TbC#6

18 3 0
                                    

Crunch ..

"Khaye,  pakibalot itong tapos ko na kwentahin, " utos ni tita saken.

"Sige po, "sagot ko habang tumatayo,  inaayos ko kase yung mga bagong deliver na mga de lata ngayon dito sa mini grocery store namin.

While I'm busy packing, someone texted me.

From: Ate Sheila

Khaye, sama ka saken sa mall, may lunch date kami ni H.

Pagkabasa ko ng text niya, hindi ko muna siya nireplyan. Kinakabahan talaga ako sa boyfriend niya na iyon,  baka mahuli kami,  ayoko na kunsintihin pero feeling ko wala naman akong choice.

"Hello people of pilipinas." masiglang bati ni Ate Sheila pagkarating niya,  napapikit na lang ako ng mariin.

"Oh Sheila, ang init init bat kayo napadpad ni Gino dito?" tanong ni tita sa kanya.

"Ate,  ang boring sa bahay, so napag isip isip ko na mamasyal kami nila Gino at Khaye sa mall."

"Pero kulang kami sa man power ngayon,  dahil alam kong andito si khaye pinag day off ko muna si Berting."

"Please ate?  Hindi ko kaya alagaan si Gino sa mall".

"Bakit kase gagala pa kayo?! " napipikong sabi ni tita.

"Sige na ate,  saglit lang kami promise! "

"Kaartehan mo Sheila ah!  Oh siya dalawang oras lang at marami kaming ginagawa dito."

"Yes!  Thank you ate bilhan ka namin pasalubong mo, tara na Khaye para madami pa tayong time, " excited na sabi pa ni Ate Sheila.

Kinuha ko na mini bag pack ko at naglakad na kami papunta sa paradahan ng tricycle. 

"Ate Sheila,  ambaho ko kaya, amoy pawis." reklamo ko sa kanya

" I know, " sabi nito sa akin at tumawa pa. "Kaya heto pinagdala kita ng dress, palit ka na lang pagdating ng mall,  andun na si Henry."

"Makikita kayo ni Gino ate," kinabahan nanaman ako bakit pa kase sinama, ay wala pala siya kasama maiiwan sa bahay. 

"Hindi iyan,  sabihin naten na classmate ko siya at coincidence lang pagkikita naten,  then hindi na magsusumbong to," bulong niya sa akin.

Pagkarating ng mall dumaan muna kami saglit sa cr, off shoulder na baby pink ang dinalang dress ni ate, ang landi ng kulay parang hindi ko bagay.  Pero no choice, lagi naman, no choice!  Chos haha

"Ayan sa'yo na yan bagay na bagay mo Khaye, anyway sa point and grill na lang tayo, tara na andun na si H. "

"Jabee. " sabi bigla ni Gino sabay hila saken.

"Ay sige pogi kong pamangkin, heto pera take out muna kayo tapos sunod kayo doon okay? " utos sa akin ni ate sheila.

Napanguso na lang ako sa inis,  third wheel na nga ako baby sitter pa. Dumiretso nga muna kami sa Jollibee at pagkatapos pumila ng pagkanda haba haba dahil lunch time na, finally natapos na din!

On the way na kami ng point and grill, biglang napalaki yung mata ko nang mapansin ko kung sino itong nasa harapan ko,  likod pa lang gusto ko ng kiligin. 

O. M.  G.

Nigagawa ng poging to dito?  Baka may ka date?  Awww my heart, it hurts .. Iyak na Khaye. 

Pero wait ..

Bakit parehas kami ng way? 

Huminto muna kami ni Gino,  napatingin pa siya saken pero ngumiti lang ako and I signed wait. 

Tricked By CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon