Chapter 10:

6 2 0
                                    

"I love you Arie Denvar Sandoval, please wag ka ng maghanap ng iba pa"

Kasalukuyan akong nanatili sa tayo naming dalawa, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, nagsasaya ang puso ko sa narinig pero ang isip ko ay naguguluhan.

Paano nalang kung sabihin nanaman niya yan at nanatili parin ang pagmamahal niya kay Third? Paano nalang ulit ako?

"Anong ginagawa nyo?"

Agad akong napaayos ng tayo at tinignan si kuya na nagtatanong sa amin.

"Wala kuya, natalisod lang ako"

"Ahhhh, kaya ka pala may lipstick sa labi" sabi niya, kaya agad akong napalakad papunta sa kwarto ko at pumasok sa CR roon.

Tinignan ko ang sarili ko at nakita ngang may lipstick sa labi ko, Cristine! Ano bayan!

Nagulat ako ng nagsalita si Cristine sa labas ng pinto ng CR sa kwarto ko.

"Arie, uhm...S-sorry"

"No it's okay, uh don't mind it let us forget that"

Natulala siya pagkatingin ko sakanya, katatapos ko lang maghilamos noon at nakikita kong seryoso na ang aura niya sa akin.

"Uhm, I'm serious about what i said earlier"

"Ahhh okay, you may go goodnight" ani ko sakanya kaya tumalikod na ito sa akin.

Sumara na ang pintuan ko ng umalis sya sa harapan ko, hindi ko kasi alam ang sasabihin ko sakanya simula ng malaman ko ang binulong nya. Napahiga nalang ako sa kama ko at saka nagisip isip.

Cristine Pov's:

Pagkalabas ko ng kwarto nya, napabuntong hininga ako at napasabi sa isip ko na 'wrong move cristine!'

Nagsimula na akong maglakad papunta sa hagdanan ng makita ko si Ali na nakatayo sa may terrace, tinignan nya rin ako at ngumiti sa akin.

"Aalis kana?" Tanong niya sa akin.

"Uhm, yup"

"What happened?" Tanong niya sa akin na parang nalaman na sa eksperesyon ng mukha ko na namomoblema ako sa nangyari kanina.

"Uh, i just..."

"What?"

"I kissed him, and i said that i love him"

"Hahahahaha, Ginulo mo nanaman ang isip nya tine ganyan talaga kapag nagmamahal eh noh? Minahal mo ba talaga sya?"

"Ali! Stop asking me like that" Napahilamos ako sa mukha ko bago nagsalita ulit "fck I love him so much"

"So, Asan si Drent sa puso mo kung ganon?" seryosong tugon niya sa akin.

"I don't know Ali, I don't know..."

"Bakit hindi mo alam? Sino ba ang mas lamang sa puso mo?"

"Stop asking me, ali please..." Tumulo na ang luha ko sakanya, tumalikod ako sakanya at saka bumaba.

Nakita ko naman si tita Anna na napatingin sa akin, sinenyasan niya ako lumapit sakanya.

"Are you okay, iha?" Tanong nya saakin.

"Uhm, o-opo" Nauutal kong tugon dahil sa daming tumatakbo sa isip ko ay baka mapaiyak ako.

"Kapag mahal mo, Ingatan mo wag mo ng pakawalan pa, kasi kapag pinakawalan mo may tyansang hindi ka na mahal"

Naninikip ang dibdib ko sa mga sinasabi ng mama niya hindi ko na alam talaga ang gagawin ko, bakit pa kasi bumalik ang feelings ko kay drent.

"O-opo, tita uhm..mauna na ho ako" bumeso ako sakanya at ngumiti.

Pagkalabas ko naalala ko nga palang hindi ko dala ang kotse ko.

"FCK! ANO BA! TANGA! ANG TANGA KO!" Inis kong tugon, naglakad lakad lang ako at sumakay ng taxi at nagpahatid sa condo ni Andrea.

Andrea is a understanding friend, yung feeling na hindi ka nya ijujudge kahit na sobrang tanga mo na.

Nang makarating ako roon umakyat ako sa may 2nd floor, habang papalapit ako may napansin ako sa may kabilang hagdan na pamilyar na babae parang si leusa, pinagpaliban ko nalang yun dahil sa I WANT TO RANT! HUHUHUHU.

"C'mon Andeng! Really? Tagal ah?!" Ani ko sa tapat ng pintuan nya, bigla kong narinig ang paglalakad nyang maingay kaya napatingin kaagad ako sa gilid ko.

"I am sorry dear, Naggrocery pa kasi ako eh" sabi niya habang naglalagay ng susi sa may doorknob.

"What brings you here? Rant?"

"Uhm, Yes! Gosh! I'm so tanga"

"Tanga ka naman talaga tine! About what ba? Kay Arie? Or Danyel?"

"Both of him"

"Ohh, wait sit down first" sabi niya sa akin napansin ko na ang daming maleta sa loob ng condo niya, hindi naman ganito kakalat ang mga gamit niya dati.

"Maleta? Bakit sobrang daming maleta here? Aalis ka?"

"Uhm, yes we decide na mag korea for Vacation" sabi niya sa akin.

"Ahhhh, With luis?"

"Yes"

"OMG! KELAN KAPA NAGKAROON NG GANITONG DRESS?" Paghawak ko sa isang dress na mahaba, maganda naman siya but hindi ito ang type ni andeng na damit. It's familiar, Ah! Kay leusa ko naaalala ang ganitong damit.

"Kay leusa ba ito? Nandito basya? Where? Gosh! dami kong kasalanan sakanya"

"GhOrl kala koba you want to rant? Bakit tayo napunta sa ganyang usapan"

"Uhm oonga pala, anyways uhm gulong gulo na ako Andeng! Imean tanga ko bakit ko pa kasi siya hiniwalayan"

"Well, masyado ka kasing naoverwhelmed sa pagdating ng Danyel,Drent,third o basta sya yung lalaki nayun"

"Idk, but wala na akong nararamdaman sakanya, alam mo ba na kinausap ko sya sa DDD'S BAR na super duper sorry sa mga kabaliwan ko sakanya, and i said na mas lamang parin ang pagmamahal ko kay Arieden"

"Arieden hmmm paano kung..."

"NO! PLEASE! HINDI PEDE" Alam ko na ang sasabihin niya, paano kung hindi na ako mahal ni Arie paano nalang... Okaya hindi niya na ako mapapatawad? Sobrang tanga ko kasi talaga.

"Chill girl! Anyways i have to go na kasi sorry ha, Emergency dinner kasi"

Napanguso ako sakanya at sumabay na sa paglabas ng unit nya napayakap ako sakanya.

"Basta pag mahal mo, mahal mo okay? Hahahaha bye tine!"

Paalam niya sa akin, umuwi naman ako kaagad sa bahay ko at saka nagisup isip roon.

Mamahalin mo pa kaya ako?

******************************************************************************SUSUNOD CHAPTER #11:*****

MBB#2: OMG, I'm Sandoval now...(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon