Chapter 3: Stories

17 3 2
                                    


Parang umikot yung paligid ko.

Unti-unti kong binuksan yung mga mata ko, hindi pa nagsisink-in lahat nang nangyari dun sa bookstore tapos dumagdag pa to.

Nasaan ba talaga ako?

Pilit kong inaalala yung mga nangyari kanina yung libro, yung susi, yung début.

Ano ba 'tong nangyayari sa'kin?

Napaface-palm nalang ako, wala na nga akong isip tapos iisipin ko pa to.


Sinubukan kong tumayo at maglakad-lakad na. Pinagmasdan ko muna yung buong paligid.

Sobrang dilim dito at wala kang makikitang liwanag bukod sa dinadaanan mo.

Nakakapagtaka.

Hinanap ko yung daan palabas.

Gustong-gusto ko nang umalis.

Naglakad-lakad pa ako baka sakaling nandito lang yon, hanggang sa
napunta ako dito sa isang dimension? I don't know kung anong tawag dito.

May makikita kang isang malaking hagdanan na made out of books, at wala kang makikitang iba kung hindi books. Seriously?

Pero bago ka pa makarating sa may mismong hagdanan, may mababasa kang floating words na pare-parehas lang naman. Nakaka-mangha at the same time nakakatakot.

Hindi ko mapigilan yung mga paa ko at kusa itong dahan-dahan na humakbang.

No choice, baka ito na yung daan pauwi.

Bawat hakbang ko paakyat ay biglang umiilaw yung mga librong tinatapakan ko.

Napangiti nalang ako, ang ganda niyang tingnan. Color gold pa yung lumalabas na ilaw.

Bawat hakbang ko ay pamangha ako nang pamangha, may madadaan kang mga libro na human-sized pero yung pinaka nakapukaw na paningin ko ay yung librong nasa taas.

Isang giant-sized book.

"Greek Mythology" basa ko sa title nito, nacurious ako bigla.

Tiningnan ko pa yung buong paligid nito hanggang sa may makita akong isang butas ng lock na kasing laki ko lang.

"Beware: This world is so magical, it can invades your mind, heart and soul" basa ko sa mga nakalutang na words sa taas nito.

Teka, ito rin mismo yung nabasa ko dun sa may parang entrance.

Hindi ko na alam kung anong iniisip ko at bigla nalang akong pumasok dun sa may butas ng lock na kasing-laki ko lang. Para akong hinigop nang isang malaking vacuum at tuluyang nahulog sa kung saan.


Napadpad ako sa isang talahiban at nagtago, hindi ko alam kung anong meron dito. Mabuti nang nag-iingat.
Nag-spy muna ako sa paligid at bigla akong nagulat sa nakita.

How is this even possible? Totoo sila?

Una kong nakita si Poseidon na nakikipaglaban kay Hades.
Sa kabilang banda naman ay si Aphrodite, and hindi ko maitatanggi sobrang ganda niya.

Napaisip nalang ako bigla.

Kung totoo sila, posibleng buhay pa rin sila hanggang ngayon pero hindi dahil sa pagkakaalam ko fictional lang sila.

So, this means...nasa loob ako nang isang libro? Paano?

Isipin ko palang ay hindi ko na maiwasang mamangha, ano pa kaya ngayon?

Tama nga yung mga words na nakalutang kanina.

This world really is magical.


©theunderrated_writer

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONCE UPON A BOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon