AGAD siyang pumasok ng bahay nila. "Anak nakapag impake ka na ba?" tanong nito Umiling siya "bilis magimpake ka na aalis na tayo ano mang oras" sabi niya at tangkang aalis na ng hawakan niya ang laylayan ng damit ng kanyang daddy "Daddy bakit po tayo aalis?" tanong niya lumuhod at kanyang daddy at niyakap siya "Ipapaliwanag ko sayo sa ngayon mag impake ka muna" sabi nitoPumasok na siya sa loob ng kwarto nila ni Marina at kinuha ang bag pack niya at nagimpake pagkatapos niyang magimpake nagpalit siya ng damit tinignan niya pa ang Kwintas na binigay sa kanya ni Nix
Pababa na siya ng marinig ang iyak ni Marina galing sa kusina "Marina makinig ka kailagan na nating umalis" sabi ni Tita Martha "But Mommy I want to stay here bakit kailangan pa nating umalis" sabi nito at malakas na umiyak agad binuhat ng kanyang ama ang kanyang kapatid
"Tahan na anak bibilhan kita ng maraming laruan pero sa ngayon kailangan na nating umalis" sabi nito ng may kumatok sa pintuan nila nagkatinginan si Tita Martha at ang kanyang daddy "Aria buksan mo ang pinto" utos ng kanyang Tita tumango siya "Wag ako na Aria" sabi ng kanyang ama umiling siya "ako na po para di kayo mahirapan" sabi niya
At lumapit sa Pinto ng buksan niya iyon nagulat siya ng may limang lalakeng nakaitim na nakatayo sa pintuan nila "Sino po kayo?" tanong niya pero sa halip na sumagot tinulak siya nito agad siyang hinila ng ama at tinago siya sa likuran nito
"Saan kayo pupunta Clarisson? tatakas kayo?" tanong nito "Tumigil ka na ika ilang beses ko bang sabihin sayo na wala akong alam" sabi ng kanyang daddy
Hinawakan niya ang kamay ng kapatid "Wag kang magsinungaling sa amin Clarisson kung ayaw mong patayin ko ang asawa't anak mo" sabi nito "Hindi ako nagsisinungaling hindi ko alam kung sino ang may jhawak ng sinumpa ng dyosa ng buwan" sabi nito
Napatili na lang kami ng biglang nawala si Tita Martha at sa isang iglap nasa harapan na namin ito hawak hawak ng isang lalake nakaitim at nakatutok ang mahahabang kuko nito kay Tita umiyak si Marina agad kong tinakpan ang bunganga niya ng tumingin sa amin ang lalake
"Pumili ka Clarisson magsabi ka ng totoo o papatayin ko itong asawa no" sabi niya pero hindi nagsalita si Daddy napatili na lang si Aria ng sumirit ang dugo at putol ang ulo ng kaniyang tita gumulong ito at tumigil sa harapan nila mas lalong umingay ang iyak ni Marina habang siya ay natulala
"Aria tumakbo kayo sa likod ng Bahay" sabi ng kanyang daddy kahit natatakot hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ng kanyang kapatid "Daddy paano kayo?" tanong niya "Wag mo akong alalahanin susunod ako sa inyo basta magtago muna kayo" sabi nito tumango siya
"Isa.......Dalawa......Ngayon na!" sigaw nito agad niyang hinila si marina habang ang kanyang daddy ay pinipigilan ang mga taong nakaitim na lumapit sa kanila.Ng malapit na sila sa pinto nahulog ang kanyang kwintas kaya pinulot niya pa ito "Aria umalis na kayo!" sigaw nito ng buksan ni Marina ang Pinto may nakaitim na naghihintay roon Napako siya sa kanyang kinatatayuan ng kalmutin nito si Marina Bumagsak ang kanyang kapatid sa harap niya naging abo naman ang lalake dahil may tumama dito na puting ilaw
Nawalan siya ng lakas at nanghihinang lumuhod "Marina........kaya mo pa ba?" tanong niya rito ngumiti lang Ito. Ito ang unang pagkakataon na ngumiti ang kanyang kapatid sa kanya "Thank you ate sa lahat" sabi nito at unti unting pumikit ang Mata "Noooo.....marina gumising ka dad" sigaw niya at tumingin sa kanyang daddy
At kita ng dalawang mata niya kung paano pumasok ang kamay ng lalake sa dibdib mg kanyang daddy "Daddy!" Sigaw niya. sumigaw ang kanyang daddy sa sakit natulala siya ng bumagsak ang kanyang daddy sa kanyang harapan katulad ni Marina puno ito ng dugo
Agad siyang nagtago "Wala na bang natira?" tanong nito "Wala na boss" rinig niyang sabi ng isang boses "Sunugin ang bahay" sabi nito nakiramdam si Aria ng ilang minuto ng wala ng yabag agad siyang lumabas at lumapit sa kanyang daddy
"Daddy" mahinang tawag niya rito nagmulat ng Mata ang kanyang daddy "Anak mahal na mahal ka ni daddy magiingat ka. Iligtas mo any sarili mo palagi mong tatandaan na palagi kaming nandyan para sayo kami ng Mommy mo at tita Martha mo at si Marina mahal na mahal kita"sabi nito at pumikit " No dad........ wag niyo akong iwan please....dad please mahal na mahal ko po kayo please wag niyo ako iwan"sabi niya at niyakap ang ulo ng kanyang daddy ngumiti lang ito at unti unting naging abo "Nooooo Daddy wag" pagmamakaawa niya
Pero tuluyan ng naging abo ang kanyang daddy tumingin siya sa paligid at umubo nasusunog na ang lahat ng bahagi ng kanilang bahay.
Lumapit siya kay Marina at niyakap ito may nahulog na kahoy at tumama iyon sa likod niya pumikit na lang siya hanggang sa nilamon na lang siya ng dilim 'Paalam Nix'

BINABASA MO ANG
Seville Academy: A school for Vampire and Witches
Fantasy'How stupid of me,to think I was the only flower in your garden'. Si Precious Ariane Alarcon ay nag-iisang apo ni Don Pronciano Elixir Alarcon at Donya Miranda Ana Alarcon ang isa sa mga kilalang tao sa bayan ng Seville. Ang Seville ay isang bayan n...