Chapter • 4

41 13 0
                                    

But if I sit the rain
Maybe I can drown
In something,
Other than my own thoughts




3 days after,umayos naman na ang panahon, nasa shop ako when Amore came, inaya nya 'ko lumabas,good thing nandito na sina tito at tita para sila naman ang magbabantay sa shop.

Kasalakuyan kaming nasa arcade nila Josh at Amore, when my phone rang.Unknown number nanaman,Nagpaalam ako saglit kila Amore at sinagot 'to.

["hello?"] panimula ko

["Ikaw ba yung babae sa waiting shed? Magkita tayo sa waiting shed,i'll be there at 5minutes"]then he ended the call.

pupuntahan ko ba?

baka murderer 'to.

o kaya scammer

o 'di kaya akyat bahay

o 'di kaya serial killer sa umaga

I decided to go kahit na may doubts,malay ko ba kung scammer o murderer pala yon,pero dahil maayos na ang panahon at madami nang tao sa labas,okay na 'rin.

Nagpa alam ako kina Amore at Josh na may dadaanan nga ako sa waiting shed malapit sa shop namin,pumayag naman sila kaagad kasi kung di sila papayag aalis pa rin ako. Charot.
Nilakad ko lang palabas ng mall yung waiting shed malapit sa shop,di naman gaanong kainitan kaya gora na.
Linchak natatandaan ko pa naman yung itsura nung lalaking tumulong sakin magkuha nang mga gamit ko pero wala pa sya dito,ang sabi 5minutes daw nandito na aba naman,ano 'to kapag online selling lang? bogus buyer kung tawagin? yawa
Iniwan iwan ko pa sila Amore do'n sa arcade para sa wala,

Siguro kung nandito lang sa harap ko yun nasabunutan ko na siguro yon kahit 'di kami close.Bwiset na yan 20mins na kong naghihintay dito,pag 30mins at wala pa yon pupunta na talaga ako sa shop.

Ewan ko kung sya ba tong kala mo balik-bayan sa laki ng backpack tapos naka bonnet pa,all black pa kulang nalang mask na itim para mapagkamalang holdaper.

Lumapit sya sa'kin at may inabot, puta.Tatlong araw ko na 'tong hinahanap nasa kanya lang pala... Don't tell me binasa nya to?!

"No,hindi ko binasa.May respeto naman ako sa gamit ng ibang tao,lalo na kung di ko naman kilala yung may ari"he said,luh nababasa ba neto nasa isip ko?? hala ka diha...

He chuckled,at lalong mas ikinagulat ko nanlaki yung mata ko kasi nababasa nya siguro nasa isip ko.

"Did you just?"sabay turo ko sa ulo ko,natawa naman sya "Hindi ah,halata lang talaga sa mukha mo." he said

"mabuti naman" I said,kung papansinin mo,seryoso syang tignan at parang bihira kung tumawa.Di sya ganong katangkad pero di rin naman sya maliit,iniisip ko tuloy kung anong laman ng nasa backpack nyang sobrang taba,siguro pusher 'to,o di kaya bata yung nasa laman nang bag nya,pero kung bata yon malamang kanina ko pa narinig yung hiyaw at iyak nito,ewan ko ba kung bakit sa dami dami nang pwedeng pansinin yung bag nya pa talaga ang napagdiskitahan ko,napaka sama ko naman sa pusher at kidnapper,baka mamaya sindikitao lang 'to.

Biglang nag ring yung phone nya, tinignan pa nya kung sino yon at sinagot nya naman agad at naglakad na palayo.Dahil wala naman na kong gagawin,I decided to go to our shop para magpaalam na uuwi na ko sa bahay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UlanWhere stories live. Discover now