One

71 18 33
                                        

Nakatingin lang ako sa kisame, tila nilalamon ako ng sarili kong kalungkutan. Hindi ko na namalayan ang pagpatak ng mga luha ko habang nakahiga sa kama.


He cheated on me.


Kinagat ko ang ilalim na labi ko at umaasang hindi maririnig ng mga magulang ko ang pag-iyak ko. 


Saan ba ako nagkulang? Halos lahat naman binigay ko ah? Di pa ba sapat 'yon? Dapat ba sinobrahan ko pa? Dapat ba binigay ko lahat-lahat para hindi niya ako iniwan? 


Ang sakit pala, sobrang sakit pala.


Napatigil ako sa kakaisip nang bumaling ang tingin ko sa cellphone ko. Umilaw ito at isang mensahe ang natanggap ko.


Galing sa Heartsengger.


 Lumalabo man ang paningin ko dahil sa mga luha, kinuha ko pa rin ito at binuksan. Sinubukan ko itong i-delete uli, pero hindi ito nawawala. 


Dahil sa app na 'to, nagloko ang mahal ko. Dahil dito nasaktan ako.


Ininstalled ko pa naman ito dahil gusto kong makalimot, tapos malaman-laman ko na dahil dito kaya niya ako hiniwalayan? 


Tangina, ipagpapalit niya ako sa taong hindi niya pa kilala o ni nakita man lang?


"We noticed that you are trying to uninstall the app, I am sorry to tell you, but you cannot uninstall the app once you answered yes." 


Nag yes ba ako? Ah, oo nga pala. Anong klaseng app ba 'to? Wala ba man lang choice ang mga taong gustong umatras? 


"In 5 seconds, you will meet your dream guy. I hope you won't turn off your phone like you did yesterday. Thank you." 


Tangina, paano nila nalaman 'yon? Alam din nila ang totoong pangalan ko, saan ako nakatira, anong gender ko, at edad ko. Kaya siguro gustong gusto ito ng mga tao at pati na rin ng ex 'ko.


Game, walang mangyayari kung iiyak lang ako sa tabi. 


"Again, please follow the 3 rules or you are out of the game. Thank you."


Imposibleng ma-inlove ako dahil may mahal akong iba.

Dream Guy

Hey?


Tinitigan ko lang ang unang chat niya. Ano ba naman kasi ang dapat sabihin sa hey? Hi or hello? or dapat ba straight to the point na agad?


Me

Sorry, kakagaling lang sa break-up.

Dream Guy

Rip


RIP!? Ayon lang 'yon? Inis akong napaupo sa pagkakahiga at seryoso gumawa ng reply sa sinabi niya. Ngunit, bago ko pa mai-send sa kaniya, nakapag reply na siya.


Dream guy

Lemme guess you are crying rn.



Paano niya nalaman?


Me

Pano mo nasabe

Dream Guy

If you aren't, then you must be impermeable.



Impermeable? Nangiinsulto ata 'to ah?


Me

Minumura mo ba ko in a formal way? Pwes, Impermeable ka rin, duh! 🙄

Dream Guy

Tangina


Napairap nalang ako at nilapag na ang cellphone ko sa katabing mesa ng kama ko. Broken na nga ako, tinangina pa ng dream guy kuno ko.


Pero aaminin ko medyo nabawasan ang sakit na dumadaloy sa puso ko. Kahit na narito pa rin ang bigat dulot ng panloloko ng ex ko. 


Hindi ko na ata kayang magmahal ulit. Sobrang sakit.


Rip sa mga pusong nawasak. Tara walwal bukas ng gatas!

Heartsengger (App Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon