Chapter 8:

9 3 0
                                    

Ilang araw narin simula ng magkalagnat ako, hindi ko rin alam kung paano ko kukunin ang sasakyan ko sakanya, naiwan kasi doon sa unit nya.

Pagkababa ko, naabutan ko pa sa ibaba si kuya at mama. Ngumiti ako sakanila at saka umupo sa may hapag.

"Kamusta kana anak?" Tanong ni mama sa akin.

"Okay napo ako"

Natulala lang ako sa pagkain na nakahain at saka ako nabuhayan ng bigla akong nasabihan ni kuya.

"Arie! Kanina kapa kinakausap"

"H-ha ano yun?"

"Sure kabang okay kana? Ano bang nararamdaman mo?"

"Wala naman, sadyang natulala lang dahil kakagising ko palang"

"Wag ka na munang pumasok ha"

Tumango nalang ako bilang tugon at saka nagsimulang kumain, naiwan kaming dalawa ni kuya rito sa bahay, tinaasan ako nito ng kilay.

"Arie, Nagkausap na kami"

"Oh talaga? How is she?" Tanong ko sakanya.

"She is...okay but itutuloy ko na ang plano"

"Sige, Basta ba magiingat ka kuya"

Isinuot nya na ang coat nya at saka ito nagpaalam na aalis, magisa nanaman ako dito sa bahay. Umakyat na ako sa kwarto ko at nahiga ulit, nagring ang phone ko at nakitang tumatawag si Cristine.

"Hello?"

[Arie! Thank God sumagot ka kanina pa ako tumatawag eh!]

"Ay kanina paba? Anong meron napatawag ka?"

[Uhm, Kakamustahin ka lang sana]

"Okay lang ako tine, Wag mo na akong problemahin"

[Sure ka? Anyways, yung car mo dalhin ko nalang jan]

"Wag na ako nalang kukuha"

[pero kasi kagagaling mo lang sa sakit, wag ka nang makulit okay? Bye]

Inend nya na ang tawag at saka ako umayos ng higa, CRISTINE ANO BANG GINAGAWA MO, PAANO NA LANG AKO MAKAKAMOVEON SAYO.

Dapat ba talaga ako magmove-on?

Nakatulog pala ako ng ilang oras at nagising ng biglaan ng marinig ko ang sigaw nya sa ibaba.

"Arie! Arie! I'm hereee!!!"

Ang kulit talaga nya, bumaba na ako at saka binuksan ang pintuan, nakita ko siyang nakasweater at high waisted pants.

"Here's your car key"

"Thank you"

Isasara ko na sana ang pintuan ng magreklamo siya sa ginawa ko.

"Wait! Wait! By the way, i brought a foods for you"

"Patatabain mo ba ako? Para hindi ako magustuhan?"

"Nooo! Promise! Sabi kasi ng doc mas okay kung ito ang kakainin"

"Ahhh, pero kumain na ko kasabay nina mama"

"Okay, pero ilagay ko parin toh sa ref"

Ang kulit nya talaga at pumasok pasya ng biglaan sa bahay, isinara ko nalang ang pinto at napailing nalang sakanya.

"What?" ani niya at may gana pa itong tarayan ako.

"I'll go to my room, i need to rest" sabi ko sakanya umakma na akong aakyat pero hinawakan nya ako sa braso ko, tinignan ko naman ito ng may pagtataka.

"Wait, I'll go with you"

Nagtaka parin akong tinignan siya at tinaasan ko ito ng kilay. Nginitian niya ako at tinulak sa hagdan para umakyat kaming dalawa.

"Wait, ako unang papasok" sabi ko sakanya naisip ko kasi yung mga nakadisplay na pictures namin doon.

"Wag na tayo ng dalawa ang pumasok pleaseee?" Pagmamakaawa niya sakin pero hindi ako nagpatinag, hawak hawka ko lang ang doorknob ng kwarto ko.

Tinulak nya ako at dali dali niyang binuksan ang pintuan ng kwarto ko napahilamos nalang ako sa mukha ko dahil sa ginawa niya, bigla itong natahimik ng makita ang loob ng kwarto ko.Kulay puti at brown ang sahig ng kwarto ko, sa wall non ay yung malaking picture naming dalawa sa may beach noon, sa isang side naman yung maliit na pictures naming dalawa, simula nung highschool kami hanggang nung kami pa.

Sa side table ko naman nakalagay doon ang maliit na lettering ng pangalan naming dalawa na nakaframe din, Agad kong napansin ang nakakalat kong notebook na sinusulatan ko yung 'A day with you', kinuha ko kagaad yon at saka itinago sa likod ko.

"Arie, grabe ang kalat ng kwarto mo"
Isa isa niyang pinulot ang mga crumpled paper at inilagay sa basurahan.

"Ako nalang magliligpit nyan, sabi ko naman kasi ako ang unang papasok eh"

"Nasa iyo pa ito? Hahahah calligraphy pa ito nung sa booth ah?" Turo niya sa nakaframe na pangalan naming dalawa.

Hindi ko nalang siya pinansin,at nagikot ikot pa siya sa kwarto ko.

"Grabe, iniba mo narin ang ibang place ng mga gamit, ay! Nasa iyo paba yung...ano nga yun?"

"Ha? Yung alen?"

"Mga art materials"

"Ahhh, nanjan sa may ilalim na box" turo ko, kinuha naman nya yon at naghalwat halwat ng mga art materials, mahilig kasi siya doon natatandaan ko nga ang mga pinaggagawa namin non dati.

Natulala lang ako sakanya, itinayo na nya ang stand ng lalagyan para makapagpaint siya ng maayos. Tinignan ko lang ito at saka sya humarap sa akin.

"Sumali ka kaya sa akin noh?" Aya niya sa akin, umiling ako sakanya pero hinila niya naman ako. Nakakailan na ito sa akin ah!

"You don't know how to paint Arie? Hahahaha nalimutan mo?"

"I know how to paint, wag kang judgerist" sabi ko sakanya, kumunot naman ang noo nito sa akin.

"Sinong judgerist?"

"Baka ako? SYEMPRE IKA--"

Bastos talaga ito! Nilagyan nya ako ng paint sa ilong, tawang tawa naman ito kaya hindi ako nagpatalo, pinahiran ko rin siya ng paint sa pisnge niya. Nagpahiran lang kaming dalawa hanggang sa nahiga kaming dalawa sa kama ko, tawa lang kami ng tawa hanggang sa napatingin kami sa isat isa.

"Alam mo, Arie dami mo paring kalokohan!" Sabi niya sa akin, natulala nalang ako sakanya dahil naalala ko talaga ang masayang kami noon.

"Huy! Natulala kajan!"

"H-ha? S-sorry" sabi ko sakanya ngumiti ako rito at saka siya tinulungan tumayo sa kama ko.

"Ito naman! Hahahah alam mo magiingat ka sa susunod ha, wag kang magpapalipas ng gutom, pati rin wag kang magPUYAT" binatukan niya ako dahil sa nangyari sa akin nung mga nakaraan.

"Oo di nako magpupuyat, maghahanap nanga ako ng babae eh"

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko nagtaka naman ako kaya tinaasan ko siya ulit ng kilay.

"Bakit tine?"

"Wala lang! Hahahaha anyways go lang ng go susuportahan kita ha"

Bumulong pasiya pero hindi ko na narinig yun.

*******************************************************************************SUSUNOD CHAPTER #9******

MBB#2: OMG, I'm Sandoval now...(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon