bakit hindi ko 'to naisip?

Pagkapasok ko palang ay puro academic books na yung nakita ko, tumingin-tingin pa ako kung may magugustuhan ba akong magazines o kaya fictional books.

Habang tumitingin-tingin, napahinto nalang ako nang may makitang kakaibang libro. Mas lalo pa akong lumapit at nagulat nalang sa nakita.

Teka, Paanong?-

Hindi talaga ako makapaniwala, paano napadpad dito yung libro na nasa library namin?

Hahawakan ko na sana nang bigla itong lumapit, sumakto pa sa palad ko na mas lalo ko pang kinagulat.

"AAAAAAAH!!!" sigaw ko nang magflash ulit yung book cover neto, nabitawan ko tuloy 'to. Shiz, lupa kainin mo na ako nakakahiya!

Dahil sa pagsigaw ko, nilapitan ako ng guard sa bookstore at tinanong kung okay lang ba 'ko. Tinuro ko nalang yung libro na kanina nagfaflash.

"Ano pong meron dyan miss?" tanong nito habang nagtatakang tumingin sa'kin. Damn, mukha tuloy akong nababaliw.

"A-Ah, b-bibilhin ko po, grabe kasi sobrang nakakakilig 'to kuya, napasigaw tuloy ako hehe, pasensya na po." pagpapalusot ko pa, tiningnan lang ako ng masama ni kuyang guard.

"Sa susunod miss, wag kang sisigaw akala namin kung ano na nangyari" reklamo pa nito, um-oo nalang ako at dumiretso na sa cashier.

-
Nakahiga ako sa kama habang nakatulala sa pader.

Panaginip lang ba yung kanina?

Chineck ko yung orasan ko at nakitang 9pm na pala.

Kung panaginip yun, ibig sabihin ilang oras akong tulog?

Bumangon agad ako at tiningnan yung drawer ko, nakita ko naman yung paper bag na may lamang dalawang libro. Totoo nga.

Argh, sa sobrang pagod at kacuriousan ko hindi ko na namamalayan mga nangyari. Pilit kong inaalala yung nangyari kanina, hindi pa rin ako makapaniwala.

Umupo ako sa kama at kinuha yung librong nasa paper bag. Pinagmasdan ko ito nang mabuti hanggang sa magflash nanaman yung book cover nito. Pinunasan ko muna ito bago binuksan yung parang bulsa sa harap.
Halos mapasigaw ulit ako nang makita yung title.

"Début?" basa ko pa, pinagmasdan ko muna ito nang maigi, halatang luma na.

Nagbebenta pala ng ganito yung bookstore na 'yon?

Agad kong kinuha yung susi na nakuha ko sa locker. Posible kayang magka-konektado 'to?

Habang pinagmamasdan ko ito ay nahagip ng mata ko yung parang lalagyanan ng susi sa gitna. Tinapat ko yung susi sa lalagyanan nito para sukatin kung magkakasya ba pero huli na ang lahat.

All of a sudden, bigla nalang umilaw yung buong paligid and everything went black.

-
©theunderrated_writer

ONCE UPON A BOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon