Chapter 6: First Day

241 11 0
                                    

Chapter 6: First Day

Alicia's POV

Yung mga mata nya.... Wala na namang emosyon.

"Okay makinig ang lahat." Sabi ni Miss Algeria. Halos lahat naman nang estudyante ay napatingin sa kanya at naging maaamong tupa.

Umupo ang mga fallen vampire sa unahan nang long table nang mga iron section.

"Siguro nagtataka kayo na may panibagong student dito sa academy at napunta pa ito sa Iron Section kung saan maharlika at bibihira lang ang special power dito pero huwag kayong mag-alala, siya ay pinadala nang palasyo at kung nagtataka kayo kung bakit napunta pa sya sa iron section dahil ito sa kanyang special power..." Napatingin pa sya sa akin.

"Ang special power na ang mga Fritzl lang ang mayroon. Nakakapagtaka lang pero we need to accept the fact.  Ladies and gentlemen, palakpakan natin ang new student na si Alicia Sy." Nagpalakpakan naman ang mga taga-iron section at iba pang section pero ang mga Argon Section, mahahalata mong mga peke sila.

"Pumunta kana sa unahan Alicia. Para makuha mo na ang badge nang Iron Section." Wow, may pa-badge badge pa. Samantalang sa dati kong school tamang ID lang.

Tumango lang ako at nagsimula nang maglakad papuntang unahan. Habang papunta ako doon ay makikita mo ang mga ngiti nang council at professor. Nang madaanan ko kung saan nakapwesto ang mga Fallen Vampire's ay todo hiyaw sila.

"Go Ali!"
"Kaya mo yan!"
"Yieee Alicia Sy."

Ganyan ang mga supportive friends. Ngumiti lang ako aish nakakahiya. Andaming estudyante ang nakaharap sakin ngayon.

Pagpunta ko ay nag speech pa si Miss Algeria then maya maya ay may kinuha syang badge.

"Ang iyong seksyon ay sumisimbolo sa tapang. That section is quiet impressive and bravely. The section of Iron are for braver like you..." Parang may gusto pa syang sabihin pero tumahimik na lang sya at inilagay sa kaliwang dibdib ko ang badge. Sunod ay tinapik nya ang balikat ko at buong kumpyansang ngumiti. Humarap na sya sa buong students dito sa academy doon ko lang din napansin na madami ay mali, napakadaming studyante ang mga nandito.

"That's all, now back to your seat Ms. Sy and to all student dinner is ready so we need to eat na." Patakbo akong pumunta sa upuan ko, nagulat pa nga sila sa inasal ko pero wala akong pake 'natawa pa nga ako.

"Now your officially iron section. Welcome to the club." Wade's say nang umupo ako.

"Oo nga eh salamat naman at nakaupo na ako, nakakahiya sa unahan eh." Nahihiya kong sambit.

"Don't be shy. Hindi naman sila nangangagat eh haha." Nakangiti nyang sabi.

"Wala naman akong sinabi ah?" Natatawa kong sambit.

"Pfft. You look pretty when you smile. Aws i want to pinch your cheeks."

O////O

"Just kidding pfft Hahahah." Mukhang magkakasundo kami nitong lalaking eto.

"A-ano ba, huwag ka ngang tumawa 'napapatingin satin yung iba oh." Nahihiya kong sambit. Eh malay ko bang attention seeker itong si Wade?

Charot.

"Don't mind them, Let's eat." Ayun kumain na lang kami baka kase kami na lang yung matira dito pag nagdaldalan kami.

Pagkatapos ay sabay na kami ni Wade na umuwi sa dorm tutal magkapitbahay lang naman kami.

"Goodnight." He said then pumasok na sa dorm nya. Hindi pa nga ako nakakapag goodnight too pumasok na kaagad sya. Tsk tsk.

Aokigahara Academy : School Of The Fallen Vampire's Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon