Chapter 11

54 15 0
                                    

Austhin's P.O.V,

Hindi ako nakapagpaalam kala kim kagabi at naunang umuwi. Hanggang ngayon di ko parin makalimutan ang itsura niya.

Gusto akong imbistigahan ng mga pulis at alamin ang nangyari, pero natatakot ako mag salita. Naguguluhan ako sakanila.

"Aus, okay lang yan." Saad ni kim at niyakap ako.

Nagtubig ang mga mata ko at tuluyan ng umiyak. Umiyak ako habang akap akap siya.

Nakakagaan ng pakiramdam tuwing may taong aalalay sayo tuwing naiyak. Simula nung bata ako di ko naranasan iyon.

Binuhos ko lahat ng hinanakit at galit na namumuo sa puso ko, pati pagmamahal.

Nakatulog agad ako dahil sa pagod narin.

~~~~~~~

"Austhin?, austhin?, gising na at kakain nadaw." Malumanay na saad ni kim. "Ayos ka lang ba?" Dugtong niya at tumango naman ako.

Bumaba na kami at nagsimulang kumain., tahimik lang kami na tila walang balak magsalita ang lahat.

"A-asan pala si austhin?" Biglang sambit ni nanay na ikinagulat ko, biglang nangilid ang luha ko. "Nakong batang yon napakahina niya, wag kamo siya mag tagal sa labas" biglang saad niya at pinapatigil siya ni tatay habang nakatingin sakin, napatingin din sa akin si nanay.

"Si-sino kayo?, nakita niyo ba kung asan si austhin?, kagabi nakita ko siya nagsesearch sa laptop ng orphanage. rudy, hinahanap ata ni aus ang tunay niyang magulang." Naiiyak na saad niya at napatahimik ako.

"N-nay.." Saad ko at hinawakan ang kamay niya.

"Sino ka?, bat moko tinawag na nanay?" Saad niya, nakalimot nanaman si nanay.

"A-ako to si austhin." Napapaos na saad ko.

"Si austhin ikaw?, bata siya e?, pano naging i--"

"Tama nayan, halika na akyat na tayo, hahanapin ko si austhin." Saad ni tatay.

"Hanapin mo siya, napakahina panaman nung bata nayon." Nagaalalang saad ni nanay.

Pinanonood ko silang umakyat pataas. Biglang hinawakan ni kim ang kamay mo.

"Okay lang yan, tumatanda na eh, nood nalang tayo." Mahinahong saad niya at tumango ako

~~~~~~~

Boong hapon kaming nanood at nasa kwarto na kami. Dito siya laging natutulog tuwing sabado at linggo.

Nang makatulog siya ay bigla nanamang sumkit lalo ang ulo ko, mas lumala ngayon. Napapikit ako at umiyak, halos sabunutan ko ang sarili ko.

Nagulat ako ng bumangon si kim.

"Cr lang ako." Naantok na saad niya at lumabas ng kwarto.

Napaiyak uli ako sa sakit. Pero mamaya maya nakaramdam ako ng kaba. Parang may masamang mangyayari.

Lalabas sana ako ng kwarto ng makita kong madaming lalaking nakapaligid na may dalang mga armas at hawak ng isang lalaki si kim sa leeg.

"S-sino kayo?" Kinakabahan na sagot ko.

3rd Person's P.O.V,

"Oh i see, di mo na talaga kami kilala austhin, totoo nga sinasabi ni shoun, nakalimot ka." Ngising saad ng lalaking hawak si kim

"Hindi nga ako ang tinutukoy niyo!!!" Naiiyak na saad ni austhin at napatawa sila.

"Gago kaba?, kita motong kalmot nato?, sayo to galing!" Galit na saad nung lalaking hawak si kim., pinakita niya ang malaking kalmot sa dibdib niya.

"Di kaba nagtataka kim?, kung bakit lagi siyang top 1?"saad nung lalaki kay kim

"H-hindi"nanginginig na saad ni kim.

"bulag kaba?, nag totoo 1 siya, kahit isang beses di mo siya nakitang mag aral. Ngayon sabihin mo mukha ba siyang normal?" Seryosong saad nung lalaki.

tumingin si kim kay austhin at napalunok.

"M-muka siyang normal."saad ni kim pero nagulat si austhin ng sugatan siya sa leeg gamit ang kutsilyo.

pupuntahan na sana siya ni aus ng may dalawang lalaking humawak sakanya, napaiyak na lamang siya.

"Ang kulit niyo!!! Hindi nga ako!!!" galit at naiiyak sa sabi niya.

"Kung gawin ko kaya to."saad nung lalaki na mas lalong sinugatan si kim at napaiyak si kim sa sakit.

Biglang nandilim ang paningin ni austhin.

"Sabi ko sayo hindi ako." Seryoso at nakakatakot na saad niya, tila mapula ang mata niya.

Sa isang iglap lang ay nakatakas siya at pinatumba niya nag dalawang lalaki.

"Sabi ko sainyo hindi ako ang hinahanap niyo." Malamig na saad niya at nilapitan ang nakahandusay na lalaki at tinapakan ang mukha nento sanhi ng pagkadurog ng buto.

Babarilin na sana siya ng lima pang lalaki ng sabay sabay silang napahiga dahil hindi makahinga. Ilang iglap lang ay putol na ang ulo nila.

Mabilis siyang pumunta sa huling lalaki na hawak hawak si kim.

Tinugnan niya ito ng nakakatakot.

"Hahahahha!, hindi ikaw?, tignan mo ginawa mo." Saad niya

Binitawan niya si kim kaya tumakbo palayo si kim at tulalang napatingin sakanila. Punong puno ng dugo ang bahay pati narin si austhin.

"Demonyo ka oh?" Natutuwang saad nung lalaki pero bigla siyang sinakal ni austhin pataas.

"Ang kulit niyo ilang beses kong sinabing hindi ako." Seryosong saad niya at pinagsusuntok ang lalaki hanggang sa madurog ang bungo.

"Aus?" Nanginginig na saad ni kim kaya napabalik siya sa normal.

Gulat si austhin na napatingin sa paligid at napatingin sa mala duguan na kamay niya.

"Wow! Nice one aus!!" Biglang may magsalita galing sa baba at nakita nila sila shoun.

"Ngayon tanungin kita kim, mukha ba siyang normal?" Saad nento kay kim.

Nanginginig na napatingin si kim kay aus.

"O-oo" saad ni kim na ikinatawa nila gian

"Kakaiba ka talaga kim." Saad ni gian.

"Gusto mo malaman ang lahat?" Seryosong saad ni marco kay austhin na tila hindi parin makapaniwala.

"O-oo" saad ni austhin.

"Sumama ka samin" saad ni shoun at umalis na sila. Bababa na sana si aus ng hawakan ni kim ang kamay niya.

"Tumawag ka ng pulis, babalik ako." Saad ni austhin kay kim at tumango nalang siya at binitawan si aus.

Sinoot ni austhin ang jacket niya at tuluyan ng lumabas, pumunta siya sa kotse.

"Pasok." Saad ni shoun at pumasok na siya.

~~~~~~

Nasa kalagitnaan ng pagbabiyahe ng may tumawag kay shoun.

"Okay, di niyo na kailangan ng tulong...okay."

"Marco, doon muna daw tayo sa lumang bahay, nagkaproblema sa lastros." Saad ni shoun at tumango si marco.

Innocent Demon√Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon