TbC#7

20 2 0
                                    

Dededmahin o kikiligin?

Mas masakit nga naman to sa gasgas na natamo mo nang hindi mo sinasadyang mabangga yung edge ng lamesa.

Mas mahirap magkunwari na masaya ka kesa magkunwaring nagtutulug tulugan ka muna kahit five minutes lang.

At mas mahirap magtago sa sitwasyon na ito lalo na at papunta na sila sa direksiyon namin at wala akong choice kung hindi magkunwaring focus sa game!

Can someone please get me out of this situation!?

"Aray! " pabulong kong reklamo kay Ate Sheila.

"Ramdam kita ineng! Kala ko naman napapano ka at hindi na maipinta yang mukha mo, tapos makikita ko na lang yang labidabs mo na kalampungan si Jan, nakuuu selos na selos?" bulong niya ding pang aasar sa akin.

"Ano sinasabi mo ate?"

"Ay in denial ang peg!"

"focus ka lang sa laro baka mamiss mo yung pag shoot ni kuya H".

Inirapan niya lang ako, sinulyapan ko ulit sila sir J at Jam, di naman sila nanonood bat andito pa sila? Pwede maawa sa puso ko? Haaaaay!

"ay! Butiki! " bigla ako napasigaw sabay iwas sa malamig na bagay na dumampi sa pisngi ko.

"saan butiki? Baka gwapo meron! " tatawa tawang sabi ni Zach.

"Grabe ka! Kala ko naglalaro ka."

"Pano mo malalaman e di ka naman nanonood? Uwi kana kaya? Tulog ka muna para maipagpatuloy mo yang dream mo"

"hindi siya good dream, nightmare" bubulong bulong kong sabi.

"ano? Parang bubuyog e"

"wala, balik kana don"

"tara, di nako maglalaro, foodtrip tayo libre mo naman aba! "

"ay grabe parang dictionary sa kapal!"

"Tara na nga pakipot kapa! " inakbayan na niya ako para mas mahila niya sa nagtitinda ng fishball.

Pumikit na lang ako, hindi dahil feel ko, kundi dadaan kase kami sa harap nila sir.

Ayan naaa.

Ayaan naaa.

Ayaaaa - binuksan ko ang aking mga magagandang mata at nakita kong lumagpas na kami sa pwesto nila at di niya ako napansin.

Haaaay sad life.

Ang gulo ko din. May papikit pikit pa dahil ayoko mapansin ako tapos nung di ako pinansin malulungkot ako?

After kumain ng fishball umuwi na lang ako ayoko na siya makita o baka ayoko siya makita ksama si Jam

The next day, is a gloomy day not because it will rain but mas gloomy pa ang feelings ko sa panahon, I need some distraction!

I went to my position and start encoding the details of the incoming students this school year.

I feel sleepy and all then someone knock on the wood, sa divider per office.

"Excuse me, good morning khaye" Sir Jay greeted me as he approached my desk.

"Hi sir, ano po kailangan niyo? " napakapormal ko naman diba? Ganyan talaga pag na hopia haha

"I will just refill the ink of your dept's printer".

Tumango na lang ako wala naman ako masabi.

"Boyfriend mo ba yung kasama mo? "
Tanong niya after a couple of minutes.

Wow, napansin niya pala ako hmm

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tricked By CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon