ONCE UPON A... BOOK

19 5 0
                                    

"Once upon a time..."
"Mali po, Once upon a...book po."

Napa-iling nalang ako sa paguusap ni lola at nang bunso kong kapatid na si Charlotte, gustong gusto kasi nilang binabasa yung librong ginawa ko,ang libro ng pagkatao ko. Kasalukuyan kaming nandito sa school kung saan ako nag-aaral dati at dito rin kami nakapagdecide na magstory-telling para sa fundraising namin.

"Ate Reese!," tawag sakin nung bata na kanina pa ako kinukulit.

"Hmm? bakit?" tanong ko na ikina-ngiti naman niya lumabas tuloy yung magkabilang  dimples niya, ang cute.

"Ah, may gusto po kasi akong malaman, pwede po ba?" tanong niya

"Oo naman, ano bang gusto mong malaman?" tanong ko pabalik sa kanya.

"Ahm, paano po ba magkaroon ng powers niyo? gusto ko rin po kasi sanang makita si Cinderella, Snow White, Belle at syaka... yung mga prince charming!." nakanguso niyang sabi, natawa nalang ako sa tanong niya at bago ko pa mapisil yung pisngi niya ay naupo ito na para bang hinihintay ako magkwento.

"O sige ikekwento ko na nga, pero secret lang natin to ha." bulong ko sa kanya katapos ay pinisil yung magkabilang pisngi niya, napa-tango naman ito habang nakatitig sakin na halatang interesado. Agad ko namang kinuha yung libro ko sa bag at nagsimula nang magbasa.

"Once upon a book..."

Note: All characters,names, place, and events are purely fictional.
All Rights Reserved.

©theunderrated_writer

ONCE UPON A BOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon