KABANATA 12

35 3 0
                                    

>First day at Seville Academy
------

"Good morning" nakangiting bati sa kanya ni Ackmalie pagkalabas niya ng kaniyang Kwarto. nagkilala na silang dalawa kahapon at ang akala niya matagal sila bago magkasundo pero mabait naman ito sa kanya saka kailangan niya ring magkaroon ng kaibigan"Goodmorning din"nakangiting sabi niya

"Hali ka na kakain na tayo nagluto na ako" sabi nito tumango siya at sumunod dito "Di na kita natulungan" sabi niya "Okey lang iyon kung gusto mo salitan tayo ako ngayon naman ang maghuhugas ng plato tapos ikaw bukas magluluto ako naman maghuhugas ng plato" sabi nito tumango siya mas mabuti nga kung ganon

Nagsimula na silang kumain at nagkwentuhan hanggang sa natapos silang kumain nauna namang naligo sa kanya si Ackmalie habang siya ay naghugas naman ng Plato nagpahinga siya saglit.

Lumabas si ackmalie sa Comfort room kaya kinuha na niya ang kanyang towel at pumasok na sa loob habang dumiretso naman sa kwarto niya si Ackmalie. pagkasirado niya ng pinto naghubad na siya at pumailalim sa shower ilang minuto ang itinagal niya sa loob bago lumabas

Naabutan naman niyang nakauniporm na si ackmalie nasa sofa ito nakaupo at mukhang iniintay siya dahil nakasuot ng ito ng bagpack "Precious mauuna na ako sayo gusto man kitang hintayin pero may kailangan pa kase akong gawin" sabi nito tumango lang siya at ngumiti "Okey lang mauna ka na" nakangiting sabi niya tumango ito at ngumiti rin bago umalis at sinirado ang pinto.

Habang siya ay pumasok sa loob ng kanyang kwarto at nagbihis medyo naiilang siya sa uniporm dahil sobrang ikli non above the knee noon kase sa dati niyang paaralan below the knee ang palda.At sa right side bandang puso ay may badge na parang bulaklak na kulay gold.

Inilugay niya lang ang uniporm at nagpolbo at kinuha na niya ang kanyang bagpack at sinuot iyon bago ang black shoes niya.

Nilock niya ang kwarto niya bago ang dorm at naglakad na paalis ng dorm for girls ng makarating sa plaza naiilang na siya dahil lahat ng students na madadaanan niya ay nakatingin sa kanya may something sa Mga mga ng iba pang students

Napayuko na lang siya hanggang sa makarating sa corridor at Hindi rin siya nakaligtas sa mga students na naroon lahat ng mga ito ay nakatingin sa kanya

"Transferee?"

"Totoo pala ang balita na may bagong students sa Seville"

"kung ako sa kanya aalis na ako"

"mukha pa naman siyang inosente"

"I bet she's also a bloodsucker"

"Ano kaya ang lasa ng dugo niya"

Marami pa siyang naririnig at nawe-weird-an na siya sa mga students na nakatingin sa kanya.

They look at her like shes a food. they are like a hungry animal and want to eat her alive the fuck with this people ang creepy.

Tuloy tuloy lang siya sa paglalakad hanggang makarating siya sa room 215 nasa second floor kase sila malayo palang rinig na niya ang ingay na nagmula dito

Lahat ng classroom ay tahimik maliban sa classroom ng 215 dahil malayong malayo palang ay rinig na ang sigawan at tawanan sa labas.

Seville Academy: A school for Vampire and WitchesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon