Chapter 4 - 24/7 Open

161 5 0
                                    

"So class, Get a 1/4 sheet of paper. And write your desire club or clubs for this school year. Dapat Class, maging active kayo sa club ninyo, Kasi makakatulong din ito para tumaas ang mga grades ninyo." payo ni Sir Miedes sa amin.

"Psst, Bes." bulong ni Gel.

"Ano?" sagot ko sa kanya habang nagsusulat ako ng pangalan ko sa papel.

"Anong sasalihan mo? Bilisan mong pumili. Baka maunahan na tayo ng iba." bulong ulit niya habang pasilip silip sa papel ko.

"Shunga ka ba? Wala pa akong nasusulat noh. Siguro.. Ano.. Ano nga ba?" patingin tingin ako sa itaas habang nag iisip.

"Mag Theatrong Bigkis tayo. Tapos Ipapa-recruit kita sa Debate Team. Ano sa tingin mo?" nag puppy dog eyes siya habang nakangiti na para bang namimilit.

"Oo na sige na. Wag ka ngang tumingin sa akn, Baka isipin na naman ni Sir, Nag cchismisan tayo. Dun ka nga!!" ngumiti siya at nagsulat na.

So ayun, Theatrong Bigkis ang sinalihan namin. Tapos Ipapa-recruit daw ako ni Gel sa Debate Team. For sure magiging masaya yun. So far, Ang kailangan daw sa Debate Team, Matapang at magaling dumepensa. I think naman, May mga ganung qualities ako. Hehe. ^____^

"So class, You may now proceed to your respective clubs. And avoid creating noise. Okay?" ngumiti sa amin si Sir Miedes at lumabas na ng classroom.

"TARA!!!!" sigaw ni Gel at biglang hila sa akin papunta sa Auditorium. Doon kasi ang meeting place ng Theatrong Bigkis. Pagdating namin ng Auditorium, Wala pang tao. -___- Eh pano ba naman kasi. Sobrang bilis tumakbo nito ni Gel. Kala mo naman mauubusan kami ng upuan sa Auditorium.

"Ba't kaba nagmamadali?" bumitaw ako sa pagkakahawak niya at sumimangot. "Kainissss. Ayan tuloy, Pawis na pawis na ako." hingal na hingal ako kaya umupo muna ako.

"Hehe, Sorry na bes. Eh kasi. Kailangan natin mauna dito para naman ma-appreciate nila na nauna pa tayo tapos ppwedeng ma-aasahan nila tayo na maging officers!" sabay kindat at ngumiti.

"Ewan ko sayoooo!" sabi ko at sumimangot parin ako pero siya nakangiti parin.

"Ma-aappreciate mo rin yung pagtakbo natin mamaya! Makikita mo. Hehe. I love you bes!" tumawa siya at nagpa ikot ikot sa stage.

Maya maya, May mga dumating na estudyante na. Kadalasan, Puro Freshmen, Sophies at Juniors. Bihira lang ang mga Seniors. Tumabi na si Gel sa akin at kinindatan nanaman ako. Naaasar ako sa kanya pero natutuwa at the same time. Ewan ko ba dyan! Baliw baliwan kasi yan eh. Haha, Anyways..

"So, New looks, New faces.. Welcome to Theatrong Bigkis. Gagawin namin ang lahat para ma-appreciate niyo itong club na to. And Good choice! Kasi this year, Marami tayong events na i-hhandle. So magiging busy tayo. But before that, Let me introduce myself. I'm Lilybeth Lozada. And I will be the moderator of this club for this school year." ngumiti siya sa amin at nagpatuloy magsalita.

Na elect ako as Club President. Actually, Dapat si Gel yun pero ayaw daw niya. Kaya ako nalang daw. Para naman daw makilala nila ako ng lubos at may tiwala naman daw sila sa akin. -___-" So ayun, si Gel nalang ang naging Vice President.

Matapos ang meeting, Naglinis kami ng backstage at pinalinisan rin namin sa mga Janitor at Janitress ang mga upuan at mga sulok ng Auditorium. Sobrang saya lang ng feeling na, Ganito. Walang problema, Walang stress. Chill lang, Relax. At  for sure, Magiging challenge tong pagiging President ko sa club na to. Gagawin ko ang lahat, mapatunayan ko lang na deserving ako at hindi nila pagsisisihan ang pagpili sakin. Fight fight fight! Kath!!! :)

24/7 Open - KathNiel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon