X2X 16

51 12 0
                                    

Attempt 2

Shoun's P.O.V,

Napahawak ako sa ulo ko dahil medyo nahilo ako. Napabangon ako at tumingin sa paligid.

Sabado, kung saan papatay palang si austhin. Pangapat na beses ko nang nagamit ang time leapt ko, yung una at pangalawa ay nung bata pako.

Pero delikado ito dahil kung paulit ulit ko itong ginawa ay pwede nakong mabulag, gumagana lang ang timeleapt ko tuwing nakikita ko ang paligid at hindi nakapikit.

"Bro?, papunta na raw sa bahay nila austhin sila stu."saad ni kevin.

"Paputahin mo ang lahat dito" seryosong saad ko at tumango nalamang siya bilang tugon.

~~~~~~~~

Agad kaming pumunta sa bahay nila austhin, bumungad sa amin ang mga patay at maladuguan na kamay ni austhin, kita ko rin ang takot ni kim.

"Halika na austhin."seryosong saad ko sabay lumabas agad.

Balak naming tumakas, at magpakalayo.

Naghintay lang ako sa kotse at maya maya ay nakita ko na sila kasama si austhin na tila nagtataka.

Pumasok na sila at nagsimulang bumyahe.

"May ibang scientist na naghahabol sayo, dont trust them." Saad ni marco

"Alam ko."malungkot na saad ni austhin at tumingin sa labas, napabuntong hininga nalamang ako. Medyo pagod ako kaya nakatulog agad ako.

~~~~~~~

"Shoun!!!!" Napabalikwas ako sa sigaw ni katelyn at agad naman akong napatingin sa labas.

Umaga na ngunit may mga taong nakapaligid samin.

"Kami na ang bahala rito." Saad ni kevin

"No, aalis tayong lahat, magteteleport tay--"

"No!, hindi mo kaya ang ganto karaming tao, may posibilidad na madunda nila kayo shoun."seryosong saad ni kevin. Napakalakas ni kevin at matatag ang kalooban kahit na napaka isip bata nento minsan.

"Halika na." Saad ni marco at agad kaminv nagteleport papunta sa lumang bahay.

"Ano nangyayari?" Takang tanong ni austhin.

"Sila ang humahabol sayo aus." Seryosong saad ko.

"ilalayo ka namin hanggat maari." Saad ni marco.

"Matulog ka muna dyan sa taas, babantayan ka namin."saad ko at sumunod naman siya.

"Should we go back?" Saad ko at agad namang nagsalubong ang kilay ni marco.

"No, huli narin para satin. Mas malakas ang kapangyarihan nila shoun."kalmadong saad niya.

"If ever they will find out where we are. agad mong itakas si austhin, importante siya saten shoun." Saad niya, mahal na mahal niya talaga ang kanyang kapatid.

"Mhh" ayon lang ang nasabi ko at napapikit.

~~~~~~~

"Shoun, may kalaban, ramdam ko sila." Bulong na saad sa akin ni marco.

"Tumakas na agad tayo" saad ko at pumunta agad kami sa taas kung saan natulog si austhin.

Nilapitan ko siya at ginising.

"Mhhhh" saad niya na tila pagod parin.

"Aus--"

Agad akong napahawak sa kutsilyong paparating sa akin.

"Tumakas na kayo!" Biglang sigaw ni marco bago siya pugutin ng isang lalaki.

Agad akong napahawak sa kamay ni austhin at nagteleport.

Napunta kami sa isang bangin habang si austhin ay tila gulat parin.

"Shouun!!, balikan natin sila!!" Naiiyak na saad ni austhin.

"B-bawal"naiiyak na saad ko, mas mabilis sila sa kilos namin, ni hindi manlang nakagalaw si marco para ipaglaban ang sarili niya.

True love is selfless. it is prepared to sacrifice

"Shoun, p-please..bumalik ka, bumalik ka sa oras please"saad niya na ikinagulat ko

"P-pano mo nalama--"

"Shoun trust me, kahit nakatakas tayo mamamatay parin ako."

Innocent Demon√Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon