Chapter 2: lost memories
—
Alicia's POV
Arghhh.... Madaling araw na nang magising ako at isinusuot ko na ang isusuot namin para sa pangangaso. Butch na medyo may sira pero magagamit pa. Parang pantalon pero hindi hays tapos sando na black.
"Magandang umaga ate!" Ang ganda talaga ni Avocado. Hays kasama din namin sya sa pangangaso at mas magaling pa sila sakin.
*/pout
"Magandang umaga din Avocado." Matamlay kong sambit. Hays ang weird lang na avocado pangalan nya samantalang hindi naman sila marunong mag English, hays. Bat ko ba prinoproblema yon?
"Bumaba na kayo dyan Alicia, Avocado." Saad ni Nanay Helen mula sa baba.
"Tara na ate?" Tumango na lamang ako pero hinawakan nya yung kamay ko tapos hinatak papuntang baba.
"W-wahHhhh!" Sigaw ko, ang bilis namin. Sabagay, bampira nga pala si Avocado. -__-
Pagbaba namin bumungad kaagad samin si Salemn, siguro 14 na to at si Avocado naman ay 8. May muscle kase si Salemn ih tapos magkasing tangkad lang kami.
Hindi ako pandak ah?! Sadyang mataas lang si Salemn!
Nakangiti si Salemn habang inaayos ang kanyang kasuotan samantalang si nanay Helen ay hinahanda ang lalagyan nang dugo para sa hapunan/tanghalian namin.
Ah nga pala, kumakain din kami nang pagkain nang tao para sa madaling paghilom nang sugat namin kung may sugat man kami.
"Tara na?" Tango na lamang ang naitango ko.
—
Tinuruan muna ako ni nanay Helen nang tips kung paano lumaban at makahuli nang usa. Binigyan kaming tag-iisang lalagyan para sa dugong makukuha namin.
Ang totoo, pede namang di na mangaso kung may pera ka slash pilak para makabili nang dugo sa bayan. Kaso mahirap lang talaga ang pamilya ni Nanay Helen eh.
Naghiwalay hiwalay na kami. Lakad lang ako nang lakad kaya nagpahinga muna ako sa puno. Maya-maya naramdaman kong may kumaluskos sa dakong silangan kaya agad akong pumunta doon ngunit nananatili ako sa mga sanga nang puno.
At tama nga ako dahil may isang usa na kumakain. Dahan dahan akong bumaba at nagtago sa malalagong damo at nung malapit na ako, gotcha!
Winasak ko ang tiyan nang usa. Naka tatlo akong lalagyan kaya naman yung mga natira ay ininom ko urghh this is make me crave!
*/clap */clap */clap
Napalingon ako sa bampirang gumawa nang ingay na iyon.
"Oops, mukhang naistorbo ko ang pagkain mo binibini o should i say hmmm..... Long time no see mi amor, Alisonn Nuriko Fritzl." Nakita ko kaagad ang nakakaloko nyang ngiti. Gwapo sya? Oo.
Pinunasan ko mukha ko para naman maging disente hehe.
"Alisonn Nuriko Fritzl?" Takhang tanong ko. Hays sino bang tinutukoy netong ugok na to?! Gwapo ka sana kyah kung di ka lang baliw.
"Mi amor." Mi amor, mi amor, baka mi amoy WAHAHAHAHAHAH.
"Pfft." Natatawa tuloy ako tangina!
"I know you, i know who you are and why are you here." Tsk. Tsk. Tsk.
"Then sino ako?"
"Just follow and trust me, and promise to me na samin ka kakampi." Ha?
"Tss. Crazy hindi tayo naglalaro para magkampikampihan."
BINABASA MO ANG
Aokigahara Academy : School Of The Fallen Vampire's
VampirosACADEMY SERIES NO.01 We're Living dead, we're vampire that have a curse. We're fallen vampire anyway. Genre: Vampire / Romance / Fantasy Author: Solera_YeonCyrhine Date start: May 15 2020