Chapter 7 - 24/7 Open

145 4 0
                                    

Daniel's POV

"Mr. Tan, Sa ayaw at sa gusto niya, Ako ang masusunod. Makakaalis na kayo." nakangiting sabi ng walang kwentang discipline coordinator.

Tumayo ako at sinabing, "I can't believe this!" at agad na kong lumabas. Sumunod naman si Kirby sa akin.

Aaaaah Badtrip! Ano ba tong nangyayari? I can't even imagine myself doing some...WEIRD STUFFS and now, they're sending me to Theatre club?! What the F* is going on? -___-

"Bro.." tinapik ni Kirby ang balikat ko. "It's okay."

"It's not okay dude. Nadamay kana nga eh. tapos ngayon, ipapasali nila tayo sa Theatre club?! Napaka-unfair." sagot ko habang nakahawak sa ulo ko.

"Alam mo Bro, kesa makick out tayo dito sa school, Sumunod nalang tayo. Kasi kahit baligbaligtarin natin ang pangyayari, Tayo parin ang may mali." ngumiti siya at tinapik ulit ang balikat ko.

Nag sigh nalang ako sa sinabi ni Kirby. May point rin naman siya. -___-

"Mga dude! Anong nangyayari dito. Sinong namatay?" bungad ni Derek habang papunta sa amin.

"Guess what.. Dude." sabi ni Kirby kay Derek.

"What?" sabi ni Derek habang umiinom ng Gatorade.

"We are joining the..........THEATRE CLUB!" sigaw ni Kirby at tawa ng tawa.

"Theatre club?! What the--" hindi natuloy na sabi ni Derek kasi humagikhik na siya sa kakatawa. Ganun rin naman si Kirby. Yung totoo, Natatawa pa sila sa lagay na to ah. -___-

"The bad news is, Suspended kami sa basketball team ng 1 month. Masaya ka parin, Derek?" sabi ko at tiningnan ko siya ng masama.

Napatigil sa tawa si Derek ng marinig niya ang sinabi ko. "A-ano?! 1 month is too long. Seryoso ba kayo?" Tumango si Kirby at ngumiti.

Maya maya, dumating si Angelica kasama ang bruha niyang bestfriend. As usual, Badtrip nanaman ako. Lalo na't pag nakikita ko ang bruha na yan.

Derek's POV

Tsk. Suspended ng 1 month si Kirby at DJ sa Team. Pano na 'to? Ako magiging in-charge for 1 month? I can't. -___- Tss. Tapos may game pa kami against PNJK by the end of the month. Hindi kami pwedeng matalo.

Biglang dumating si Gel at Kath. Narinig kong tinawag ni Gel si Kirby kaya naiwan kami ni DJ. Tinanong ko si DJ sa mga nangyari. Isa lang ang sinabi niya sa akin.

"Kagagawan ng babaeng yan. Malas lang ang dala niya sa akin. Makikita niya ang hinahanap niya. Humanda siya." sagot niya habang nakatitig kay Kath. Iba talaga pag si DJ ang nagalit. First time ko siya nakitang ganito. Lalong lalo na sa babae. Kasi sa totoo lang, hindi naman siya basta basta namamansin ng babae.

Umiling nalang ako at sinabing, "C'mon pare. Umayos ka nalang. Wag mo na dagdagan ang mga nasimulan mo." hindi niya ko pinansin at patuloy parin tumititig ng masama kay Kath.

Hinayaan ko nalang siya at inubos ko yung iniinom kong Gatorade.

Daniel's POV

Pssh. Pag talaga nakikita ko tong babaeng to, Nabbwisit ako. Bigla ko nanaman tuloy naalala yung..

"Gel, Halika na. Hayaan mo na yang walang kwentang tao na yan. Bukas na bukas, Makikita niya ang hinahanap niya. Yung mga ganyang klaseng tao, Hindi na dapat pinagtutuunan ng pansin. Attention seeker."

Bigla nanaman nang-init ang dugo ko. Lalo na pag nakikita ko siyang ngumingiti. Anong akala nya? Tapos na ang lahat?! Pwes, Nagkakamali siya. Hindi ko pa nakakalimutan ang lahat ng ginawa niya sa akin. Kung makangiti siya, Para bang walang masamang nangyari kanina. Nakakabadtrip.

24/7 Open - KathNiel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon