Heartsengger
In the year 2020, a well-known app creator created Heartsengger to help people connect to their dream-guy or dream-girl for 143 days.
Just like another app, there are rules and regulations that you must follow while using this app.
Unl...
Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para i-send ang salitang 'yan pero hayaan mo na kailangan din naman nating duma-moves dahil kung hindi walang mapupuntahan ang lahat.
Dream Guy
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
What did u just say?
Napangiti na naman ako sa sinabi niya. Lagi nalang akong ngumingiti nang dahil sa kaniya.
Napaka-harot mo rin Naomi no? Alam ba 'yan ng mga fans mo ha?
Me
Wala, sabi ko cute mo kaso bulag ka.
Dream Guy
Hahaha, dude, I'm not just cute.
"Ang hangin!" Hindi ko napigilang mapasigaw sa kahanginan ng lalaking 'to.
Pasalamat 'to at matalino siya. Marami akong natutunan sa kaniya kaya gusto ko siya laging kausap para next time matutunan niya na akong mahalin, semi char.
"Ang init kaya," napatingin ako kay Ate Neo na kasalukuyang nakatingin din sa akin na parang takang-taka.
Napataas lang ako ng kilay dahil hindi ko siya na-gets. Napairap nalang siya, at biglang lumapit sa akin.
"Break na kayo ni Thomas, 'di ba?" Nakangiti nitong tanong sa akin na para bang hindi niya tinanong kanina.
"Kanina mo pa tinatanong 'yan teh."
"Interesado ka ba sa mga koreano?" Nakuha niya ang atensyon ko dahil sino ba naman ang hi-hindi sa mga Oppa? "Okay, I'll take that as a yes. May friend akong koreano and gusto ka niya makita kasi pinakita ko picture mo once. Kasama ko rin siyang umuwi sa pinas."