Fifth Canopy

137 7 2
                                        


A/N: Notice the cast line-up to be guided.

***

Ryumi's POV

"Geez, saan ba natin to ilalagay?" tanong ko kay Raynee na busy sa pagliligpit ng gamit niya dito sa locker namin. We need to vacate our lockers since kicked out na kami. Sosyal na kick out, I mean.

"Lilipat ba talaga kayo?" Ang daldal talaga nitong lockermate namin, si Michi. Kanina pa tanong ng tanong.

"You asked that for the nth time already, Mich. Don't let this duct tape enjoy your mouth," Nee coldly warned at itinaas ang hinahawakan niyang duct tape.

Yumuko si Michi at tsaka inayos ang eyeglasses niya. Nagpatuloy naman kami sa paghalungkat nitong locker namin. Sayang naman tong mga stuffs at glims dito, magagamit pa naman.

Share kasi kami ng school needs ni Nee. Before ng opening of classes ay mayroon na kaming stock dito.

Mayroong tatlong rings ng short and long bondpapers, 4 boxes of pastels, limang glue sticks, spiral-bound notebooks, pocket folders, boxes of pencils, boxes of ballpoint pens at mga samut saring art materials. Medyo materialistic kasi kaming dalawa.

Meron ring mga coloring pads. Nag cocolor kasi kami ni Nee pag vacant o di kaya'y boring ang teacher.

Inilagay namin lahat ng iyon sa isang storage box, ready for decomposition. Habang nasa black plastic bag naman ang mga bulok na letters, expired na chocolates at nalantang mga flowers na natanggap namin noong last at last last Valentines Day na sa basurahan lamang ang final destination.

Walang kahirap hirap na kinarga ni Nee ang mga box. "Tara na, itapon na natin to," she commanded.

"Teka muna!" I insisted. Kinuha ko muna ang mga nakaglue na pictures nina Lee Minho, Choi Minho, T.O.P. at LeeJoon sa loob ng ex locker ko. Baka pagtripan pa to ng susunod na user.

"Oy, itatapon niyo yan?" tanong ulit ng bunganga ni Michi. Tumango kami as a sign of response dahil abala pa kami sa paglalakad carrying this heavy stuffs. Buti at walang estudyanteng haharang harang sa hallway. Kanina pa pala ang dismissal, by the way.

"You can have some of it if you want," sagot ni Nee at nilingon si Michi.

"Hihingiin ko sana, kung okay lang?"

"Okay lang. Great help to sa mga cheche bureche mo," sabat ko.

Ngumiti naman si Michi at kinuha ang isang box na nakapatong sa dala ni Nee.

"No, di para sa akin."

"Kanino?" Nee and I questioned her in unison.

"Dali, sama kayo!" Hinablot naman niya ang mga bitbit namin at nauna nang naglakad papalabas ng gate. We followed her for the sake of the unknown recipients, sayang naman kasi kung itatapon lang namin to.

***
Raynee's POV

"Dito lang po, manong," instruct ni Michi sa tricicyle driver at ipinara ito sa kanto. I salute this blabby lockermate of mine, ang dali niyang nakapara ng tricicyle.

Let's just say that my strategy is more unique than hers. Slowly but surely.

"Kaloka Mich, ha! Parang madaming bukol ang napala ko dun. Tssssss." Ryu is now obviously overreacting while fixing her messy hair.

"Palibhasa kasi, mga batang de kotse kayong dalawa! Heto, manong," sagot ni Michi at iniabot ang pamasahe namin sa driver. Courtesy of Ryumi's wallet.

"Di na, hija. Ineng, naalala mo pa ba ako?" tanong ni Manong while looking at me, asking that eccentric question.

"Omg, magkakilala kayo?" Ryu asked with her feisty curiosity.

The Canopies of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon