Chapter 2:

13 6 0
                                    

Nakatingin lang ako sa hapag ng marinig ang salita ni mama, patuloy akong kumakain at nakikinig lang sakanila ni kuya.

"Nahanap mo na ba anak?"

"Hindi papo"

"Kawawa naman ang mga anak ko mga iniwan" Inubo ako sa sinabi ni mama ganun din si kuya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinasabi ni mama sa amin o maiinis.

"Babalikan din kayo nun kung mahal pa kayo" Pangaral niya sa amin.

Natapos narin ang dinner naminat umakyat na ako sa sarili kong kwarto napaisip parin ako sa break up naming dalawa.

Flashback:

"Why you can't leave him ha cristine!?" Sigaw ko habang nakaupo at nababasa sa ulan.

"I'm so sorry, hindi ko na kasi kayang masaktan ka dahil sa lokoloko ako"

"Satingin mo ba hindi ako nasasaktan ngayon?" Niyakap ko siya sa mga binti niya at lumuhod ako.

"Arie, I'm so sorry i can't love you now, third is my ...first love"

"Tangina Cristine, 2years na tayo ...Third parin? Ano bang meron sya na wala ako?"

"Hindi k-ko alam arie"

Nanatili lang akong naiwan sa ulanan, parang sa sandali na yun ay nadama ko si kuya na umiiyak ng gabing iniwan siya ni leusa

End of flashback.

After that, hindi parin ako napagod na tulungan sya we became friends after that. Ang sakit lang ng umamin ako and naging kami tas si Drent parin.

Matutulog na sana ako ng tumawag si Drent sa akin. Hindi ko sana sasagutin pero sinagot ko nalang rin.

[bro, si cristine you know her right?]

"Yes,she's my e--imean she's my friend why?"

[Uhm, can you pick her here sa DDD bar she's here]

"Yes,Papunta na ako"

Agad kong kinuha ang coat ko at susi ng kotse ko, Ano nanaman bang ginawa mo Cristine? Nagmadali akong makapunta sa DDDbar,ipinark ko kagad pagkarating ko doon.

"Hey, Bro"

"Where is she?" I asked.

"Uhm, here oh"

Nakita ko si Cristine na nakapulupot na sa legs ni Drent, juskopo! Anong ginawagawa mo jan Cristine.

"Uh, sorry Drent...Tara na Cristine umuwi na tayo" Sabi ko habang hinila na sya.

"Agh! No, i don't want to leave Drent here"

"Tara nanga sabi ko"

"Arie! Can you please shut up! You are just uhm...My ex!" Nanlaki ang mga mata ni Drent sa narinig nya pero nanatili akong seryoso na nakatingin sakanya.

"Don't mind her, she's drunk" I said with a calm voice, binuhat ko na sya kahit nagpapapigil pa siya sa akin.

"Bakit b-ba Arie!?" Pagtatanong nya habang sinasabunutan na ako. "Alam mo nakakahiya ka" sabi ko sakanya.

"Bakit mo ba ito ginagawa Arie!?" Sabi niya pa sa akin kaya tumingin ako sakanya.

"Kase mahal kita..." Natulala siya saglit at saka tinignan ang mga labi ko. tinaasan ko naman sya ng kilay bilang tugon.

"Okay, if totoo ngang mahal mopa ko, gimme some one kiss Arie!" Pagpipilit nya sa akin, umiling nalang ako sakanya at saka sumakay na ng kotse ko, pagkatapos ko siyang lagyan ng seatbelt.

"Ano, Arie? Di mo pala ako talagang mahal eh"

"Do you want it? Or you are just proving something?" Tanong ko sakanya, natahimik siya habang nakatingin lang sa bintana, pinaandar ko na ang makina at saka lumarga na, papunta na kami sa Vhersos sa unit nya.

Pagkapasok ko roon sa loob ng bahay niya, inalalayan ko siyang makapasok at inihagis sa kama niya.

"Aray..." Reklamo nya sa pagkahagis ko sakanya. Nagluto lang ako ng soup para sakanya para mawala ang kalasingan nya.

Napailing nalang ako habang kumukuha ng tubig para mapainom sakanya. Pagkalapit ko ginising ko na siya at pinainom ng tubig.

"Arie, hindi mo na kailangan tong gawin" sabi niya habang sumandal sa may kama niya.

"Gagawin ko ito, dahil mahal kita"

"Hindi nanga kailangan, dahil masasaktan kalang Arie"

Umiling ako bago humarap sakanya, parang sa sobrang seryoso ng tingin ko ay natatakot na siya sa pwedeng magawa ko. Nilapit ko ang mukha ko sakanya at saka hinawakan ang pisnge nya, hinalikan ko sya sa kanyang labi.

Pagkatapos non ay umiwas na ako ng tingin sakanya, at saka tumayo.

"Kainin mo yung soup duon, aalis na ako" Paalam ko sana, paalis na sana ako ng hilain niya ulit ako para yakapin.

"Anong ginagawa mo tine?" tanong ko habang nakatulala lang sa harap at inaalam ang dahilan niya, binitawan niya na ako at hinayaang umalis.

Hindi na ako makatulog pagkatapos non, hindi ko nga alam kung dapat ko ba talagang ginawa iyon. Naghalfbath na muna ako at saka nagbihis ng pantulog. Umayos na ako sa kama at dinatnan na ng antok.

**************************************************************************SUSUNOD CHAPTER #3***********

MBB#2: OMG, I'm Sandoval now...(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon