Chapter 11:

5 2 0
                                    

Author's note: chapter eleven start of Cristine's Pov:

Aga kong nagising, hindi pa pala ako nakapalit ng damit ko dahil sa pagod kagabi, i hate myself so so much!

Drent is calling...

"What???"

[Chill, Hahahaha]

"Ano ba iyon bat ka napatawag?"

[Arie is Coming here at my house]

"Oh really!? Anong oras?"

[Isusurprise mo?]

"Uhm, I don't know! Just tell me what time is it!"

[Fine, 10pm here at my house]

Inend ko na ang call at saka naghanap hanap ng damit na susuotin ko mamayang gabi, for sure magiinuman lang sila doon nina Arie.

Ano bang magandang surprised sakanya? Like "Arie, I love you...please balikan mo nako" ...Hell nope, ampanget maybeee "Arieden, please comeback tayo huhuhu" yuck ang corny ko! Ano bang maganda? Syempre AKO!

I don't know what to do, napahiga ulit ako sa kama ko habang nagiisip ng pedeng sabihin sakanya, lagi nalang ako nagpapractice kapag kakausapin siya para kasing nakakatakot sya pag seryoso.

Kumain na ako ng almusal at saka nagscroll scroll sa feed ko, dp ko parin talaga ang photo namin ni arie, pagkascroll ko pa nagulat ako sa post ni Ali.

"I know you, babalik ka parin dito para sa akin"  then photo ng babaeng nakadikwatro sa kabilang table ng restaurant na kinakainan ni Ali.

Is this leusa? I think she is leusa, wala ng ibang minahal si Ali kundi si leusa lang, naalala ko tuloy na nagpatulong pa sya sa akin pero naunahan lang ako ni arie na tumulong. We are not close kasi ni leusa noong highschool like we talked to each other pag importante lang paguusapan until yun nanga, naging magkakatropa kami kaso nangyari ang break-up nila ni Ali.

I'm mad because she leave us alone, She break our promises, hanggang ngayon sobrang sama ng loob ko sakanya. Nagkakaroon parin ng bonding kami sa barkada pero hindi na kami ganoon kasaya nung nawala sya.

For sure kung nandito lang si Leusa, hindi niya hahayaan na mawala kami ng tuluyan ni Arie dahil sa katangahan ko, Leusa is nice friend magaadvice sya ngagaadvice hanggang sa matauhan ka. Agh! Yes! Aaminin ko na namimiss ko na si Leusa, sana nandito siya.

Dumating nadin ang gabi, 9pm palang pero nagaayos na ako ng sarili ko, alam kong malapit lang dito bahay ni drent pero gusto ko maaga ako roon, I wore Simple short dress then sandals, doon na tayo sa safe na sapatos kasi for sure pag tinamaan nanaman ako ng alak baka sumakit nanaman ang paa ko.

Isusurprised ko nalang si Arie like.."ARIE WILL YOU MARRY ME?" Gosh, corny uy! Pero still nababaliw na ata ako, i drove my car to Drent's house, madilim ang bahay nila actually nakakatakot nga eh mamaya scam toh si Drent.

Nagdoorbell ako at naghintay kung sino ang magbubukas, at sa kasamaang palad eh si Arie nandito na din! Gosh ang aga pa ah! 9:30pm palang bat nandito nasya.

"H-Hello?" Yan nalang ang nasabi ko sakanya, tinignan ako nito mula ulo hanggang paa.

"Bakit ka nandito?"

"Kasi nandito ka? ay...imean uhm..."

"Uy! Tine! Nandito ka na pala, napaaga kasi tong si Arie eh kaya di na kita nasabihan"

Awkward.....

Pumasok na kami ng bahay ni Drent, sabi ko na nga ba magiinuman lang dito, tinignan ko si Arie na umiinom ng coke...as in coke lang!

I put some Gin on my shot glass, Ininom ko at naramdaman na naginit ang dibdib ko, Grabe! I am so weak! Narinig ko si Arie na palihim na tumawa sa ekspresyon ng mukha ko.

"Tinatawa tawa mo jan?" Pagtataray ko sakanya.

"Wala lang"

Habang napainom pa ako ng ilang baso, tinamaan narin ako ng hilo, mayghad saka ko lang naalala ang singsing na inihanda ko para sa surprised kay arie. I am going to propose hahahaha.

"Stop Cristine,umuwi kana"

"Agh! Nasan naba kasi iyon?" Reklamo ko habang napaupo na ako sa sahig dhail hindi ko mahanap sa mini bag ko ang singsing.

"Cristine, Umuwi na tayo"

"Nandito lang yun eh, gosh! San ko ba nailag---ITO!" Sigaw ko pero dahil sa pagkalula na bitawan ko iyon, gumulong ang singsing kaya hindi ko na alam kung saan napadpad. Mahal yun! Gosh!

Binuhat na ako ng kung sino man, Hindi ko na kilala sinong lumalapit sa akin, nang marinig ko ang boses nayun alam kong nasa mabuting kamay ako.

"It's not healthy to drink a Gin, cristine"

"Pero ikaw pwede?" Tanong ko sakanya habang nakasandal na kong sa frontseat ng kotse ko.

"I'm not weak like you"

"Grabe ha!"

"Iba ka kapag nalalasing, iuuwi na kita"

Gaya ng sabi niya, naiuwi naman na nya ako, sayang naman yung sing sing nayun baka tanungin ko nalang si Drent kung may nakita sya sa bahay nya, iniwan na ako ni Arie dito sa kwarto ko narinig ko na syang bumukas ng pintuan kaya alam kong nakauwi nasya.

*****************************************************************************SUSUNOD CHAPTER #12:*****

MBB#2: OMG, I'm Sandoval now...(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon