Ninth Canopy

134 4 1
                                    


***

Third Person's POV

Napapitlag si Frost nang maramdaman ang kamay na umakbay sakanya habang lumalakad patungong Ashton galing Crap Cups. His properly plucked eyebrows met, kasabay ang pag-usbong ng kagustuhang ilapa ang pesteng kamay na yon, expecting na isa iyon sa mga babaeng early birds na di mabilang mabilang niyang mga admirers sa Ashton High.

'This bitch is part of the school's varsity,' aniya sa kanyang utak. Baka masyado itong matangkad gaya niya, dahilan upang madali siyang abutin nito.

He stopped walking and disgustly glanced towards his right. Mas lalo itong nairita nang makita ang may-ari ng kamay.

Si Sheen. Ang pinakamalapit na miyembro ng Like Stars sakanya bukod kay Kaine.

Like Stars. Binubuo ng limang kalalakihan na kinaiinggitan at hinahangaan ng marami, ma pa lalake at syempre mga babae. They've got the style and looks, dahilan upang sila ang maging araw araw na sustansya ng mga kababaihan sa Ashton High. Kulang na lang ay patayuan sila nito ng sarili nilang parish church.

Hinggil man sa kanyang kagustuhan ay isa siya sa mga miyembro nito. Dahil sa kakulitan ni Keys at Kaine at mapilit niyang kapatid na isang taon lang ang ang agwat sakanila, si Fraul na siya ring pinuno ng kalokohang ito.

Tinanggal niya ang nakapalupot na kamay ni Sheen. Sheen gave out an unnoticeable smile at sinabayan siya sa paglalakad.

Tahimik at minsanan lamang magsalita si Sheen, di gaya nina Kaine na halos wala ng bukas kung makabunganga.

Napansin niya ang namumula ang noo nito. Hinipo ni Sheen iyon na mukhang nahulaan na ang tanong he was about to ask.

"Ito? A retard attacked me. You left me sleeping," plain nitong sagot habang hinhipo ang namumulang noo nito.

"I was creeped out. You kept on calling Kaye's name. I told you that Crap Cups is not a good idea," litanya ni Frost ngunit binigyan lamang siya ng isang ngiti ni Sheen.

"I'm fine. She's fine. Matagal na yon," tugon nito.

"Moved on, huh?"

"I'll pretend. Pretending is much safer than believing," sabi nito at nauna nang maglakad. Huminga ng maluwag si Frost at namulsa patungo kay Sheen. He was a bit sorry dahil kahit papaano'y naawa rin siya para kay Sheen at Kaye. Magkaibigan pa naman sila mula pagkabata.

Rayne's POV

Spartans. Erudites. Elites. Bitches.

Believing in the science of mind-reading, ito ang naunang napasok sa utak ko nang makita ko ang mga magagarang estudyante ng Ashton, with a total population of 2,685.

Mga batang walang ibang ginawa kundi ang magpakasarap sa kayamanan at karangyaan. At ngayon, madadagdagan na sila sa pagdating namin ni Ryu. Pareho pareho naman kaming walang alam at mangmang sa totoong buhay.

Inilibot ko ang mga mata ko at nakita kung gaano kalaki ang whole campus. Meron pa yata sa likod eh. Di ko rin maiwasang mapatingin sa mga estudyanteng napapadaan at tumititig sa akin.

I crossed my arms at tinaasan sila ng kilay, dahilan upang tanggalin nila ang mga mata nila sa akin dahil kung hindi, baka kanina ko na iyong dinukot at gawing soup upang ipa-brunch sakanila.

Ipinagpatuloy ko ang pag-oobserba. Pangkat pangkat ang mga estudyante dito. Separated ang mga sosyalin, may kanilang grupo naman ang mga nerds at hiwalay rin ang mga ordinaryo at stereotypes.

Ang iba'y may kani-kanilang business, ang iba nama'y ginagawang gossip grounds ang hallways. Uso yata dito ang 'mind your own business'

Walang pansinan. Walang pakialaman.

The Canopies of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon