Fourth Canopy

133 5 1
                                    


***

Rayne's POV

"Yaya, nasaan na ba ang pinalit kay Druce?" tanong ko kay Yaya habang random na pinaglilipat-lipat ang channel ng cable. And shit, di ko naabutan ang Adventure Time.

Lumingon siya sa kinaroroonan ko bitbit ang I.D ko sa kaliwa niyang kamay at lunch pack ko naman sa kanan. Her sweetness syndrome do happen during mornings.

"Kinalimutan mo na naman."

Itinaas niya ang mga bitbit niya at tsaka tumungo sa couch. Pinatayo niya ako at pinagpagan ulit ang uniform ko.

"Maging asal babae ka nga." Iniwakli ko ang kamay niya at tsaka kinuha ang i.d at lunch ko. Nameywang naman siya at pinatay ang t.v.

"Nasaan na po ang sub ni Druce? Malelate na po ako," plain kong tanong. Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin palabas. Nagsitinginan naman ang mga katulong at mga house boys na na-interrupt while doing their individual works.

Pati ang gwardya ay nagulat nang makita niyang hinihila ako ni Yaya palabas.

"What the hell is this?" I asked that weird oldie at ikinalas ang braso sa kamay niya. Mas lalong akong nagulat nang tinuro niya ang mga public vehicles na nasa kalsada.

"Wala at walang magiging substitute si Druce. Kaya dapat kang matuto kung paano mag-commute," wika niya.

"Ano?! Taena, di ako marunong niyan!" I bet pakana to lahat ni Dad. Kayang kaya niyang patigilin ang mga hired niyang agencies sa pagpapadala ng substitute butlers, maids, cooks, etc.

"Kaya nga tuturuan, diba?" she sarcastically said at napa face palm naman ako. Leche.

Tiningnan ko siyang pumara ng isang physically-abused na tricycle. Tingin pa lang, sigurado akong disgrasya ang mapapala ko dito. And god, I don't wanna die in a young age due to an absurd reason.

Nilapitan niya agad ang tricycle na pinara niya at nanatili naman akong nakatayo sa gilid. She talked with the haggard driver before it engined the vehicle away from our area.

"Bakit mo pinaalis?" tanong ko nang naglakad siya pabalik.

"Pinara ko iyon, kailangan mong pumara mag-isa."

I crossed my arms and angrily looked at her. Ansarap niyang pasagasaan ng ten-wheeler truck.

"Kailangan mo ba talagang akong pahirapan, Yaya?"

"Hindi kita pinapahirapan, anak. Gusto ko lang na matuto ka. Ingat ka at wag kang magpagabi," aniya at tsaka pumasok na sa loob ng gate.

"At anak, di yan lalapit pag di mo paparahin. Mag ingat ka rin sa mga kidnappers at rapist at tsaka snatchers." Those were her fucking last words before leaving me dumfounded.

I paced back and forth. Tiningnan ko ang wrist watch ko and damn, malapit na akong malate.

I plainly walked away at tsaka tamad na nag-para. Leche, favoritism ba to? Kanina lang, noong si Yaya ang pumara, may lumapit. At ngayong ako na ang naghihikahos sa pagpara, walang ni isang lumalapit.

Halos mag te-ten minutes na ako dito pero wala pa ring lumalapit. I considered to have taxi pero they're all missing in action. Oh, they're all bullshit.

My temper rose from my veins kaya lakas loob akong nagpagitna sa isang tricycle na paparating para lang mapansin ako nito. The breaks loudly screeched and the horns warned at it's finest that made my heart skip a beat.

"See you, Reeyan," I silently whispered while waiting for the vehicle to hit me. Out of the blue, may isang kamay na humila sa akin at tsaka itinabi ako sa gilid.

The Canopies of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon