Chapter 9:

6 3 0
                                    

"Ano nga kasi yun tine!?" Pagpupumilit kong tanong sakanya dahil alam ko talaga na  bumulong  siya hindi ako nagkakamali.

"Wala nga, Arie hahahahah"

"Ayaw mo talaga sabihin?"

"Aya--Arie! Hahahah nakikiliti ako"

Inihiga ko siya at lalong kiniliti para mapaamin siya sa binulong niya, umaangal pa siya dahil hindi na daw sya makahinga sa kakatawa.

"Ano sasabihin mo naba?"

"Oo hahhaha tama na arie"

Tinigilan ko nasya at tinulungan ko ulit siya makatayo, tawa pa siya ng tawa.

"Ano na yun?" Tanong ko habang nakatayo, sya naman nakaupo sa kama ko, tawa parin siya ng tawa.

"Okay eto na" tumayo sya at saka binuksan ang pintuan ng kwarto ko hinabol ko naman siya at nagsisigaw ako sa pagbaba ng hagdanan.

"Hoy! Tine! Napakadaya mo!"

"Hi tita! Si Arieden po oh! Hahahahah!"

Nandito na pala si mama at nagaayos ng groceries na binili niya,binanggit nanaman ni Cristine ang nickname ko sakanya nung hs kami, nasa likod sya ni mama kaya di ko makuha.

"Ble" sabi niya pa.

"Anong nangyari sainyo bat ganyan ang mukha ninyo? Punong puno ng pintura" sabi ni mama dun palang namin narealized na may pintura nga pala ang mukha namin.

"Si cristine kasi ma!" sigaw ko naiinis na talaga ako sakanya, kaya umakyat ulit ako ako ng hagdan para pumunta sa kwarto ko, pagkapasok ko roon naghilamos ako sa CR ko sa loob ng kwarto inilock ko rin ang pintuan ng kwarto bago pumasok ng CR.

Pagkahilamos ko, nagpunas ako ng mukha ko at saka inayos ang kalat na ginawa namin kanina ni cristine sa kwarto ko habang pinupulot ko ang mga iyon, bigla kong naamoy ang paborito kong ulam na Kaldereta.

Kumikirot nanaman ang tiyan ko, sabi ko eh hindi ko na papalipasin ang gutom ko pero ngayon ay mukhang papalipasin ko nanaman, ayoko kasing bumaba kasi for sure aasarin niya lang ako doon.

Bakit ba ako naasar eh ako naman palaging nangaasar sakanya ah? Naasar ba ako kasi hindi niya sinabi yung binulong niya? Ambabaw ko naman non, para akong bakla tsk!

Humiga ako sa may kama ko at saka naglagay ng kumot sa buong katawan nagtaklubong din ako ng unan sa ulo ko.

Ilang oras din akong nakatulog ng biglang may kumatok sa pintuan, nakita ko ring dumilim na ang paligid nung tumingin ako sa may bintana.

"Arie? Kakain na" Narinig ko ang boses ni kuya pero hindi ko ito pinansin, kinuha ko ang phone ko at saka tinignan ang kung ano ano roon.

Ilang oras pa ang nakalipas ng may naririnig akong sunod sunod na mga katok sa pintuan ko.

"Arie? Please eat your food?" Narinig ko si Cristine, nandito parin pala siya.

"I'm not hungry" pagsasalita ko pero narinig ko lang ang mga platong tumutunog, siguro ay kumakain siya sa tapat ng pinto ko.

"Kailangan mong kumain, Arie"

"No"

"Ay, pasaway ka? Sayang naman tong kaldereta na toh, Promise kapag kumain ka sasabihin ko na yung binulong ko"

"Scam"

"Nooo! Hindi promise!"

"Scam"

"Arie, hindi nga promise totoo na toh"

"Scam"

"Arie! Please"

Binuksan ko na ang pintuan at napatingin sakanya na nakaupo sa tapat ng pintuan ko, may dala din itong isa pang pagkain, siguro ay para sa akin.

"Tara kain tayo"

"Madudumihan ang kwarto"

"Hindi naman kasi jan arie! Bumaba na tayo hahahah"

"Ayoko, dun nalang tayo sa terrace"

Pumunta kaming dalawa doon, sinundan niya lang ako at saka naupo sa may mga upuan doon, sinimulan ko ng kumain, tinignan niya naman ako habang kumakain rin.

"So what is it?" Tanong ko sakanya.

"H-huh?"

"Sabi na iscam toh"

"Nooo! Uhm wait, ibaba ko lang ito tapos aakyat ako rito ulit"

Bumaba na siya, nakabalik narin naman siya kaagad pero parang bawat hakbang niya ay mukang siyang kinakabahan.

"Hello" sabi niya habang umuupo, hindi man lang niya ako tinitignan nakatingin lamang siya doon sa langit na punong puno ng mga bituin.

"Ang ganda niya noh" sabi niya habang nakatingin sa bituin

"Ewan ko sayo palusot ka" sabi ko sakanya.

"Hindi nga tignan mo promise"

"Ewan ko sayo, scam"

Tumayo na ako pero hinila niya ako papalapit sakaniya, ang hilig niya talagang gawin ang mga bagay na dapat ay lalaki ang gumagawa sakanya non.

"Maganda din ba ako?" Tanong niya sa akin napatawa naman ako sakanya at saka tinulak ang noo niya gamit ang hintuturo ko.

"Oo tanga ka lang" Seryosong tugon ko sakanya, sumimangot naman siya sa akin, nagsalita naman ako kaagad.

"Alam mo binabaliktad mo nanaman ako, sabihin mo na kasi" sabi ko sakanya habang nakatingin sakanya.

Lalo niyang inilapit ako sakanya, kaya napahawak ako sa upuan na inuupuan niya, nararamdaman ko na ang paghinga naming dalawa, hinawakan niya na ang pisnge ko at bigla ako nitong hinalikan.

Nararamdaman ko ang malalim na paghalik niya, Nagreresponse din ako sa bawat mga paghalik niya sa akin, binitawan niya ako, at saka niyakap ako, nahihirapan ako sa tayo naming dalawa, hinihingal din kami parehas sa ginawa namin.

"I love you Arie Denvar Sandoval, please wag ka ng maghanap ng iba pa"

******************************************************************************SUSUNOD CHAPTER #10*******

MBB#2: OMG, I'm Sandoval now...(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon