Chapter • 3

44 16 2
                                    

May the flowers remind us
                       why the rain was so necessary

July 16

It's been 3months simula nang maging kami ni Calvin,maraming nagbabago... Kaya hindi na 'ko magugulat kung isang araw nalang ay iiwan nya 'ko.

It is already 7am nang magising ako,kasalukuyan akong naghahanda nang gamit na dadalhin ko dahil sasamahan ko ngayon si Calvin mag exercise sa park.I was wearing black leggings,sports bra and a loose tshirt paired it with rubber shoes.
Nagpa alam na ko kila Tito at Tita para umalis

"Marceline mag baon ka ng payong 'nak ko" sigaw ni tita para marinig ko,mukang maayos naman ang panahon kaya hindi na ko nag abala pa na magbaon ng payong.

Nagkita kami ni Calvin sa park,kasama nya ulit si Luna,yung kababata nya. Ewan ko ba sa tuwing lalabas kami ni Calvin palaging nakasabit si Luna sa'min.Hindi naman ako ganon katanga para di mapansin na ayaw saakin ni Luna,well the feeling is mutual,ayaw ko rin naman sakanya.Sa totoo lang nakakapagod makipag plastikan dito kay Luna,she's so loud at ang daming reklamo sa buhay.Siguro hindi nya maayos buhay nya kaya nangugulo nang buhay nang may buhay.

Sa ibang daan nag jogging si Calvin,dahilan para maiwan kaming dalawa ni Luna,I can feel na gusto na kong saktan ni Luna,siguro she just want to be professional kaya hindi sya gumagawa ng kahit anong ikasisira nya kay Calvin.
I feel so awkward kaya huminto muna ako sa pag j-jogging.She stopped too.She started talking to me,syempre plastik yan eh.

"So,Marceline you're really confident na sayong sayo si Calvin huh?" she chuckled then rolled her eyes.Ang sarap dukutin sis t.t

"Bakit? may balak ka bang agawin sya?,kung may balak ka,I know Calvin,hindi nya magagawa yon sa'kin" I said pinipigilang huwag ilabas ang galit ko

"Really?Talaga lang ha,for 3months?kilala mo na agad buong pagkatao ni Calvin? Hmm edi bilib na pala ako sayo Marceline hahah, Tignan nalang natin bukas kung sa'yo pa rin sya uuwi after ng laban namin sa boracay" she laughed sarcastically,walang sinasabi saakin si Calvin na pupunta silang boracay and what? bukas na?

"Boracay? aalis kayo? teka" I asked in confusion.Calvin never told me about them going to boracay.

"Oh shoot,hindi nya ba sinabi sayo? Kawawa ka naman,ganyan talaga siguro pag wala nang gana sa relationship,hindi na inuupdate,you're too boring to be honest Marceline" she sounded so happy,Agad akong bumalik kung nasaan yung mga gamit namin and then I saw Calvin sitting there.Nag mamadali akong maglakad palapit sakanya.I want to cry. I want to fucking let myself scream.

"Aalis kayo bukas?" I asked Calvin,trying my best to stay calm.I want him to apologise,kahit ngayon lang.

"Oo" he said plainly, na parang walang nararamdaman.

"Bakit di mo sinabi sa'kin?" Pagalit kong tanong sakanya.Hindi sumagot si Calvin sa'kin.Tumingin ako kay Luna,Alam kong nag papa fiesta na to sa isip isip nya.

"Ikaw Luna,masaya kana ba?" I asked Luna.

"Calvin she's attacking me!" Nagkunwari pa tong babaitang 'to, akala mo naman kung sinong anghel.

"Can you please stop marceline?!" Calvin shouted on me,umaambon na.

"Really?! Pinagtanggol mo pa talaga yang kababata mo na yan kesa sakin?! and wow Luna, attacking? seriously?" I laughed, ayokong umiyak sa harap nila,gusto kong makita nila na kaya ko. Kakayanin ko.

"Alam mo Marceline tapusin na natin tong kalokohan na to. Let's break up,ayoko na,sawang sawa na ko sayo." He said in a low voice,Si Luna naman kunwaring kinocomfort si Calvin,sagip kapamilya naman pala tong si Luna eh.

Ilang oras na pala akong nakatulala doon.

Saka lang ako natauhan.Umalis na pala sila.

Naiwan nanaman ako.

Lumakas nanaman ang ulan.

Magisa nanaman ako.

——————————-

September 2 typical day para sa'kin maaga akong nagising para pumunta sa shop.I was wearing shorts tucked in with stripes loose shirt I paired it with slip on shoes.
Wala sila Tita at Tito kasi busy sila sa aseana.Unti unti nanaman akong nabubuo—

Mi Amore calling

I answered it

"girl do u have any plans right now?" she asked

"shop ako today,why?" I said

"punta ko dyan,wait for me" then Amore ended the call

Maraming customers ngayon sa shop, I kept my self busy para mabilis na makalimot.Actually 'di na bago sa'kin ang iwan ako.Siguro nga naging manhid na 'ko, sa dami rami ba naman ng taong nangiwan sa'kin,siguro nga magisa nalang talaga ako.Siguro nga.

Habang wala pang customer napagpasyahan kong kumain muna sa foodchain malapit sa shop namin,binaliktad ko muna ang sign na open sa closed at nilock na ang pinto.

Walking distance lang naman kaya nilakad ko na.After eating pabalik na ko sa shop nilakad ko na nang biglang umulan,good thing dala ko mga gamit ko pati na rin yung notebook ko,sobrang lakas ng ulan.

Mabuti nalang at may waiting shed may lalaking tumatakbo rin papunta don kaya pumunta rin ako don para sumilong sa sobrang lakas ng ulan nilipad na yung payong ko t.t nagkandahulog hulog na rin yung mga dala kong papel para sa shop at notebook ko.Pinulot ko yon kahit na mabasa pa ko,buti nalang at tinulungan ako nung lalaki kahit mabasa pa sya.

"Salamat"I said,hindi sya kumibo,kaming dalawa lang nandito sa waiting shed pareho na din kaming basa dahil sa ulan.
Habang hinihintay na pahinain ang ulan.
Nilabas ko yung kamay ko para saluhin yung ulan na bumabagsak sa bubong ng waiting shed.

He did that too.

Na alala ko naman tuloy yung mga sinabi sa'kin ni Lola nung bata pa ko

-Flashback-

"Apo,magmamahal ka rin,masasaktan ka rin,isang araw mahahanap mo rin ang para sayo,halika dito dali at may ikwekwento ko sayo" bata pa lang ako non,syempre naniniwala ako sa lahat ng sasabihin ni Lola,matanda sya kaya may alam sya.Kaya nung bata ako palagi kong hinihiling na sana lumaki na agad ako,para ako naman magkwento,kaso parang hindi yata,Lumaki akong tahimik,malungkot at kasawa sawa...

"nagkakilala sila nung mga bata palang sila,siguro mga kasing edad mo,umuulan noon sa paaralan nila,susunduin ko na dapat ang mama mo kaso nakita ko syang nadapa sa hagdan ng school,pinagtawanan sya ng ibang kaklase pero yung lalaki kahit na umuulan tinulungan syang tumayo,alam mo ba apo naging magkaibigan sila hanggang sa tumanda sila,matibay pa rin ang pagkakaibigan nila ang kaso lang,kailangang mag aral nung kaibigan ng mama mo sa ibang bansa,hindi uso noon ang social media at kung ano ano pa,mahirap hagilapin ang taong malayo sa'yo kaya nagaral nalang nang nagaral ang mama mo hanggang sa makalimot sya,hindi man lang nasabi ng mama mo na may pagtingin sya sa kaibigan nya for so many years,kaya hanggang sa mawala ang mama mo wala pa ding paramdam yung kaibigan nya,sayang nga at hindi sila nagkatuluyan ng mama mo."

—end of flashback

I came back to my senses nang magtext si Amore,hindi na daw sya tutuloy muna dahil malakas nga yung ulan. Dahil medyo humina na yung ulan napagpasyahan kong bumalik na sa shop.
'Di ko alam kung ako yung tinatawag nung lalaking nasa waiting shed kaya hindi na 'ko lumingon at magdirediretsong tumakbo sa shop.

———————

Hi!! @mrclnvamp got suspended on twitter:< hindi na muna siguro ako mag gagawa ng panibagong account:( Anyways, Mag 200 reads na tayo!! Thank u so muchh!<33

UlanWhere stories live. Discover now