"Give me another chance," Sabi ng lalaking nasa harapan ko, at pinakita ang pinaka nakakaawa niyang mukha.
"Sorry, may iba na akong mahal," Sabi ko at akmang tatalikuran na siya nang hawakan niya ang palapulsuhan ko.
"Hindi ko kayang mawala ka, ikamamatay ko 'yon!" Pumatak na ang luha sa mga mata niya pero tinigasan ko ang puso ko para hindi ako bumalik sa kaniya.
Hinarap ko siya at tiningnan ko siya ng seryoso sa mga mata. "E'di mamatay ka."
"Cut! Great job, Actors!"
Nakahinga ako ng maluwag nang matapos ang huling scene namin sa araw na ito.
Nag thank you ako sa mga co-actors ko at mga staff, pati na rin sa director ng drama at screenwriter.
Sa wakas, makakapag heartsengger na ako! 'Di naman ako excited pero slight stressing ang week na 'to kaya kailangan ko ng karamay.
"Ate Verra, Cellphone ko?" Tanong ko kay Ate Verra habang naglalakad sa parking lot. Dito kasi nag parking ang driver namin para hindi kami masyadong mahirapan.
Inilahad niya ang cellphone ko pero nang abutin ko 'yon bigla niyang nilayo. "Nagkabalikan ba kayo ni Thomas?" Bluntly na tanong nito sa akin.
Wao, bluntly. 'Wag na kayo magtaka kung kanino ko nalaman 'yan. Kanino pa ba 'di ba?
Agad akong umiling kaya pinagningkitan niya ako ng mata.
"Hindi na nga kami naguusap," Dagdag ko pa.
Totoo naman kasi, hindi niya ako kinausap simula nang nakipag-break siya. Naging maayos siguro ang relasyon nila nu'ng ka-heartsengger niya.
Nakita ko pa ang pagaalangan ni Ate Verra pero wala na siyang nagawa kung 'di ibigay ang cellphone ko sa akin.
Pumasok agad ako sa kotse at binuksan ang cellphone kong naka-power off.
Busy ata siya, hindi siya nag-chat ngayong araw na 'to.
Me
Oy, wao mukhang busy.
![](https://img.wattpad.com/cover/227814303-288-k234455.jpg)
BINABASA MO ANG
Heartsengger (App Series #1)
RomanceHeartsengger In the year 2020, a well-known app creator created Heartsengger to help people connect to their dream-guy or dream-girl for 143 days. Just like another app, there are rules and regulations that you must follow while using this app. Unl...